Chapter Sixteen 💃🏻MBG-Pagtatagpo

6 0 0
                                    


Napagpasyahan namin ni Earl na pumunta sa isang bagong bukas na restaurant na pagmamay-ari ng pinsan niyang si Elsey. Pumayag ako agad.

Nakahawak ako sa bisig niya habang nagsasalita siya kaya tumawa nalang ako. Pinagbuksan kami ng security guard kaya pumasok kami. Natigil ako sa pag tawa ng nakita si Ash, Selma at Jiriana kasama ang iba pa naming mga kaibigan noon. Napatingin sila saamin kaya nag-iwas ako ng tingin.

"I think I should go Earl?" tanong ko sakanya habang naghahanap siya ng mas malayong table.

"No. Stay here." Sumunod ako sa table na sinasabi niya. Kitang-kita ko pa rin ang mga kaibigan ko dito pero malayo na kami sa isa't-isa.

"What's your order?" Napatingin ako kay Earl.

"Kaw bahala." Wala akong ganang kumain lalo na't makikita nila kami.

"Pabayaan mo na Sherane. Magiging okay rin kayo." tumango ako sa sinabi niya at sinimulan ang pagkain.

Lumilipad ang utak ko dahil sa mga iniisip ko halos di ko manguya ang pagkain ko pag napapansin ko na isa sakanila ay nakatingin saaming dalawa. Malayo ang table namin pero nakaharap ako sakanila at nakatalikod si Earl sakanila. Uminom ako ng juice ng lumapit si Jiriana samin.

"Hi!" bati niya. Nagkatinginan kami ni Earl. Tumango siya na para bang okay na siya.

"H-hello."

"Uhm, kayo lang? You can join us. Okay na man sina Kiko at Kiro na sumama kayo saamin. Tsaka it's been weeks." magiliw ang pagkakasabi ni Jiriana non.

We need some time. Selma and Ash need some space kaya baka napipilitan lang sila dahil gusto ng tatlo.

"Uh, d-dito na lang muna kami. Tsaka nakakahiya. Sa susunod na lang siguro. Nakahain na rin ang pagkain namin." Tumango si Jiriana at bumalik sa table nila.

Nauna kami ni Earl na natapos. Pumasok pa kami sa kitchen dahil nandon ang pinsan niyang si Elsey. Kinongratiolate niya ito at umalis na kami. Nandon pa rin sina Jiriana pero desserts na ang kinakain nila.

Habang nagmamaneho si Earl ay nakatitig lang ako sa labas.

"Ayos ka lang?" tanong niya sakin. Tumango ako at sinulyapan siya.

"Na miss ko lang sila pero ayos lang."

Tumango siya at ipinark ang kotse. Nasa bahay na pala kami. Bumaba ako at tinignan siya.

"Hindi na ako baba. May aasikusahin pa ako sa kompanya."

"Okay. Bye." Tumango siya at umalis na. Tinignan ko ang cellphone ko habang paakyat ako sa hagdan ng bahay namin papuntang kwarto. May isang mensahe galing kay Jiriana na siyang ikinagulat ko. Nanginig ang kamay ko habang binubuksan ko ang pinto at kinlick ang message niya.

Jiriana:

Pupunta ako sa bahay niyo.

Yun lang ang mensahe niya at hindi na nasundan. Hindi ko na rin siya nireplyan. Hindi ko alam kong bakit siya pupunta dito.

Umupo ako sa kama ko at tinignan ang litrato naming tatlo simula pagkabata, teenager, at ganitong mga edad namin.

Tinignan ko ang pintuan na may kumatok. Bumukas ito at bumungad saakin si Jiriana na ganon pa rin ang dress na suot kanina nung nagkita kami sa restaurant.

Ngumiti siya at lumapit sakin. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako.

"My God! Na miss kita!" Humagulhol na siya habang yakap-yakap ako kaya napaiyak na rin ako.

"Sorry." sabi ko. Humiwalay siya kaya pinunasan ko ang luha ko.
Tumango siya at niyakap ako.

"Okay lang. Pinilit kong intindihin. Baka nga kasi hindi talaga si Earl at Selma. Tsaka si Selma lang naman ang naging dahilan kong bakit kayo nagkalayo. Hindi niya pa matanggap ngayon kasi sobrang nasaktan siya. Alam mong grabe ang sakripisyo niya. Nung bata pa lang tayo siya na ang parang mature mag-isip kaya wala tayong nagagawa kundi sundin siya."

Hinarap niya ako at huminga siya ng malalim.

"Sana maging masaya kayong dalawa ni Earl." ngiti niya. Ngumisi ako sakanya. Pinasadahan niya ako ng tingin.

"Grabe. Ikaw na talaga ang totoong Sherane na kaharap ko. Mabait. Anghel. Grabe!" she exlaimed kaya tumawa ako.

"Di naman." hindi siya sumang-ayon sa sinabi ko.

"Ay naku! Bahala ka. Bumaba na lang muna tayo para maka pag merienda man lang." Aya ko sakanya. Habang pababa kami ng hagdan ay hindi ko maiwasang ngumiti. Kahit pala anong galit mo sa kaibigan mo kapag importante ka sakanya, kapag pinapahalagahan niya ang pagkakaibigan niya ay mapapatawad ka niya. I didn't see this coming na susulpot siya at aaktong walang nangyari, she even miss me kaya sobra na lamang ang kasiyahan ko.

"Jiriana?" Napalingon ako kay Ate na nagulat.

"Okay na kayo?" tanong niya ulit lumapit saamin. Nagyakapan silang dalawa at agad ring nagkahiwalay.

"Yes ate, na miss ko itong best friend ko. Di ko matiis." sagot ni Jiriana at tumawa.

"Naku! Mabuti naman. Sige maghintay na lang kayo don sa garden. Ipagkukuha ko kayo ng merienda."

Lumabas kami sa bahay at tumungo sa Hardin ni Mommy. Maganda na ito ngayon dahil may hardinero na nag-aalaga nito.
Umupo kami sa mesa at upuan na gawa sa semento. Ilang sandali pa ay dumating na si Ate kasama ang maid na may dalang meriendang juice at cake.

Umupo siya sa tabi ko at nasa kabila naman si Jiriana.

"Alam ba ni Selma na narito ka?" nag-aalangang tanong ko. Umiling siya at hiniwa ang cake niya tapos kinain ito.

"Hindi. She will scream in anger for sure. Selma is more bitchier than you Sherane simula pa lang. She's a spoiled bratinela living in this universe." iling ni Jiriana. Hanggang ngayon prangka pa rin talaga siya.

"N-naintindihan ko siya." sagot ko.

"Ewan. Ang gusto ko lang ay maging neutral ang pakikitungo ko sainyong dalawa dahil kaibigan ko kayo. Kaya bumabawi ako sayo ngayon. Di ko rin kasi matanggap yung nangyari. We followed you where ever you go noon, halos doon na ako sa kotse ko kumakain maghintay lang sa baba ng building na tinitirhan mo."

"I'm really sorry." tanging na sagot ko.

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon