Chapter Five💃🏻 My bitchy girlfriend on her PMS.

13 3 2
                                    

"Pwede ba bilis-bilisan niyo? Muka kayong pagong, ang babagal!" sigaw ni Sherane sa mga katulong. Maaga itong nagising dahil masakit ang puson niya kaya halos naunahan niya ang mga katulong at ngayon galit na galit siya dahil wala pang nakahain.

"Sherane bat ka ba sumisigaw, ang aga-aga." paalala ng kanyang mommy na kakababa lang.

"They are so cheap mom! Wala silang class!" Sigaw nito.

"Aba? May katulong ba na may class Ate? Diba wala. More on wala silang kaya." Shabana said. Kapatid ni Sherane, she's 15 years old at sa Russia nag aaral.

"Watch your mouth Shabana!" her mom said. Umirap nalang ang dalawa at kumain.

---

Si Sherane ang naka assign na mag drive ngayon kaya sinundo niya ang dalawa sa bahay nito.

"Ano tara na. Masakit puson ko." Sabi nito at pumasok sa loob ng sasakyan.

"Puson mo masakit?" tanong ni Jiriana.

"This can't be." Yan nalang ang nasabi ni Selma.

"Baba nalang ako. May naiwan ako. I'll use my car." sabi ni Jiriana pero pinaandar na ito ni Sherane.

"Get ready babies." Sherane said and smirk. Nawalan naman ng kulay ang dalawa niyang kaibigan sa likod.

"Jesus, Help me." Sabi ni Jiriana at nag sign of the cross.

"Bakit hindi niyo sinabi na may PMS si Sherane lord, mapapasubo tuloy kami." mangiyak-ngiyak na sabi ni Selma. Tumawa nalang si Sherane na nasa drivers seat.

Nagyakapan si Selma at Jiriana, sigaw sila ng sigaw pero parang hindi ito narinig ni Sherane.

---

Nang makarating sila sa parking lot ay agad na lumabas si Selma at Jiriana para sumuka.

"That was so cool guys, supposed to be 8 minutes ang travel natin patungo dito but nakarating tayo in 1 minute!"

Tuwang-tuwa sa Sherane sa achievement niya habang nakasandal naman si Selma at Jiriana sa kotse nito, saktong pagdating ng tatlo.

"Yow! Good morning!" bati ni Kier.

Nagtaka naman sila sa nangyayari kay Jiriana at Selma.

"Anong nangyari sakanila Sher?" Kiro asked.

"Oo nga Sherane. Bat nagkakaganyan sila? Gusto niyo punta tayo sa clinic?" -Ashid.

"Meron si Sherane. Okay lang kami, sanay na kami. Sobra. Suit yourself boyfriend. Mapapasubo ka. Whoa." -Jiriana.

"She's a monster in her Menstrual days!" Selma exclaimed.

"Grabe naman kayo. Sobrang sama ko na ah." irap pa ni Sherane at naglakad palayo.

---

"Bakit anong ginagawa ni Sherane pag on her day siya?" Kier asked. Ina aalalayan nila si Selma at Jiriana.

"She's a bitch ---" Selma answered.

"She's a bitch Selma." Dagdag ni Kiro.

"Hundred times Kiro. Ang brutal nun." -Selma.

"Bat di mo kasi kinonpleto." -Kiro.

"Eh kasi nga sumungit ka kaya di ko natapos!" sigaw ni Selma sakanya at humiwalay ito sa pag-alalay ni Kiro sakanya.

"Tss."

"Oh siya tama na iyan. Hanapin na natin si Sherane. May pagka psychopath pa naman yun kapag masakit ang puson." sabi ni Jiriana at naglakad na.

"Bakit hindi siya mag take ng gamot?" tanong ni Ash.

"Rear lang sumakit ang puson ni Sherane kaya masaya siya pag ganon na ang nararanasan niya." Jiriana explained. Tumango na lamang si Ashid.

---

"Limang set ng fries. 1 bucket of fried chickens. 1 mango float, Tapsilog, pinakbet. Don lang po sa table na yun." order ni Sherane.

"Ah, Mam wala po kayong kasama? Kayo lang po kakain nito?" tanong sakanya ng babae.

Umirap si Sherane at hinampas ang lamesa.

"Nakakairita ka! Bukod sa ang pangit ng kulay ng lipstick mo, hindi pa maayos ang pag guhit mo sa kilay mo tapos nangingialam ka pa sa ginagawa ko!" sigaw niya sa babae.

"Nilalait mo ba ako miss?" tanong nito. Huminga ng malalim si Sherane at ngumiti ng peke.

"No. Of course not. I'm giving you a compliment miss. Now settle my order or else I'll remove your cheap lipstick and mmm, yang tig limang peso na eye brow mo." sabi nito at umalis na.

Masaganang kumakain si Sherane ng madatnan siya ng mga kaibigan niya.

"Oh kain kayo." yaya niya sa mga ito.

"Anong kakainin namin diyan Sherane? Plato?" Sabi ni Kier, binutukan naman siya ni Selma.

"Kung gusto mo kainin mo. Titignan ko tapos I'll take a vedio of it and post in on YouTube." sagot nito.

"Huwag ka mag padalos-dalos sa sinasabi mo Kierrrots." sabi ni Selma at tumawa.

"Matindi na tong gf mo tol." sabi ni Kiro kay Ash. Napakamot nalang siya sa ulo niya at tumabi kay Sherane.

"Sherane, can you give me some?" -Ash.

"Kahit ano?" tanong ni Sherane. Tumango naman si Ash. Palihim na natawa si Selma at Jiriana.

"Oh ayan boyfie. Pakabusog ka." sabi nito at tumayo na.

Humagalpak sa tawa si Selma at Jiriana ng bigyan ni Sherane si Ash ng mga buto galing sa fried chicken nito.

"Awww" -Kier.

----

Nakikinig ang magkakaibigan sa klase ng guro nila. Boryong-boryo naman si Sherane dito.
Limang minuto nalang at tapos na ang kanilang unang klase.


"Okay class, see you tomorrow." sabi ng guro at umalis na.

Nagligpit naman si Sherane at ang mga kaibigan nito ng kanilang gamit.

"Ash pwede mo na ba ako samahan?" someone said kaya lumingon si Sherane. Kumunot ang noo nito at tumayo.

"Ano? aagawin mo yung boyfriend ko ha?! Magpapasama ka pa may paa ka naman para maglakad!!" Sherane shouted, hinawakan ni Ash ang kanyang kamay, tumayo naman ang mga kaibigan nito.

"Hindi -----"

Hindi naituloy ni Mistika ang kanyang sasabihin ng sinampal siya ni Sherane at hinila ang buhok nito.

"Malandi ka naman kaya sasabunutan na kita para gumaling ka!" sigaw nito.

"Aray, tama na" Mistika begged her pero parang hindi niya ito narinig.

"Sherane calm down please." Ash said.

"Sherane tama na Yan." Awat ni Keir.

"Sherane naman." napapikit si Kiro ng lumuhod na si Mistika at umiyak sa harap ni Sherane pero hinila niya ang buhok nito kaya napatayo.

"Sherane gusto mo isang kaldero ng fries?" tanong ni Jiriana.

"With Sinigang and your favorite strawberry jam." Selma added.

Umaliwalas ang mukha ni Sherane at binitawan si Ash, sinalo naman ni Ash si Mistika.

"Yan lang pala magpapatigil sakanya." Sabi ni Kier at huminga ng malalim.

"Bat nanood lang kayo? She almost bring Mistika to hell!" -Kiro.

"Maganda eh." Selma answered.

"Ako na bahala sakanya Ash. Hindi pwede na samahan mo si Mistika at lapitan mo siya sa ganyang symptoms ni Sherane. Samahan mo nalang siya sa cravings niya, ako na bahala." sabi ni Jiriana, tumango naman si Ash at hinawakan ang kamay ni Sherane.

"Ako na bahala dito. Kaya ko tong girlfriend ko." Sabi ni Ash at ngumiti. Tinignan niya si Sherane na umirap.


"Tara na nga."

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon