Chapter Eleven 💃🏻 My Bitchy Girlfriend is seeing someone

17 1 0
                                    


"I will follow her." sabi ni Jiriana.

"Ha?" Selma asked her.

"Bakit?" tanong naman ni Kier.

"She's acting weird last week. I need to found out something." kibit balikat ni Jiriana at umupo na dahil dumating na ang guro.

----

Unang araw na hindi pumasok si Sherane ay tahimik ang grupo. Nasa cafeteria sila at may kanya-kanyang iniisip ng may lumapit sakanila.

"Hi! Can I join?" tanong ng babaeng nasa harap nila. It's Mistika. Tumango silang lahat kaya umupo ito sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Ash. It's Sherane's chair.

"Ow. Where is Sherane? Wala ata siya." sabi ni Mistika at sumubo ng pagkain.
Walang sumagot sakanya kaya nakaramdam siya ng awkwardness.

"Uhm actually I see her kahapon sa Mall ng Antipolo." sabi ni Mistika kaya lumingon lahat sakanya.

"Antipolo?" tanong ni Ash kaya tumango siya ng parang aso.

"Yah. Di niyo alam?" takang tanong ni Mistika at tumango ang lahat.

"May kasama ba siyang iba?" tanong ni Jiriana na nagpalingon sakanya.

"Diko alam. Papasok kasi siya at papalabas na ako. Pero baka meron, luminga kasi siya kung saan-saan. I thought kayo yun hindi kasi kayo naghihiwalay. So...... Umalis na lang ako." sabi ni Mistika at kumain.

"Well, naghihiwalay na kami ngayon." wala sa sariling sabi ni Jiriana kaya siniko siya ni Selma.

"Talaga? Bakit? Nag-away kayo?"

"Wala." sagot ni Selma.

Natapos sila sa kainan kaya nagdesisyon na silang bumalik sa kani-kanilang klase.

"Salamat sa pag pa share niyo ng table sakin ah. Mauna na ako." paalam ni Mistika at dumiretso sa classroom niya.

___

"Anong plano?" tanong ni Selma kay Jiriana habang papunta sila sa parking.

"Aalamin natin kung anong galaw ni Sherane ngayon. We need to assure na wala siya sakanilang bahay tapos magtatanong tayo doon. Pagnalaman na natin ang ginagawa niya, saka tayo gagalaw." sabi ni Jiriana at inistart ang engine ng kotse niya. Tahimik sila ni Selma papunta sa bahay nila Sherane.
Pumasok agad sila doon at naabutan si Shein. Ate ni Sherane.

"Ate Shein!" sigaw ng dalawa pagpasok. Nagyakapan agad ang tatlo at umupo sa sofa.

"Where is Sherane?" tanong ni Jiriana.

"Uh well, I don't know. Nasa condo ako lagi, ngayon lang ako rito. Better ask manang. Pasensya na aalis na ako. Mabilis lang ako dito dahil marami akong aasikasuhin sa kompanya. See you again girls."

Nagkatinginan si Jiriana at Selma pagkaalis ni Shein. Maski ang ate niya ay walang alam sa ginagawa ng kanyang kapatid. Inihatid ng isang maid ang kanilang merienda.

"Sandali lang ho manang, can we ask you a question?" tanong ni Selma. Tumango at ngumiti ang isang kaidaran na matandang kasambahay.

"Ano yun mga hija?"

"It's all about Sherane lang po." sabi ni Jiriana.

"Naku, itanong niyo nalang iyan sa kanya mismo. Pabago-bago ang isip ng batang iyon. Kahapon ay lumipat sa condo na kanyang bagong bili." sabi ng kasambahay na ikinagulat ng dalawa.

"Condominium?!" sigaw ng dalawa kaya tumango at tumawa ang dalawa.

"Sabi ko na nga ba, pati kaibigan niya ay walang alam sa ikot ng kanyang bituka." iling ng matanda.

"Saang condominium iyan?" tanong ni Selma.

"Sa Amanpolo mga hija. Doon nalang kayo magtanong. Mauna na ako." sabi ng matanda at aalis na sana ng tumayo si Selma at pinigilan ito.

"How can she lived in a condominium? Alone? Walang alam na gawaing bahay ang babaeng yun." sabi ni Selma. Bahagyang natawa ang matanda.

"Kumuha siya ng working student na galing sa public school." sabi nito. Napa tango ng marahan ang dalawa at saka pa pinakawalan ang matanda.

Nasa kotse na si Selma at Jiriana papunta sa Amanpolo na tinutukoy ng matandang kasambahay.

"I wonder what she's thinking." sabi ni Jiriana na tinutukoy si Sherane.

Iniliko ni Jiriana ang sasakyan para sa parking nito. Nalula pa sila sa taas ng building at sa ganda ng pagka disenyo nito. Bakas ang kamahalan.

"We just want to asked kung anong number ng condo ni Sherane Serrano." tanong ni Jiriana.

"1936 po mam." sabi ng babae. Tumango sila.

"Anong plano mo Jiriana? Kakatukin ang pinto ni Sherane? Tapos ano?" tanong ni Selma.

"Uuwi na tayo. Bukas ako ang magmomononitor sakanya. I'll follow her whole day. Sa susunod na araw ikaw naman." sabi ni Jiriana at bumalik ulit sa kotse.

"You mean aabsent tayo just because of this goddamn Sherane?" gulat na tanong ni Selma at binuksan ang pinto ng kotse saka pumasok.
Tinitigan niya ng mariin ang kaibigan niyang walang pakialam.

"2 days lang naman ang absent natin. 3 days remaining. Sa last day dapat magkasama na tayong dalawa. Hindi naman tulad ni Sherane na 1 week." sabi ni Jiriana. Hinayaan na lang ito ni Selma at tinignan ang labas.

"Wait! Stop your car." sigaw niya kay Jiriana kaya hininto ito.

"Si Sherane iyan diba? Kakarating lang niya galing kung saan." sabi ni Selma na gulat na gulat.

"Kung ganon san siya galing?" tanong ni Jiriana na naliliit ang mata.

"Ewan ko. Don't asked me stupid questions Jiriana Merino."

"She's seeing someone, and we need to find out kung sino yun." sabi ni Jiriana at tinignan si Sherane na may kausap sa isang salamin ng kotse. Nakisay lang kasi ito at hindi niya pag-aari ang kotse na iyon.

"Is that a girl?" tanong ni Selma.

"A girl and a boy." sabi ni Jiriana. Pumasok naman si Sherane sa loob ng building.

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon