Chapter Twenty Eight -MBG💃🏻 Almost Done

22 0 0
                                    

Sumama si Jiriana kay Sherane sa bahay nina Sherane. Pagpasok pa lamang nilang dalawa ay binati na sila ng kasambahay. Tumakbo agad si Jiriana sa malaking doll house, kung saan kasya silang tatlo nina Sherane at Selma.

"Na miss ko ito!" she exlaimed. Ngiti lamang ang itinugon ni Sherane.

"I'll just change. You can change too, may damit ka pa namang naiwan sa guest room." sabi ni Sherane.

"Ow, everything had changed. But the things was still here. Pero uuwi naman ako mamaya." sagot ni Jiriana. Tumingin silang dalawa sa mga yapak na galing sa hagdan.

Patakbong sinalubong ni Shein ng yakap si Jiriana.

"Oh my! You're back!" galak na galak si Shein sa pagkakita niya sa pinakanakakasundo niya nung kabataan pa lamang nila.

"For good." sagot ni Jiriana at tumawa. Naghiwalay ang dalawa. Lumingon naman si Shein sa kapatid na nakangiti.

"And sis, galing si Ash dito, hinahanap ka. Mas mabuti pang i text mo na. Nasabi ko kasi sakanya na saan ka kadalasang pumupunta baka maubos niya lahat ng lugar sa Manila." paliwanag ng kapatid.
Tumingin agad si Sherane kay Jiriana, tumango naman ito bilang Pag sang-ayon.

"Sige. Magbibihis lang ako."

Pagkatapos magbihis ni Sherane ay tinext niya si Ash tsaka bumaba na. Naabutan niya si Jiriana na naka tayo na.

"I'm sorry Sher. I have to go it's already late....And alam na rin ni Shein ang nangyayari. Tutulangan ka namin."

Nagyakapan ang dalawa at agad namang umalis si Jiriana.



Papalabas pa lamang si Sherane sa gate nila para sana antayin ang driver niya ay naabutan na niya ang isang Mercedes-Benz na bughaw sa harap niya. Bumaba ang salamin nito ay nakita niya si Ashid na naka Ray Ban pa.

"What are doing here?" bungad na tanong ni Sherane.

"Namamasahero. Sasakay ka?"

Umirap siya.

"Sarcastic." tipid niyang sagot. Lumabas naman si Ashid ng papatalikod na sana siya.

"Sumakay ka na." pagsalita pa nito habang nakatalikod siya.

"No need. May sasakyan ako." nagsimula ng maglakad si Sherane pero hinawakan ni Ashid ang kamay niya.  "Sherane please, I will explain."

Humarap si Sherane at ngumiti. Nasa gilid na ng kanyang mata ang luha pero hindi niya ito hinahayaang bumagsak. "Huwag na. Di na kailangan, alam ko na lahat......."

Agad na tumakbo si Sherane sa sasakyan niya at pumasok.

"Aalis na po tayo mam?"

"What do you think? Gusto mong pasakayin pa yang lalaking yan dito huh? Just go you stupid driver! Fvck. Just drive now!" sigaw niya. Nagsimula namang mag maneho ito habang siya ay umiyak na lamang. Pinigilan niya ang sarili niya kaninang magsalita at mabilisang umalis dahil baka masabi niya pang may nararamdaman siya kay Ashid Na hindi pa siya tapos kay Selma.

Nang makalapit na sila sa parking lot ay agad niyang inayos ang sarili niya.

Agad siyang bumaba at dumiretso sa building nila. Pumasok siya at naabutan si Ash na naka tingin sakanya.

Imbis na tumabi sakanya ay dumiretso siya sa bakanteng upuan saka tahimik na umupo at tinignan ang tinignan ang pumasok na professor.
Gustuhin man ni Ash na kausapin ito ay hindi niya magawa, bukod sa malayo ito mula sakanya, terror pa ang guro na pumasok sakanila.......

Tumahimik siya buong klase at palaging tinitignan si Sherane na palihim na ginagamit ang telepono. Pagkatapos ng klase ay agad na tumayo si Sherane, sumunod naman sakanya si Ash. Hinarangan niya ito.

"Iniiwasan mo ba ako Sherane?" tanong niya na nagpatigil sa dalaga.

"Hindi. May kailangan lang akong gawin." malamig na sagot nito. Isang subject lamang ang klase nila dahil tutukan ng mga guro ang pag eensayo ng mga atleta.

"Tutulangan na kita."

Umiling lamang si Sherane at dumiretso sa Science Laboratory.

Papalabas na ang mga estudyante dito. Lumapit siya sa isang sophomore.

"May natira pa bang nag ga-guide sainyo sa loob?"

"Opo. Nagliligpit na sila." sagot nito. Tumango lamang siya at pumasok sa loob. Tinignan niya ang isang glass wall na may nakabantay. Bawal palang pumasok ang hindi kumuha ng ganitong kurso.

"Pahiram ng lab gown mo a?"

Tumango naman ang babae at agad binigay sakanya. Sinuot niya ito at pumasok ng hindi napapansin ng bantay.

Pagpasok sa loob ay tatlo na lamang ang nakita niya. Iginala niya ang kanyang paningin pero wala siyang mahanap hanggang sa may humila sakanya.

"What the hell are you doing here bitch?!"

Ngumisi siya at tinignan ang babaeng kaharap niya.

"Uh huh, there you are." mataray na sagot ni Sherane. Bumaba ang mata niya sa dalang invented potion na dala ni Selma.

"Ano yan?" turo niya rito. Nagsalubong naman ang kilay ni Selma. "Anong pakialam mo?" sagot nito.

Ngumiti naman si Sherane at pinaglaruan ang dulo ng buhok niya.

"Baka kasi para sa......" agad niyang kinuha ang bote kay Selma at binuhos ito mula sa ulo ng kaharap.

"Baka para sa ahas o sa higad. Mang aagaw, at makati." simpleng sagot niya. Agad na nanlaki ang mata ni Selma.

"How dare you!!" sigaw niya at pinaghihila ang buhok ni Sherane. Gumanti naman ito ng kalmot sa braso ni Selma kaya agad siyang nabitawan.

Sinampal niya agad ito habang nakatingin pa sa braso na dumudugo.

"You are a perfect made bitch! Slut!" sigaw niya kay Selma.

"Lagi mong inaagaw ang dapat na saakin! Bitch! Nagsisi ako na naging kaibigan kita Selma...I regret that you came! Sana....Sana ikaw nalang ang nawala!" dagdag niya. Puno ng galit at poot ang nararamdaman ni Sherane kaya hindi niya inaasahan na yun ang masasabi niya na magpapatigil kay Selma.

"Cause I am insecure to you Sherane." tumulo ang mga luha ni Selma habang nakangiti.
"From the very start, everything was yours. Earl and Ashid was yours. I love Earl and he died for your happiness. And I like Ashid, and he sacrifice for your happiness. Pumayag siya na maging fiancée niya ako kahit ayaw niya para sa kasiyahan mo..... Bakit? Your a bitch but people choose to do and waste their time just for your fvcking happiness? "

Iyak lamang ng iyak si Selma habang nanginginig naman si Sherane sa nararamdaman ng kaibigan.

Napatigil ang dalawa ng kumalabog ang pintuan. Pumasok si Ashid at Jirirana.

"Look Sherane, kahit ganito ka, tignan mo andyan pa rin sila sayo." pinunasan ni Selma ang luha niya at dahan-dahang tinangal ang lab gown niya.

"Ashid..... I'm sorry... Wag kang mag alala, Sherane is now your fiancée. Hindi ko na kayo guguluhin."

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon