Chapter Seventeen 💃🏻MBG-Begged

11 0 0
                                    

"Talaga?! Buti naman. Masaya akong nagkaayos na kayo kahit ni Jiriana lang. You don't know how happy I am seeing you smile darling."

Naikuwento ko kay Earl na pumunta si Jiriana kahapon sa bahay at okay na kami. Kaya kinabukasan nang bumisita siya sa bahay ay nakangiti na ako pagkarating niya. He is willing to do anything to make me happy. Pumasyal kami sa iba't-ibang lugar, hiking, pumunta sa beach, sa bar, maglaro sa mall, kahit saan at napapasaya naman ako kaya nalilimutan ko ang pagkamiss ko sa mga kaibigan ko.

Nasa likuran ko ang bisig niya at nakasandal naman ako rito. Sinusubuan niya ako ng Pizza na binili ni ate sa Greenwich habang nanood kami ng movies.
Sometimes dito siya natutulog para makapag jog kami sa umaga at makapag star gazing sa gabi. I'm so contented. I feel safe in his arms. I love him. I really love him.

"Anong iniisip mo?" tanong niya. Ang bilis niya talagang bumasa ng mukha.

"Tinitimbang ko lang kong gano kita kamahal." sabi ko at tumawa sa pag salubong ng makakapal at maitim na kilay niya.

"Tsh. Gaano kabigat?"

"Sobrang bigat. I can't afford to lose you Earl. Mawala na lahat wag ka lang."

"What about your friend?" tanong niya at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"I can make things right without losing you Earl." sabi ko sakanya at niyakap siya.

"Good Girl. Mamatay ako pagnawala ka. Mahal na mahal kita."

Umayos ako ng upo ng tumunog ang cellphone niya. Tinignan ko ito at sinuri kong sino ang tumawag.

"It was Dad." sagot niya sa nagtatanong kong mata. Marahan akong tumango at kinain ang pizza.

'Yes Dad?'

'Yes.'

'Yah. I will come.'

'Aish. yah. I'll be there.'

Nakatingin ako sa T.V habang ang tainga ko naman ay nakikinig sa kanya. Pagkababa niya ng tawag ay tinignan ko siya.

"Sorry Baby, Dad want me to meet a new client. I'm going." sabi niya at tumayo. Hinalikan niya ang noo ko at inayos ang pagkatupi ng kanyang white long sleeve.

"Babalik ka bukas?" tanong ko.

"Oo naman. Kelan pa ako hindi dumalaw dito?"

"Okay!" sabi ko at ngumiti.

Tinapos ko ang movie na nasimulan naming dalawa. Alas kuwatro na rin at dinalaw na ako ng antok kaya umakyat na ako sa kwarto at natulog.




'Mam Sherane!!"

***Tok tok tok tok**"

"Mam Sherane!!!"

"Sherane!!!!Sis wake up!"

Naalimpungatan ako sa mga taong sumisigaw sa labas. Sinara ko pala ang pinto. Tumayo ako at tinignan ang oras. Alas diyes na ng gabi.

"Sherane!" sigaw na naman. Tumungo ako sa pinto at binuksan ito. Naabutan ko si Ate at manang.

"A-ano?" inaantok kong tanong.

"Baba na ho ako mam." paalam ni manang at umalis na tinignan ko si Ate na suot ang pantulog niya.

"Ash is here. Nasa labas." sabi ni ate na nagpagising ng diwa ko. Sumilay ang ngiti saaking mga labi. Kahapon si Jiriana ang nakipag bati I'm sure siya naman ngayon! Magiging okay na kami!

"You think magiging maayos na ang pagkakaibigan namin ate? Kaya ba siya nandito? Bat di niyo pinapasok?" sunod-sunod kong tanong. Huminga ng malalim si Ate..

"I don't know sis, Pero he's drunk. Sabi ko na tulog ka pero nagpumilit siya na kausapin ka maghihintay siya hanggang lalabas ka. Nandon ata sa loob ng kotse niya. Sinabihan ko naman na saka na kayo mag-usap pag tumino na ang pag-iisip niya dahil lulong Siya sa alak pero wala. Sige na puntuhan mo na." sabi niya at tinapik ang balikat ko tsaka umalis. Napalunok ako at dali-daling lumabas sa bahay.

Nasa harap ng gate ang kotse niya at nasa loob siya natutulog. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa salamin ng kotse niya at kinatok ito ng ilang beses.

Tumabi ako ng binuksan niya ito.

"Sherane......." He muttered and hug me tight. Bakas ang kalungkutan niya ng sinabi niya ang pangalan ko kaya nanginig ako. Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya.

Gulat na gulat ako sa ginawa niya kaya hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Bakit siya ganito?

Ilang minuto kaming ganon nang natauhan na ako ay saka pa ako humiwalay sakanya.

"A-anong.........." hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa luhang pumatak galing sa mga mata niya. Nag ningning ang kanyang mata dahil dito ngunit bakas dito ang lungkot at sakit. Halos dumikit ang itim na itim, kurba at mahahabang pilikmata niya sa ibaba ng mga mata niya.

"B-bakit..." Hindi ko na halos matuloy ang sinasabi ko at humawak sa katawan ng sasakyan niya.

"I love you Sherane...H-hindi ko alam....M-mahal na mahal kita. Huwag mo akong ipagpalit. Nagmamakaawa ako. Kahit may mahal kang iba sana naman bigyan mo rin ako ng katiting na pagtingin! Kahit nasa iba ang puso mo, kahit isip mo nalang. Mahal kita Sherane. Mas maganda naman siguro akong magmahal kesa sakanya diba?"

Patuloy sa pag agos ang luha niya sakanyang pisngi. Wasak ang buhok niya. Halos sumandal ako sa sasakyan niya dahil sa sinasabi niya. Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung nasasaktan ba ako dahil sa nararamdaman niya na hindi ko masuklian dahil kay Earl at dahil sa awa o nasasaktan ako dahil nakita ko siyang nasasaktan. But I love Earl. Alam ko iyan.

"Y-you're drunk. U-umuwi ka na." sabi ko at akmang aalis na pero hinila niya ang bisig ko kaya napasigaw ako sa sakit ng pagkahila niya.

"Ano ba!! Nasasaktan ako Ash, Please. Tapos na tayo. Hindi kita mahal. At mas lalong hinding-hindi kita mamahalin."

"No!" sigaw niya. Nanginig ako dahil sa sigaw niya. Gusto kong sumigaw pero wala na akong lakas.
Nanlaki ang mata ko ng inilapit niya ako sakanya at dumampi ang labi niya sa leeg ko. Isang malakas na sampal ang naibigay ko sakanya. Nanginig ang kamay ko habang nakatitig sa mga mata niyang wala ng kabuhay-buhay. Sumandal siya sa kotse niya at napaupo sa daan.

"H-how dare you!" sigaw ko. Sinubukan kong maging matigas pero halo-halo ang nararamdaman ko. Nakatayo ako at nasa harapan ko siya na naka sandal sa kotse niya at nakayuko.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako. Hindi na siya umiiyak Pero pulang-pula ang mga mata niya dahil sa kakaiyak.

"I'm begging you Sherane." sabi niya at niyakap ang tuhod ko. Bumagsak ang luha ko dahil sa awa. Umiling na lang ako at buong lakas na humiwalay sakanya tsaka tumakbo patungo sa loob.

'We're already done Ashid. You can't begged me."

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon