Chapter Twenty Seven-MBG💃🏻 Feelings

15 0 0
                                    


Pagkatapos ayusin ni Sherane ang mukha niya sa C.R ay lumabas na siya. Nakita niya pa si Ash at Mistika na mukang nag-uusap. Napalunok na lamang siya at naglakad ng mabilis patungong parking lot.

"Sherane! San ka pupunta?" tanong sakanya ni Hasel. Isang model na kaklase niya noon.

"Diyan lang. Magpapahangin. Sige a, alis na ako." sagot niya at pumasok sa kanyang kotse. Pinaharurot niya ito at bumaba sa isang café.

Pagpasok niya palang ay may naaninag na siya.

"Jir?" tawag niya sa babaeng nakatalikod sakanya. Tables for two ito pero siya lang ang naka upo.

"Sherane!" umaliwalas ang mukha ni Jiriana at niyakap ang kaibigan.

"Kamusta?" dagdag nito. Tipid ang naging ngiti ni Sherane.

"Ayos lang." sagot nito.  "Upo ka muna." inumwestra ni Jiriana ang kaharap niyang upuan.

"Wala kang kasama?" takang tanong ni Sherane at umupo na.  Umiling naman si Jiriana at ngumiti.

"Ang haggard mo."

Bahagyang natawa si Sherane sa sagot ng kaibigan.
"I'm just........." nagdadalawang isip pa siya kung itutuloy niya ba ang sasabihin gayo't noon ay kinampihan ni Jiriana si Selma, na noon ay mas malapit ang dalawa at naiwan siya.

"Sherane tell me.." pagsusumamo ni Jiriana na halatang na aawa sa kaibigan. Agad namang umiling si Sherane.

"Just forget it Jiriana. This is my bussiness. Nga pala nag-uusap pa kayo ni Selma?"

"Hindi na. She changed." umiwas ng tingin si Jiriana at tumingin sa labas ng coffe shop at tinignan ang nga sasakyang dumadaan. "She even threatened me because of what I heared." bulong niya na narinig naman ni Sherane.

"Threatened?" pagtataka ng dalaga. "A-anong narining mo?"

Umangat ng tingin si Jiriana kasabay ng pagbagsak ng kanyang luha. Mahigpit ang hawak niya sa plastic na may lamang kape.

"Sorry Sherane. I'm really sorry. Ayukong makialam pero na aawa na ako sayo. Sumusobra na si Selma, you shouldn't feel this."

halos sumabog ang puso ni Sherane at humagulhol naman si Jiriana sa harap niya. Inilipat niya ang kanyang upuan sa tabi ng kaibigan at hinagod ang likod nito.

"Jiriana please, tell me what's happening." tanging nasabi ni Sherane at ipinagpatuloy ang pagsasalita.
"I miss Selma. Na miss ko na yung dating tayo Jir, yung tayong tatlo laging magkasabay, yung pag intindi niyo saakin, yung ugali ko, never kayong napagod, never kayong nagsawa, never niyo akong iniwan, never niyong pinaramdam saakin na nakakainis ako. Asan na ba yun? Yung naglalaro tayo sa bahay nung mga bata pa tayo, nung group study natin pero wala namang nangyayari kasi nagtatawanan lang tayo, yung habang tulog tayo tapos may magigising na isa kukuhanan ng litrato ang dalawa, y-yung araw-araw may schedule tayo kung sino mag da-drive. Na miss ko yun........... Ang sakit lang, Ang sakit lang Jir kasi nung nawala si Earl halos...... pinaramdam saakin ni Selma na wala tayong nasimulan. She was so rude to me nung bumalik siya.....She is not the Selma I use to know. Jir. I miss her. I miss my best friend....My childhood friend...."

"Sher.....would you believe kung may relasyon si Ashid at Selma?" bulong ni Jiriana sakanya. Nangamba man si Sherane ay umiling na lamang siya. Humiwalay siya sa pagkakayakap niya kay Jiriana at umayos ng upo.

"Hindi yan mangyayari. May girlfriend si Ash, naka usap ko nga kanina." Mapait ang ngiti ni Sherane at pinunasan ang luha niya. "Jir, hindi ko alam kung bat ako umiiyak. Hindi ko talaga alam." iling siya ng iling at pinunasan ang mga luhang tumatakas sa mata niya.

"What do you feel?" hinawakan ni Jiriana ang kamay ng kaibigan niya at pilit ipinapaamin.

"H-hindi ko alam...I love Earl. Siya pa rin...pero kasi, nasasaktan ako sa katotohanang may Girlfriend si Earl." umiwas siya ng tingin.

"Sherane, don't push yourself. Huwag mong piliting mahalin si Earl...Alam ko na may nararamdaman ka para kay Ashid, you are not just attracted to him nor attached but you love him from the start, pero natabunan lang ito ng First love me. Earl is your first love Sherane and First love never dies, but true love will lasts."

Tahimik lamang si Sherane at iniisip ang nararamdaman.

Tumango siya at nag salita. "Tama ka....Mahal ko siya." sambit niya at ngumiti. "Pero may iba na siya."

Umiling si Jiriana at niyakap ang kaibigan.

"Magiging masaya ka Sherane. Pinapangako ko iyan, sa ngayon ikaw na muna ang tutulungan ko. Fight for him. Babaguhin natin ang tadhana," sagot ni Jiriana.

"Ayukong manira ng relasyon Jiriana. It looks like he's happy with that girl."

"No. That girl is Acrish. Ate niya iyon." sagot ni Jiriana. Nabuhayan ng loob si Sherane.

"Talaga?"

Tumango si Jiriana. Agad namang kumunot ang noo ni Sherane.

"It looks like, you know what's happening."

"Makinig kang mabuti Sherane.... I was there when that scene happened. Nandon ako, kakarating ko lang kanina. I was planning to pay a visit to Selma first tapos ikaw, alam ko naman kasing hindi pwedeng isasabay ko kayo ni Selma..... I was there following Selma para sana kausapin siya, nakatago kasi siya sa vines na kung kukunin ay kita na Ang canteen...I.....I was supposed to called her name when I notice she was listening to your conversation.  Hindi ko na naituloy ang balak ko. Pinili ko na tapusin ang pag-uusap niyong tatlo at inantay ka na pumunta sa rooftop nang sumunod naman si Selma sayo kaya habang nasa loob kayo ng rooftop ay nasa pinto ako nakinig, nung umalis si Selma ay siya ang pinili kung sundin.... And there, narinig ko ang usapan nila ni Ash....I didn't expect na yun pa ang madidinig ko Sherane."

Mabigat ang hininga ni Sherane habang awa naman ang nararamdaman ni Jirirana.

"W-what did you heard?" nangangatal na tanong ni Sherane.

"Selma wants to hurt you Sherane. Selma wants you to suffer, pero hindi ako papayag na mawasak ka ulit.……………… Ashid…… is…… Selma's fiancee."

Bumuhos ang luha ni Sherane at pilit umiling. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari, hindi niya kayang iproseso sa isip niya ang nalaman niya.

Tumuloy naman si Jiriana sa pagsasalita.
"Suppose to be.....Sasabihin niya ito sayo kapag nakuha na ulit ni Ashid ang puso mo. Para masaktan ka, Sherane. Ashid loves you. Alam ko yun, nangyari lang yun dahil sa kapangyarihan ni Selma na komontrol gamit ang pera nila....Selma force Ashid.... Sherane lumaban ka please, fight.....Fight for your true happiness, sana naman hindi ka na mag papaubaya. Sana naman matuto ka ng lumaban at ipaglaban ang dapat. Yours is yours Sherane, and Selma don't deserve what's yours... Please, promise to me."

Nanginginig si Sherane. Hindi alam ang gagawin at dapat uunahin pero isa lang ang alam niya.

"I will Jir...Lalaban ako. Ipaglalaban ko ang dapat na saakin."

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon