Chapter Twenty Five-MBG 💃 Luha

8 0 0
                                    


Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung pumayag si Sherane sa deal nila ni Ashid. Dalawang linggo rin na hindi pa ito napapasunod ni Ash.

Nasa ground silang dalawa at nanonood ng mga nag tetraining na mga athleta para sa kompetisyon na gaganapin sa Davao.

"Geez I'm so bored."

"Sherane, pang ilang libo mo ng reklamo iyan. Sumama ka na kasi sakin." aya ulit sakanya ni Ashid.

"Pang ilang libo mo narin yan Ash. You think magpapakontrol ako sayo? Ow no way!" Tumawa ng malakas si Sherane habang nakabasungot naman ang mukha ni Ash.

Simula nung nag deal sila ay madalas na niyang makita si Sherane na tumatawa, at minsan lang magalit pero sobra. Kasiyahan ni Sherane ang puntong walang magawa si Ashid sa pagpupumilit niya dahil ayaw rin magpa kontrol ng babae.

Tumayo si Ashid at pinagpagan ang pantalon.
"Ewan ko sayo. Ikaw bahala. Bili nalang muna ako ng pagkain at ice cream. Anong gusto mong flavor?"

"Rocky Road!" Masiglang sabi ni Sherane. Tumango ito at nagsimulang maglakad.

Bumaling naman si Sherane sa mga nagtretraining.

May lumapit sakanyang dalawang babae na mukhang pamilyar.
"Hi! Bussiness Administration ka diba?"

"Yes. What do you need?" diritsahang tanong niya. Hindi pa rin nawala ang katarayan ni Sherane pagdating sa ibang tao. Kung titignan mo, she's still the worse Sherane. The bitchy Sherane.

"Uhm. Kailangan daw nating magtipon-tipon sabi ng president. Ngayon na daw." sagot ng babae nito sakanya.

"Okay. Susunod ako."

Umalis ang dalawang babae at tinignan ulit ang papel na may mga pangalan ang litrato.

Ilang minutong nakaupo doon si Sherane pero wala paring Ash na nakarating.

"Dapat nandito na siya. Kalahating oras na ata siyang wala. Para namang sinakluban siya ng ice cream at pagkain na binili niya. Tsk." bulong ni Sherane sakanyang sarili at inayos ang dress.

Tumungo siya sa canteen at nakitang nakatalikod si si Ash at may kausap kaya dali-dali siyang lumapit dito.

"What took you so long Ashid!" salubong niya rito. Humarap ito sakanya at ibinigay ang supot na may lamang pagkain at ice cream.

"Who is she Ashid?" tanong ng babaeng kausap ni Ashid. Pinasadahan ng tingin ni Sherane ang babae. Loose curls ang buhok sa dulo, kulay blonde ang baba at itim naman mula sa ulo, nakapulang lipstick, naka stellitos ng pula at mas ikinagulat niya ay pareho ang desinyo ng dress nilang dalawa. Ang pinagkaiba lamang ay itim ang kay Sherane at Pula sa babaeng kaharap niya. Isa itong tube dress. Halata rin na isa siyang purong amerikana dahil sa paraan ng pagsasalita niya.

"I am Sherane Blair Serrano. Ashid's ex-girlfriend. Who are you?"

Ngumisi ang babae at — " Nice to meet you Sherane. I am Alison. Ashid's girlfriend."

Nagulat si Sherane sa sinabi ng babae pero ngumiti lamang ito. 

"I see. Nice to meet you Alison. I have to go. May meeting pa kaming mga bussiness ad......" ngiti niya sa babae at humarap kay Ash na may malamig na mga mata.

"I'll go ahead Ashid............" sabi nito at bahagyang lumapit sa tainga ni Ashid saka bumulong "
I don't know what to say, but one thing, gusto kong itatak mo to sa utak mo....... I HATE YOU. YOU LIED TO ME."

Diritso ang lakad ni Sherane patungo sa building na kinaroroonan ng Bussiness Ad.
Halos bumaliktad ang sikmura niya dahil sa nangyari. Ni hindi niya alam kong ano ba ang dapat niyang maramdaman dahil namamanhid ang kanyang buong katawan.

Imbis na tumigil sa pangatlong floor ng building para sa meeting ay dumiretso siya sa rooftop.

Malakas na hangin ang sumalubong sakanya. Inilapag niya ang supot sa sahig.  Hinawakan niya ang railings at pinagmasdan ang kabuuan ng campus. Tumigil siya sa kinaroroonan ng cafeteria at tinignan itong mabuti.

"He said..... he'll do everything to win me back......."

Gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya.
Una dahil hindi naman niya gusto si Ashid.  Pinagtulakan niya pa nga ito sa pamamagitan ng  dalawang buwan na deal.
Pangalawa ay walang sila.
Pangatlo ay wala siyang katiting na karapatan at si Earl ang laman ng puso niya.

"Ahjjjj!!!!! Ano ba to!!!!"

"Is that so? Nilandi ka lang pala ni Ashid? Well, bat niya kaya ginawa yun?"

Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses.
"Selma? What are you doing here?" matigas na sabi niya.

"Uhm, let's say. I'm looking for you. I saw and heard everything Sherane. I'm following you almost a week." ngisi nito.

"Stalker."

Binalewala ni Selma ang sinabi ng dalaga at lumapit sakanya.

"I think, gusto ni Ash ng revenge? Do you still remember? Sinaktan mo siya. Ginamit mo siya. Tsk." iling pa nito.

"Why are you doing this?!" sigaw ni Sherane sa tumatawang si Selma.

"Oh dear, wala akong ginagawa. Kaibigan pa rin naman kasi ang tingin ko sayo. Like, tinutulungan lang kitang imulat ang mga mata mong bulag sa katotohanan. Masyado ka na kasing makasarili. You only think for yourself. On what's good for you not for the other people."

Umiling si Sherane at pinigilan ang nagbabadyang luha sakanyang mga mata. Ito ang bago sakanya, kunting pangyayari naiiyak siya. She's tough outside but weak inside. Bitch outside, crybaby inside. She only want to prove to people that she's strong enough to handle her problem.

"Hindi niya gagawin yun."

"Well, ikaw bahala. Think Sherane. Think. Huwag kang mag bulag-bulagan. Kung ako sayo, layuan mo na si Ashid dahil may girlfriend na ang tao. Baka makawasak ka na naman ng relasyon gaya ng ginawa mo samin ni Earl."

Tumawa ng bahagya si Sherane at hinayaan ang luhang pumatak sa pisngi niya.

"Baka nakakalimutan mo, ako ang nauna kay Earl bago ka. Kinuha ko lang ang pag mamay-ari ko Selma. Kinuha ko lang ang dapat na sakin. Kinuha ko lang ang INAGAW SAAKIN."

Ngumisi si Selma at tumalikod.

"Nakuha mo nga. Naagaw mo nga. Naangkin mo nga pero nawala rin naman siya diba? He died because of you. Diba mas maganda kong nanatili siya sa taong hindi nagmamay-ari sakanya? Sa taong kumuha sakanya at pinaglaban siya? Diba? Diba mas maganda kung nasa akin siya. E d sana buhay pa siya." huling sabi nito at simulang maglakad papalabas.

Bumuhos ang luha ni Sherane at sinisi ulit ang sarili sa nangyari.

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon