Chapter Twenty 💃 MBG-Past

8 0 0
                                    

Malakas ang kutob ni Ashid na may nararamdaman ang babae para sakanya kaya natapos ang klase nila ay sumabay ulit ito sa babae patungong parking lot.

"Oh? Wag mong sabihin na sa pag alis ko ay susundan mo rin ako. Stop following me Ashid. Wala na tayo. I don't even love you." Diritsahang sabi sakanya ni Sherane. Bago pa man ito maglakad ay nahila na nito ang braso.

"Fvck you! What do you want!" sigaw nito sakanya dahil naiirita na siya.

"Tell me. You're inlove with me. Diba nagseselos ka kay Mistika kanina kaya umalis ka?" tanong sakanya ng lalaki. Halong inis, tawa, at galit ang naramdaman ni Sherane.

"Ano sabi mo?! I'm jealous? To that cheap girl? Common Ash. I hate her sa simula pa lang. Nung hindi pa lang tayo. She tried to stole Earl to me! Hindi lang si Selma ang kaagaw ko pati yung kalandian mo! I don't love you so shut up!" sigaw nito at umalis na.

Mabilis na pinaharurot ni Sherane ang sasakyan at nang makarating ito sa kanyang desitinasyon ay pansamantala siyang napatitig labas.

Lumabas siya at naglakad. Umupo siya sa harap ng lapida at maingat na inilagay rito ang bulaklak na dala niya kaninang umaga.

"I miss you Earl. Mahal pa rin kita." bulong ng dalaga sa hangin at maingat na pinunasan ang luhang tumakas sa kanyang mga mata. Pinigilan niya ang pag-iyak dahil baka masira ang eyeliner niya.

"I know you witness everything. Yung lahat ng sakit, sa depresyon ko sa pagkawala mo, sobrang sakit, nakasama lang kita sa kaunting panahon." Bahagya siyang tumawa nang maalala niya ang panahon na iyon.

*Flashback*
Matapos ang sigaw ni Selma at galit ng ate ni Sherane ay umuwi agad ang dalawang magkapatid at naiwan si Selma roon. Hindi na siya umayaw pa sa pagkaladkad ng ate niya. Patuloy lamang ito sa pag-iyak at hindi na maramdaman pa ang katawan dahil sa pamamanhid nito.

Nung gabing iyon ay nagkulong lamang siya sa kanyang kuwarto. Hindi siya pinakialaman ng mga magulang niya.

Kinakabukasan ay bumisita agad si Sherane sa pinaghihimlayan ng kanyang mahal. Namumugto ang mga mata at walang kabuhay-buhay ang katawan. Nakasuot ito ng itim na dress at nangangatog ang buong katawan habang dahan-dahang umupo sa tabi ng Mommy ni Earl.

"Hija...." ang tanging nasabi ng ina ng
lalaki at niyakap ito. Tahimik na umagos ang mga luha sa dalawang babae. Parang binubutasan ang puso ni Sherane sa nangyayari. Sa ngayon ay wala ng na iisip pa si Sherane kundi ang katanungan kong pano mabuhay ng wala na sa tabi niya ang lalaking laging nandyan para sa kanya. Wala na ang mga kaibigan nito para damayan siya at ang ate niya ay hindi mananatili sa tabi niya para pagaanin ang loob niya.

"Tita you should rest. You look pale, b-baka makasama sa kalusugan niyo ni t-tito." garalgal na Boses ang pinakawalan ng babae.

Umiling lamang ang Mommy ni Earl at mapait ngumiti.

"Gusto ko siyang makapiling sa huling sandali niya dito sa mundo. I will miss him Sherane. I will miss ny son."

Napayuko ang dalaga at pinunasan ang luha ng tissue.

Napaangat ng tingin si Sherane ng tumayo ang mommy ni Earl. Nakita niya si Selma na namumugto rin ang mga mata. Nagpaalam na ang babae at lumabas na. Napatangang pinagmasdan niya ito habang papaalis kasama si Jiriana.

"She can't attend Earl's burial." sabi ng ginang. Binalingan niya ito ng tingin at nagtaka. Mahal na mahal ni Selma si Earl, panong hindi ito pupunta sa huling hantungan nito.

"B-bakit naman ho tita?" takang tanong nito.

"Aalis na si Selma, pupunta siyang Mindanao para doon na rin mag aral. Her family miss her and according to her she wants some air."

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon