Chapter Fifteen 💃🏻 MBG-Pakikipag-ayos

11 0 0
                                    


Dumaan ang 2 linggo na hindi kami nag-usap nina Selma. Wala akong kontak sakanila pero pinabayaan ko nalang muna at inubos ang mga araw na kasama si Earl.

Sa ngayon ay nagbibihis ako papuntang Le Café. Kahapon tinext ko si Jiriana at Selma na gusto ko silang maka-usap. Pumayag sila kaya napangiti ako. Isang short single dotted frock ang suot ko at flat shoes. Pinarada ko ang kotse ko sa parking lot ng Le Café at pinagbuksan ako ng guard sa pintuan. Iginala ko ang mga mata ko at nakita sina Jiriana sa dating puwesto namin.

Pareho silang nagkakape.

"Uhm. Good Afternoon." awkward ang naging bati ko at umupo sa dating pwesto ko.

"Good Afternoon Sherane." malamig na bati sakin ni Jiriana. Hindi naman sumagot si Selma saakin at patuloy lang ang pag-higop ng kape niya.

"Uh, baka pwedeng lumipat tayo ng table. May bad memories kasi dito." mahinang sabi ko. Tinignan ni Jiriana si Selma na parang naghihintay ng kompirmasyon. Nag-angat ng tingin sakin si Selma at mahinang tumawa.

"Really Sherane? Actually, nauna si Jiriana na dumating dito doon siya sa ibang table naka-upo but then pagdating ko niyaya ko siya sa dati nating pwesto kung saan isiniwalat mo ang mga nakakasukang ginawa mo. Alam ko kasing gagawa ka na naman ng bagong kahihiyan ngayon kaya dito na tayo. Huwag natin ubusin lahat ng lamesa para bahiran ng kahihiyan at mga mapapait na ala-ala." malamig, habang binitawan niya ang mga katagang iyon naninibago ako.

"Hindi naman g-ganon ang intensiyon ko. I just w-want na bumalik ang p-p-pagkakaibigan natin." utal na utal ako habang sinabi ang mga salitang iyon.

"Sa tingin mo ganon-ganon na lang? No way Sherane. Hindi ganon kadali yun, hindi pwedeng pagkatapos ng paghihirapan ko at sisirain mo tapos hihingi ka ng tawad ay tatangapin ko. Hindi ka pwedeng mag-assume na tatangapin kita na naka buka ang kamay at yayakapin ng mahigpit." hilaw na ngisi ang iginawad niya pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang iyon.

Hindi ko naman maiwasan ang panginginig ng kamay ko.
"K-kaya nga ga-gawin ko lahat para magka-ayos tayong t-tatlo."
Sawakas! Nasabi ko na!

Tumaas ang kilay niya at tinignan si Jiriana tsaka ngumisi at bumaling agad saakin.

"Seriously? You'll do everything? HAHA" hinayaan ko siyang tumawa na parang evil witch. Hindi ata siya titigil kong hindi siya siniko ni Jiriana at pinanlakihan ng mata kaya sumeryoso siya.

"Anyway. Gagawin...........mo...... lahat?" tanong niya at parang sinisigurado yung pakikipag-sundo ko sakanila. Tumango ako at ngumiti. Kinakabahan ako.

"Oh well Sherane.....Sige, magiging magkaibigan tayo. Babalik tayo sa dati, at tatangapin ka namin with wide open arms." sabi niya at ngumiti ng malapad.

"Pero gagawin mo ang gusto ko." dagdag niya at ininom ang kape.

"Yah, gagawin ko." sabi ko. Sigurado na ako.

"Well then, Hiwalayan mo si Earl. Back to zero Sherane. Gawin uli natin ang dati nating ginawa nung high school na tayo." kalmado niyang sabi. Tinignan niya ako at ngumiti kaya kumalabog ang dibdib ko sa gusto niya.

"Selma!" pagbabantang sigaw ni Jiriana sakanya pero hindi niya ito ininda at tinignan lang ako.

"How d-dare y-you?" utal kong tanong sakanya.

"How dare I am?" tanong niya at umiling tapos tumawa ng peke.

"Selma tama na to please, Itigil na natin ito." Ani ni Jiriana sakanya pero tinignan lang niya ito at umiling.

Tinignan niya ako at nagsalita.
"Ano? Di mo magawa?"

Umiling ako at ngumisi. Hinding-hindi ko na iyon gagawin Selma. I'll be selfish now.

"Hindi ko hihiwalayan si Earl para lang sa pagkakaibigan natin Selma. At kung ganon lang naman pala ang gusto mo hihindi na ako. It's time for me to be selfish. Hinding-hindi na babalik si Earl sayo Selma. Hinding-hindi na!" kalmado ang pagkakasabi ko sakanya non pero nangingilati na siya sa galit ngayon na para bang isinumpa niya ako.

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw niya sakin at hinila ang buhok ko. Nag pumiglas ako pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ko kaya hinila ko ang buhok niya. Sigaw ng sigaw si Jiriana ng tulong habang galit ang nararamdaman naming dalawa ni Selma.

Dumating ang mga guard at pinaghiwalay kami, bago yun nangyari ay nakalmot at hila niya ang brasi ko kaya dumugo ito.

"Aray!!" sigaw ko.

"Sherane umalis ka na please. Huwag ka ng magpakita ulit sakanya. I will talk to you soon." sabi ni Jiriana. Tumango ako at lumabas agad ng Café. Umuwi ako ng bahay na dumudugo pa ang braso ko halos mapamura ako sa sakit nito.

Itinulak ko ang double doors at naabutan sa sala si Ate at Earl.

"You're here!" bati ni Earl at ngumiti. Hindi niya napansin ang sugat ko maliban kay Ate.

"Oh my god Sherane! Anong nangyari sa braso mo?!!! Manang yung first aid! God! What happen?" sabi niya at lumapit sakin. Tarantang-taranta.

Lumapit din si Earl sakin at hiwakan ang braso ko. Gulat lang ang ekspresyon na nakikita ko sakanya.

"Anong nangyari?" gulat niyang tanong. Alam ko na nag eexpect siya na magiging okay kaming magkakaibigan.

Naglakad ako at umupo sa sofa ganon din ang ginawa nilang dalawa. Dumating na rin ang first aid at si Ate na ang gumalaw nito.

"Wala. Nagkasabubutan lang kami." simpleng sabi ko at pumikit habang ginagamot ni Ate ang sugat ko. Ang sakit punyeta!

"What do you mean?" tanong ni ate at nilagyan ng band aid ang braso ko.

Minulat ko ang mata ko at umupo ng maayos.

"Sabi ko I'll do everything para magkaayos kami. It seems she's so happy yun pala dapat kung iwan si Earl at gawin namin ang nangyari dati pero di ko kaya. Alam niyong di ko na kaya na mangyari ulit yun." sabi ko sabay tingin kay Earl na nakangiti na ngayon at hinagkan ako.

"I thought I'll lose you again Sherane. Akala ko iiwan mo na naman ako para sa kaibigan." sabi niya kaya umiling ako.

"Hindi na. Di ko na gagawin yun. But I'm too desperate na magkaayos ulit kami Earl. Miss na miss ko na sila. Yung bondings namin. Na miss ko na." untag ko at pinunasan ang luhang kanina pa pala umaagos.

"Don't worry. We will find a way." sabi niya kaya tumango ako. Pumunta kami sa dining para kumain. Dinner na.

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon