Chapter Twenty Three 💃 MBG-She's back

11 0 0
                                    

Traynta minutos nang late si Sherane sa unang subject niya pero hindi pa rin ito nakarating sa classroom. Palinga-linga si Ash at tinatawagan ang babae na hindi naman sumasagot.

"That girl. Lumalala na talaga." bulong niya sa sarili niya habang di nakikinig sa guro.

"Ashid! partner tayo!" Magiliw na sabi ni Mistika. Kumunot naman ang noo niya.

"Partner? Saan?" takang tanong niya.

"Diba kakasabi lang ni Mam, we're doing a by pair work! Ayon oh nasa board." turo ng babae.

"Ha? Ah eh. I'll just wait for Sherane. Siya ang magiging partner ko." simpleng sabi ng lalaki at kumuha na ng papel.

Naghanap na lamang ng ibang pares si Mistika.

Natapos ang klase at ipinasa na ni Ashid ang papel pero wala pa ring anino ni Sherane. Tinawagan niya ulit ito pero ayaw sumagot.

Samantala..........

"Sherane! Gising na! Late ka na! Oh my!" yugyog sakanya ng ate niya. Minulat niya ang mata niya at kinusot ito.

"What the hell? I'm sleeping Ate! You woke me up!" sigaw nito sakanya.

"Whatever. Late ka na!"

"Ano ngayon kong late ako? They can start their class." Sabi nito at humiga ulit.

"Okay. Then, I'll call mom and dad na ang tigas ng ulo mo at ayaw mong makinig. Maybe next week lipat ka na sa U.S" ngisi ng ate niya at tumayo na.

"Ate! Oo na. Aalis na." Bumangon at pumasok sa shower.

Tapos na ang unang subject ni Sherane at di ito nakapasok.

Kalmado itong naglalakad sa hallway. Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan ito. Patuloy lamang siya sa paglalakad na nakatingin sa mga mensahe ni Ashid at sandamakmak na missed calls nito.

"What the fvck?! Are you blind!" sigaw nito ng may mabangga siya kahit siya naman ang may kasalanan.

"Oh god! I'm sorry." sabi ng babae at kinuha ang cellphone ni Sherane na natapon sa sahig.
Nakayuko pa ang babae kaya nanatiling nakatayo si Sherane.

Natigil ang babae at nanatiling nakatitig sa cellphone ni Sherane.

"Hey girl! That's my phone. What are doing? Snatcher ka ba?" tanong niya sa babaeng di na gumagalaw at natatabunan ng straight at may mahabang buhok.

Umangat ng tingin ang babae kaya si Sherane naman ang di makagalaw.

"S-selma."

"Nice to see you again Sherane." Binigyan niya ito ng pekeng ngiti at binigay ang cellphone sa di makagalaw na babae.

"You change. After Earl, kay Ashid pa rin pala ang bagsak mo." sabi nito.

"Wala kaming relasyon." sagot nito ng matauhan.

"Sherane!" sigaw ng kung sino. Lumapit ito sakanyA.

"Uh, Hi Selma. You're back. Kamusta ang bakasyon?" masiglang sabi ni Ashid.

"The place is awesome. I have to go Ash. Marami pa akong gagawin." sagot nito at sumulyap kay Sherane bago umalis.

"Oh? Bat ka nagkakaganyan?" tanong bigla ni Ash.

"Stop acting like nothing happen from the past Ashid."

"Akala ko ba kinalimutan mo na? Mukang ako pa ata ang lumimot e, maliban sayo na ikaw pa rin ang mahal ko."

"Tumigil ka."

Mablis ang lakad ni Sherane papuntang second subject niya. Tahimik na nakasunod lang si Ash sakanya.

"Bipolar talaga." bulong ni Ash sa likod sa nakapasok na si Sherane.

SA classroom ay magkatabi ang dalawa. Naiirita man si Sherane ay pinabayaan niya nalang ito kesa naman magtalo at mag sigawan sila.

"Alam mo ba kanina sa unang subject natin kailangan ng by pair at kahit wala ka pa ay ikaw ang ginawa kong kapares. Ayon napasa na." Kulit nito sa babaeng malalim ang iniisip.
Kanina pa nagsasalita si Ash tungkol sa by pair na pinapasa ng guro, mula sa kay Mistika hanggang sa patago niyang pag gamit ng cellphone matawagan lamang si Sherane.

"You think may gusto si Mistika saakin?" tanong nito sa babaeng tahimik na nagsusulat.

"Alam mo kasi kanina-----"

"You think Selma will bring my life to hell again?" putol niya kay Ashid.

Hindi naman maipaliwanag ng lalaki ang nararamdaman. Ngayon lamang siya kinausap ng babae na hindi ito tinatarayan, pero nalulungkot ito sapagkat na mromroblema si Sherane.

"B-bat niya naman iyon gagawin?" tanong nito pabalik sakanya.

"H-hindi ko alam. Nararamdaman ko lang. Galit siya sakin Ashid, diba yun naman ang ginagawa ng mga taong may galit sa isang tao, at mag rerevenge, gaganti. I can feel it Ashid."

Namumungay ang mga mata ni Sherane habang nakatingin sakanya. Ngayon niya lamang napansin na mas lalong gumanda ang babae.

"Huwag ka munang mag overthink." sabi nito at iniwas ang tingin.

Huminga ng malalim ang babae at ngumiti
"Yah, tsaka I'm a bitch. I can handle myself."

Nagpaalam na ang guro at tapos na rin sa pagliligpit ng gamit si Sherane.

Tumayo ito at tahimik na umalis, sumunod naman sakanya si Ashid.

Nasa ground na sila at wala na halos ang mga tao dahil nasa cafeteria na. Inayos ni Sherane ang pagkakasabit ng bag niya sa balikat niya.

"I miss Earl, siya lagi ang pumoprotekta sakin nung mga bata pa lang kami. He died for the sake of my happiness but he fails." biglaang sabi nito.

Napalunok si Ashid at ngumiti.

"Huwag kang mag-alala Sherane. I will protect you, I will make you happy. And I'm willing to risk my life for your safery and happiness."

Napatigil si Sherane at hinarap ito.

"Ash--id.....……"

"I know. I know you're not ready for this, pero hayaan mo akong gawin ang mga bagay na ginagawa ko sayo noon, at ang mga bagay na ginagawa ni Earl sayo. I'm willing to be rejected." Mapait na ngumiti si Ashid sa babaeng nasa harap niya.

Mabilis na niyakap ni Sherane ito kaya nagulat siya.

"Thank You....." tanging na sambit niya at kumalas na.

"Finally. Nakaharap ko na ang sinasabi nilang Old Sherane Blair." ngisi ni Ash.

"Shut up!" sigaw ni Sherane at tumalikod na saka nagsimulang maglakad.

"Chill! I promise, di na ako gaganon ulit HAHAHAHAHA"

"Huwag kang tumawa Ashid! Nag dadrama ako tas ganon lang? How dare you!" nagtatampong sigaw ng babae at binilisan ang lakad.

"Okayyyy Na Kammmmiiiii!!!!"sigaw ni Ashid. Palihim na lamang na napangiti si Sherane at pumasok sa cafeteria.

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon