Chapter Twenty Four-MBG 💃 Friends and Deals

9 0 0
                                    


"Good Morning. Nandiyan ba si Sherane?" pinong-pino ang tuno ni Ashid habang kaharap ang ate ni Sherane. Walang bakas na takot at pormal. Habang gulat naman si Shein sa nangyayari.

"Shein?" tanong ng lalaki kaya nabalik siya sa ulirat.

"Aw! Yah, narito siya. I'm sorry. I didn't know na okay na kayo."

Pumasok si Shein at sumunod si Ash. Umupo ang dalawa sa sofa na magkaharap. Agad naman silang binigyan ng kasambahay ng merienda.

"I miss this house." sabi ni Ash at iginala ang buong paningin sa bahay na bagong renovate.

"Bat niyo binago? Kelan pa to?" dagdag ni Ash.

"For a new environment and memories. Masyado kasing na depress ang kapatid ko sa panahong yun. Kaya nung nasa abroad kaming lahat nirenovate ang bahay namin." sagot ni Shein at inutusan ang kasambahay na gisingin ang kapatid.

"Manang, paki gising si Sherane. Sabihin mo na may bisita siya."

Humarap siya kay Ash na nakasandal sa sofa.

"So? kelan pa kayo naging okay?"

"Kahapon lang. She open up on me. Well, I should thank Selma for coming back, because of her kinausap ako ng kapatid ninyo." simpleng sabi ni Ash at bahagyang tumawa.

"What? Bumalik na si Selma? Kelan pa?"

"Kahapon lang. Sa school nagkita sila ni Sherane."

"So you mean doon nag-aaral si Selma?!" pasigaw na tanong ni Shein.

"Di ko alam. Baka bumisita lang." sagot nito at tinignan si Sherane na pababa ng kanilang hagdan.

"What the hell are you doing here Ash? Who gave you permission to visit here huh? Si Ate ba?" salubong nito.

Bagong ligo ito at hindi pa nagsuklay.

"Change your clothes. Mamasyal tayo." sabi ni Ashid.

"At kung hindi ako papayag dahil ayaw kong makasama ka?"

"I thought we're friends?"

Palihim na lamang na umalis si Shein dahil nagtatalo na naman ang dalawa.

"Kelan pa tayo naging friends? Wala akong sinabi."

Binalewala ni Ashid ang sinabi ni Sherane at iginala na lamang ang paningin sa malaking bahay.
"Hayst e d, dito nalang tayo sa bahay niyo. I tour mo ako.Maraming bago e,"

"Ayuko nga -------"

"Tapos mag movie marathon tayo, mag pa deliver ng foods at mag swimming." putol ni Ash kay Sherane.

"Sasama na ako sayo kung saang empyerno mo man  ako dalhin, kesa naman dito sa bahay. I'll just eat breakfast and change my clothes."

Dalawampung minutong naghintay si Ashid kay Sherane. Nakasimangot si Sherane habang nag da drive sa Ash na napakalawak ng ngiti sa mga labi.

"Stop smiling! Are you teasing me huh? Ngayon mo lang ako makokontrol! Next time you won't able to control me!" sigaw ni Sherane sakanya. Tumawa na lamang siya at pinark ang kotse sa isang mall.

"Bago tayo baba, let's have a dare." ngisi sakanya ni Ash.

"Dare? What a cheap idea." sagot sakanya ni Sherane tsaka umirap.

"If you won't accept the dare hindi tayo lalabas." sabi nito sakanya.

"Fine!" padabog na sigaw ng babae.

"Kapag nakontrol kita ng limang beses we'll have a date."

Umusbong na lamang ang inis na nararamdaman ni Sherane at nagsalita.

"We'll, if you can't control me five times within two months………Gusto kong gawin mo ang sasabihin ko." seryosong sabi ni Sherane. Nagkatinginan silang dalawa,

"Okay. What is it?" sagot nito.

"Titigilan mo na ako. Pababayaan mo na ako. Hindi mo na ako kukulitin, at hindi mo na ako susundan. I WANT YOU TO LEAVE ME ALONE ASHID. I WANT YOU TO FORGET ME. GUSTO KO NG MAWALA KA SA BUHAY KO."

Nagulat man si Ashid sa sinabi ni Sherane pero hindi niya ito ipinakita.

"Okay, Deal! I'll do my best!" masiglang sabi nito kahit ang buong pagkatao niya ay nangangamba sa pagkakawala ng babaeng mahal niya. Matigas na noon ang puso ni Sherane, paano pa kaya ito ngayon.

"Deal...." simpleng sagot ni Sherane. Binuksan ni Ash ang pinto kaya lumabas si Sherane.

"Let's play some games, then we'll have our lunch, then nood tayong sine and I'll also treat you for dinner!"

Bahagyang natawa si Sherane.

"Pinagplanuhan mo a?"

"Oo naman. Ako pa." sagot ni Ashid.

Sabay na naglalakad ang dalawa patungo sa game studio ng mall.

"San mo gustong maglaro?" tanong ni Ash sakanya.

"I don't want to play. Manonood na lang muna ako sayo." sagot ni Sherane at ngumiti sakanya.

"No. You will play. I'll teach you." pamimilit nito.

Bigla namang na alala ni Sherane ang kasunduan nilang deal. It's like Ashid is trying to control her. Kaya imbis na susunod na sana siya ay pinigilan niya nalang ang sarili niya.

"Ayuko nga. I hate games. Sige na. Maglaro ka na. Gusto kong kunin mo yung pinakamalaking panda bear, kaya ipanalo mo."

"Okay Milady!" sabi nito at nagsalute.

"Whatever. Bilisan mo na dali!" tulak nito sakanya.

Alas dose tranyta na ng matapos silang maglaro. Nakuha ni Ash ang Panda Bear na siyang ikinasaya ni Sherane.

"Owemjie! Thank you Ash! Ang cute!" talon nito na parang bata. She didn't expect that Ash will try hard to get what she wants. Nakatitig lang si Ash sakanya.

"Nagiging bata ka pala pagdating sa Panda?" biglaang tanong ni Ash. Tumigil si Sherane at dinungaw ang lalaki na hindi na niya makita dahil sa laki ng panda. Tinapon ni Sherane ito sakanya na agad naman niyang nasalo, bahagya pa siyang napa atras sa laki nito.

"O, galit ka na niyan? Nagtatanong lang." tumawa si Ash habang nakatingin sa babaeng galit.

"You ruined my happiness! Ewan ko sayo. Bahala ka na nga. Ihatid mo nalang yan sa sasakyan."

Bago sila makarating sa parking ay may nadaanan silang restaurant kaya tumigil si Ash sa paglalakad at hinarap si Sherane na nasa tabi niya.

"Ano? kakain tayo kasama ang napakalaking panda na iyan?"

"Hindi. Pumasok ka na sa loob. Find a table. Order, ihahatid ko lang to sa sasakyan." sabi nito.

"Okay. Whatever." sagot ni Sherane at tinignan si Ash na nag ngising aso.

"What?" dagdag ni Sherane.

"Wala. Pumasok ka nalang. Wait for me inside." sabi nito at umalis na.

Nang naka order na si Sherane at nakapili na siya ng table ay dumating naman si Ashid.

"One Point! Nakontrol kita! You follow me."

Napatigil sa pagsubo si Sherane ng napagtanto ang nangyari kanina.

"May apat pa naman." sagot nito na parang hindi big deal ang pagsunod niya kay Ash.

"Kanina pa nga nagsimula ang deal Sherane nalagasan na. Nakontrol na kita, at ang usapan natin dalawang buwan. Baka nga sa loob ng isang linggo panalo na ako at nagdadate na tayo sa susunod na linggo at bago mag dalawang buwan akin ka na, tayo na, at pag-aari na kita."

"I'm not the so called typical girl na laging mangyayari yun Ash. Baka nga matapos ang isang buwan wala pa rin. There's a reason why I give you two months para sa limang beses na pag kontrol. Dahil kong simpleng babae lang, gagawin kong isang buwan o linggo lang tapos hindi ako magpapakontrol sayo o ganon lang kadali tapos na agad."

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon