Chapter Fourteen 💃🏻MBG-Let go

10 0 0
                                    

Nakarating ako sa parking lot nang hindi ko maramdaman ang katawan ko. Pumasok ako sa kotse at humagulhol, nawasak na naman lahat dahil saakin. Tinignan ko ang kumatok sa salamin ko, binuksan ko ang pintuan at umupo si Ashid sa front seat ng kotse ko.

"Wala akong alam Sherane. Ang alam ko lang ay mahalin ka. Tell me the truth Sherane, anong nangyayari? Anong nangyari?"

Hindi ako makapagsalita sa mga salitang binibitawan ni Ash saakin.

Tama, wala siyang ibang ginawa kundi mahalin ako pero lokohan lang pala ang nangyayari.

"Earl is my ex-suitor. Mahal ko siya pero ayaw ni Selma na maging kami dahil gusto niya ito. Bata pa lang kami nina Jiriana ako na lagi ang talunan dahil ako ang pinakabata mag-isip saaming tatlo. I'm childish and immature. So I didn't trust and believe in myself."

Ngumiti ako sa kawalan habang inaalala ko kung saan nagsimula ang lahat. Ramdam ko rin ang titig ni Ash saakin.

"Nagbago ang pakikitungo ko sa mga tao. Hindi yun kinuwestiyon kailanman ni Jiriana at Selma. Hinayaan nila ako kahit ganon na ang nangyayari. Ginawa niya ang lahat para mahulog sakanya si Earl, sa school nina Earl sana kami mag-aaral pero ginawa pa rin ni Selma ang lahat para lumipat kami at mag sama-sama kaming tatlo na hindi kami kinikuwestiyon ng magulang namin. She said she'll help me to move on. I agreed. D-doon ka niya nakilala na matagal ka na palang may gusto saakin simula pa lang nung lumipat kami doon hanggang sa nag 4th year tayo....."

Tinignan ko si Ash na umiwas ng tingin. Umiiyak siya. Nasasaktan ako sa nagawa ko!

"I'm sorry Ash." yun nalang ang sinabi ko at sinubukang hawakan ang kamay niya pero hinawi niya ito.

"It's okay. Continue....." sabi niya. Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Uh, she said I m-must pretend na m-mahal din kita or gusto kita. Sabi niya na sakin na pinagsabihan ka na niya na ang moody ko, maldita o ano pa, I know that she also said that to be able to win my heart you must do everything, I'm sorry for that."

Tumango siya at walang pasabing lumabas ng pinto tsaka umalis. Huminga ako ng malalim at inistart ang engine ng kotse ko. Pagka labas ko sa parking lot ay naisplatan ko naman si Jiriana at Selma na palabas na ng cafe.

Habang nasa daan paako ay tumunog ang cellphone ko. Nag text si Earl kaya binasa ko ang limang mensahe galing sakanya.

Earl

2h ago
:Are you okay?

1h and 30 Minutes ago
: Text me when you need me.

46 minutes ago
:Love please? Mag reply ka naman.

24 minutes ago
: I'm worried. Pupuntahan ba kita?

30 seconds
:Hey. Nasa bahay niyo ako naghihintay. :)

Pinark ko ang kotse ko sa harap ng bahay. Nakita ko rin ang kotse ni Earl, nandito nga talaga siya. Pumasok ako sa sala at naaninag ko si Ate at Earl na nag-uusap.

"Nandito na pala siya." sabi ni ate at sumulyap saakin. Humarap si Earl sakin ng nakangiti at niyakap ako.

"I miss you my girl." bulong niya sa kalagitnaan ng yakap namin. Tumawa ako kaya bumitaw siya sa yakapan namin at kumunot ang noo niya.

"Why are you laughing lady?" He asked me. Kita ko naman sa likod si ate na nakahalukipkip at nakamasid saamin.

"Kung ano anong endearment ang tinatawag mo sakin e," sabi ko at umiling.

"Ow I like that." sabi niya.

"Umupo ka na nga lang." sabi ko at sumunod naman siya sa sinabi ko.

Tumabi ako sakanya at nag paalam naman si Ate saamin.

"So, anong nangyari kanina? Okay lang ba si Selma? Sinaktan ka ba niya?" sunod-sunod na tanong niya saakin.

"Wala naman. Pinaliwanag ko lang. She's not okay. Galit siya saakin hindi naman niya ako sinaktan." sabi ko at ngumiti sakanya. Hindi ko sasabihin sakanya na masasakit na salita ang sinabi ni Selma saakin.

"Anong plano mo?" tanong niya saakin. Kumuha ako ng cake at kinain ito.

"I'll let their heads cool. Pag okay na sila hihingi ako ng tawad at I will tell them na ibalik namin ang dating pagkakaibigan namin."

"You think papayag si Selma?"

"Uhm, I don't know. Maybe." sagot ko at nag kibit balikat.

"Habang maaga pa gawin mo na." sabi niya kaya tumango na lang ako.

I spend the whole day with him. I know I'm too selfish. Nagluluksa si Selma, nasaktan si Ash, nabigo ko naman si Jiriana pero nagpapakasaya ako. Well, nauna silang maging madamot saakin. Matagal na sana kami ni Earl kong di lang dahil sa panghahadlang ni Selma.

"Uwi na ako ah, Good night." paalam ni Earl saakin ng mag alas otso na. He kissed my forehead at pumasok sa kotse niya. Kumaway pa siya bago umalis.

Nakangiti ako ng nasa sala na ako.

"Finally. Finally naangkin mo na siya." ngiti saakin ni Ate. Sinuklian ko ito ng ngiti. Tumabi naman siya saakin at niyakap ako.

"Sobrang saya ko para sayo sis," mangiyak-ngiyak na sabi ni Ate.

"Salamat Ate." nagyakapan kaming dalawa.

"Ayos lang ba sayo na wala na ang mga kaibigan mo? What about Ash? Iniwan mo at tinalikuran lahat dahil kay Earl,"

"I will do everything na maibabalik ang pagkakaibigan namin ate, tapos si Ash....... He already know what's happening. I love Earl sa simula pa lang hanggang ngayon, ipaglalaban ko na lalo na ngayong naging akin na siya." ngiti ko kay Ate. Tumango siya.

"Well, I'm always here. Good night sissy." sabi niya at tumayo na.

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon