Chapter Twelve 💃🏻 My Bitchy Girlfriend got caught

18 1 0
                                    


Maaga pa lamang ay nasa harapan na si Jiriana sa building kung saan nakatira si Sherane. Dala niya ang mga ilang damit at pagkain para di siya lalabas kung gugutumin siya. Iba rin ang dala ni Jiriana na sasakyan yung hindi pa nakikita ni Sherane.

Tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya ito. It was Selma.

"Good morning." bati niya sa kaibigan niya na nasa school na.

"Kinakareer mo talaga yang pang iistalk mo eh no?" sagot ni Selma sa kabilang linya. Natawa si Jiriana at pinagmasdan ang pintuan ng building.

"Wala bang Good morning diyan Selma? Yan talaga?" tanong niya at tumawa.

"Tss. Well, ako naman bukas, grabe. Wala nga akong pakialam sa ginagawa ng kapatid ko pero si Sherane na kaibigan natin grabe talaga." hindi makapaniwalang sabi ni Selma sa kabila.

"Just shut up. Sherane is our long time friend, alam natin ang ugali niya pero ngayon lang siya nagkaganito." sabi ni Jiriana.

"Kaya nga. By the way, ang sinabi ko sa boys ay may inasikaso ka sa kompanya niyo at urgent yun." paliwanag ni Selma sa kabilang linya. Napili kasi nila na huwag na muna itong sabihin sa iba.

Napaayos si Jiriana ng upo ng nakitang palabas na si Sherane sa pintuan ng building kaya dali-daling nagpaalam si Jiriana.

Palihim lang siyang nakasunod kay Sherane. Huminto ito sa isang grocery store at pumasok na may kasamang babae. It must be her working student.

Nag-antay si Jiriana sa loob ng kotse niya habang kumakain ng sandwich.

Nang makalabas na si Sherane ay tinigilan na muna niya ang pagkain at tinignan ang kaibigan niyang may kausap sa cellphone at pumasok sa kanyang kotse.

Nasa labas ng building pa rin si Jiriana. Doon na rin siya nag lunch. Paminsan-minsan ay nag-uusap sila ni Selma sa cellphone.

Dumating ang hapon at hindi pa rin lumalabas si Sherane sa building.
Hanggang inantok si Jiriana kaya naka idlip siya.

Agad niyang minulat ang mata niya ng may kumatok sa salamin ng kotse niya. Binaba ni Jiriana at nakita niya si Selma na di na naka uniporme. Nakangiti ito.

Pinagbuksan niya ito ng pintuan ng kotse kaya pumasok ito.

"Why are you here?" takang tanong ni Jiriana.

"Tapos namana ang klase. Tsaka wala akong magawa sa bahay. Ako na ang mag drive, alam ko na pagod ka. Dinalhan kita ng pagkain galing sa Mcdo, nag drive thru lang ako. Hinatid lang ni manong Jojo" ngisi nito kaya sumang-ayon si Jiriana na makipag palit. Alas siyete na rin, kaya kumain na siya.

"Bumaba na siya." sabi ni Selma kaya tinignan nila ito.

Naka pastel backless dress si Sherane suot ang kanyang pastel stellitos.

Nakasunod lang sila sa kotse ni Sherane. Bumaba ito sa mamahaling five star hotel. Nagtaka agad ang dalawa. Nakapasok na ang kanilang dalawang kaibigan.

"I must change, baka may party. Buti na lang at nagdala ako ng damit." sabi ni Jiriana. Naka simple jumpshort lang siya samantalang si Selma ay naka dress at wedge.

Pagkatapos niyang magbihis ay saka pa sila nag tanong.

"Excuse me miss, We'll just check kung may naka check in bang Sherane Serrano dito, or dinner? Party or whatever is that." sabi ni Jiriana at tinignan si Selma na palibot-libot ang mata kung saan-saan.

"Uhm, Yes po Mam. Nasa rooftop. A special night dinner." sabi nung babae. Tumango ang dalawa kaya sumakay na sila sa elevator papuntang rooftop.

"Sigurado ka ba dito Jiriana? Kinakabahan ako." sabi ni Selma habang nasa loob silang dalawa sa elevator.

Umirap na lang si Jiriana.

"Nandito na tayo. Aatras pa ba?" tanong niya kay Selma ngunit umiling lang ito.

Nakarating sila sa hamba ng rooftop kaya nagkatinginan ang dalawa. Nagtago sila sa isang storage room at tinignan si Sherane na tumatawa habang may kausap na lalaki na nakatalikod sa kanila.

"It's a romantic dinner....." sabi ni Jiriana kay Selma habang tinitignan nila si Sherane na hawak ang isang boquet of red roses at nakangiti.

"Then who's the guy? What about Ashid?" tanong ni Selma.

"I don't know."

Nanlaki ang mata ng dalawa ng makitang sasayaw si Sherane at ang Lalaki sa harap ng mga nag vi-violin.

Nakangiti si Sherane habang nanlaki ang mata ni Selma at patuloy na bumagsak ang kanyang mga luha, hindi naman maka galaw si Jiriana sa kinatatayuan niya.

"Oh......my......god......" nanginginig na sabi ni Jiriana. Pinunasan ni Selma ang luha niya at aakmang lalabas sa pintuan ng hinawakan ng mahigpit ni Jiriana ang braso ni Selma.

"You're not going anywhere Selma." kalmado ngunit ma awtoridad na sabi ni Jiriana ngunit hindi natinag ang kaibigan. Patuloy na bumagsak ang luha niya at dahil sa lakas na natitira ay nahawi niya ang kanyang kamay. Tinignan niya ang kaibigan niyang nagsusumamo na huwag manggulo pero wala na siyang pakialam.

Mabilis ang lakad ni Selma patungo kay Sherane na tumatawa habang kausap ang lalaking kasayaw. Nanginginig naman si Jiriana na nakasunod sa kay Selma na hindi malaman kung ano ang gagawin.

"Ang romantic naman ng dinner....... A slut and a cheater."

Natigil si Sherane at gulat na gulat. Naghiwalay ang dalawa at pinagmasdan si Selma na umikot-ikot sakanila. Walang luha ang bakas sa kanyang mga mata kundi poot, galit at sakit.

"Selma......" tanging nasabi ng kaibigan niyang si Sherane. Napatakip nalang ng bibig si Jiriana ng sinampal ni Selma ang kaibigan.

"Ang unang sampal para iyan sa pagbabago ng dating Sherane na tinanggap sana namin kung ano siya." matigas na sabi ni Selma. Bumuhos ang luha ni Jiriana at humawak sa lamesa. Nag aalab naman ang mata ng dalawang dalaga.

Sinampal ulit niya ulit ito pero hindi siya pinigilan.

"Para yan sa pagsisinungaling mo, sa pangloloko mo saamin at kay Ashid."

Bumuhos ang luha ni Sherane habang humagulhol sa gilid si Jiriana.
Sinampal niya ito. Sakto na para manghina si Sherane at muntik ng lumuhod pero sinuportahan siya ng lalaki. Nag iwas ng tingin si Selma at bumagsak ang luha niya.

"Para yan sa pang aagaw ng boyfriend ko Sherane. You're not just a bitch, you're a slut too."

"Selma tama na!!!" sigaw ng lalaki.

"A cheater! How could you?" sigaw ni Selma at umalis.

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon