Chapter Twenty Six-MBG💃 Fiancée

14 0 0
                                    

Pinaglalaruan ni Sherane ang damo sa ground nang dumating si Ash na hingal na hingal.

"God! Finally nakita rin kita." sabi nito at umupo sa tabi niya.

Nakayuko lang si Sherane at hindi nagsasalita.

"Hey?" kalabit sakanya ni Ashid.

"Look ------"

Hinarap siya ni Sherane na namumugto ang mata.
"Stop talking to me you asshole!"

Nagulat siya sa mukha na ipinakita ng dalaga. Nagkalat ang mascara nito sa paligid ng kanyang mga mata.

"You cried?" tanong nito sakanya.

"Ay hindi! Wala lang to nabasa ng ulan! Bwesit ka Ash! You lied to me! You act like I'm the only girl in your life meron pa pala! Wala namang kaso sakin kung may girfriend ka, dahil isaksak mo pa sa baga mo ang forenay na yun wala akong pakialam. Ang akin lang yung deal, deal! Na I will date you kapag nakontrol mo ako! Napaka sinungaling mo!" nanginginig ang kamay ni Sherane habang dinuduro niya si Ash na walang reaksyon.

"I didn't lie about the date Sherane. It's called friendly date. Diba date pa rin naman yun? And besides you treat me as your friend kaya walang kaso." simpleng sabi ni Ashid at iniwas ang mata.

"Hayop ka! Bat di mo nilinaw!" sigaw nito sakanya at pinaghahampas ang dibdib ni Ash. Sinangga niya ito sa pamamagitan ng kamay niya.

"Wait! Wait! Are expecting more on friendly date?" natatawang tanong ni Ash.

Natigil si Sherane at binaba ang kamay.

"Kaya ba umiiyak ka?" dagdag ni Ash na malapit na sa mukha ni Sherane.

"Idiot! Stupid! User!" sigaw ni Sherane at umiyak. Napalunok naman si Ashid at umayos.

"What? User?" takang tanong ni Ash.

"You used me right? Gusto mong gumanti sa nagawa ko sayo? Look, I trusted you Ash! I accept you as friend! Pero bat ganon ka?"

"Saan mo nakuha yan Sherane? Pano ka humantong sa pag-iisip ng ganyan?" seryosong tanong ni Ash.

"Selma told me! Tanga ako kaya hindi ako mag-iisip ng ganong bagay! Bullshit!" pinunasan ni Sherane ang luha niya at tumayo na. Tumakbo ito at naghanap ng C.R...............

"Ow, napakaiyakin na pala ni Sherane ngayon Ash no?" tawa ni Selma na bigla na lang lumitaw. Napatingala si Ash sa babaeng nakatayo sa harap niya.  Tumayo siya at hinawakan ang braso nito.

"What the hell are you doing? Sasaktan mo ako? HAHAHAH You can't hurt your fiancée Ashid."

"Tigilan mo na si Sherane. Tandaan mo to Selma, mahal ko siya. Tama na iyang kakaganti mo sakanya......"

Hinawi ni Selma ang braso niya at tinignan si Ash sa mata.

"Your love is the only key to hurt Sherane's feeling. Seeing her miserable is a happiness to me Ashid. Kaya nga galingan mo pa ang pagpapaibig mo sakanya, galingan mo pa ang pag gawa ng paraan para mabalik ang nararamdaman niya sayo. Pag nangyari yun sasabihin ko agad sakanya na fiancee mo ako, na sana dininig niya ang sinabi ko sakanya nung nasa rooftop kami."

Hinawakan ni Ashid ang dalawang braso ni Selma at hinarap ito sakanya.

"You are such a spoiled brat Selma..... Ginawa mo akong fiancee sa tulong ng kapangyarihan niyo para saktan si Sherane pagdating na panahon.... At ano yung ginawa mo ha? Sinabi mo sakanya na girlfriend ko yung ate ko? Nababaliw ka na ba?"

Tumawa ng malakas si Selma at hinarap ng maigi si Ashid.

"I didn't. Baka nakakalimutan mo na ang ate mo ang nagsabi mismo sa harap niya? Kaya sinakyan ko nalang."

"Ate was just teasing Sherane but you! You made her cry!"

Hinarang ni Selma ang kamay niya at nagsalita.

"E d mas maganda." tipid nitong sabi tsaka umalis.

"Fiancée mo si Selma???" nakakunot na noo na tanong ni Mistika na nasa harap naman niya ngayon. Napasubunot nalang siya sa ulo niya at nagsalita.

"Bat ba bigla nalang kayong sumusulpot?!" pasigaw niyang tanong.

"Like hello Ash? isa ito sa daanan na pa cafeteria. And, break time ngayon........... And what did just I heard? Fiancée mo si Selma? Pano si Sherane? Ano yun?" takang tanong nito.

"Wala akong oras na magkwento Mistika. All I want you to do is to shut up your mouth."

Diritso ang lakad ni Ashid at pumunta sa susunod nilang subject. Hindi niya alam kong saan pumunta si Sherane kaya mas maiging antayin niya na lamang ito sa room.

Natapos ang klase at walang Sherane na lumitaw. Agad na pumunta si Ashid sa bahay nina Sherane. Pinapasok siya ng mga kasambahay at agad binigyan ng meryenda.

"Asan si Sherane?" tanong niya at umupo sa sofa.

"Ay sir. Wala pa ho." sagot ng katulong.

"Ha? Pero wala siya sa klase. San sya nag punta?"

Biglang bumukas ang pintuan at lumitaw si Shein na naka dress pa.

"Ashid!" sigaw niya at lumapit rito para bumeso.

"Kanina ka pa? Asan ba si Sherane manang? Paki akyat sya sa kwarto niya."

Umiling si Ashid at bumalik sa pag-upo. Nanatili namang nakatayo si Shein at nilapag ang shoulder bag niya.

"She's not here. Hindi siya pumasok kanina sa last class namin kaya I expect her here."

Tumango ng marahan si Shein.

"We'll kung wala siya rito, may isang lugar lang kung san siya pumupunta maliban sa malls and hotel."

Tumaas naman ang kilay ni Ashid. Iniisip kong saan ang maaring puntahan ni Sherane.

"I thought malls and hotel are Sherane's favorite? Lalo na kapag galit." sagot nito.

Tumawa ng marahan si Shein at umiling.

"Well bago na ngayon. Minsan lang siya pumunta sa mga mall na iyan. She usually go sa club or bars nung nasa U.S pa kami."

"Then, nasa bar siya ngayon?" tanong ni Ash.

"I don't know. Maybe. Pero nung nandito na kami sa Pilipinas hindi lang bars and club ang naging mundo niya Ashid. Hindi lang yun."

Nagtaka naman si Ash sa pasikot-sikot na sinasabi ni Shein. Hindi niya ito makuha-kuha.

"Saan ba talaga Shein? Ang dami mong pasikot-sikot na sinasabi hahantong lang din naman tayo don. Tsaka it's a waste of time talking to this nonsense thing na di naman pala pupuntahan ni Sherane." naiinip niyang sabi.

"It's not nonsense. Dahil sa susunod magagamit mo rin ito pag nawawala siya at wala ako para sabihan kong saan ang lugar na nililiparan ng kapatid ko."

"K. Fine. Now, where the hell is your sister?"

"Mmm. She's maybe on Earl's grave." sawakas. Nasagot niya rin. Natigilan naman si Ashid don.

"And kung wala siya don, you can search for her in luxurious hotel or sa mga high end bars."

"Wait, Earl's grave? Pumupunta pa sya doon?" gulat na tanong ni Ash kaya tumango naman si Shein at bumuntong hininga.

"Ash, gawin mo lahat para mahalin ka ni Sherane. Love her. Ayuko na lagi siya doon. Ashid. Hindi pwedeng habang buhay iibig si Sherane ng patay. Hindi pwede."

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon