Chapter Four💃 My Bitchy Girlfriend is also called Blair.

15 2 0
                                    


"Ano na? Binati ka ba niya? May binigay ba siya sayo?" talak pa ni Jiriana.

Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang labas papunta sa kabilang school. Doon gaganapin ang competition. Si Jiriana ang nag drive.

"He gave me a Human sized Teddy Bear and a bouquet of flowers." sabi ni Sherane at ngumiti.

Tumili si Jiriana at pinaghahampas naman ni Selma si Sherane.

"Hey! Ano ba, Stop that ang sakit." reklamo nito.

"Eh kasi ang sweet." sabi ni Selma.

"What did you give to him?" tanong ni Jiriana habang naka focus sa daan.

"Sabi ko nga wala."

"Tanga. Bakit wala?" hampas ni Selma sakanya. Hindi siya sumagot.

"Eh happy monthsarry nagsabi ka?" tanong ni Jiriana at niliko ang sasakyan. Nakarating na kasi sila.

"Wala. I find it corny." sagot niya at binuksan ang pinto.

"Lahat nalang cheap at corny." sabi ni Selma at bumaba na rin.

---

Nagsimula na ang game. Naglalaro na rin si Ash, magkatabi sila Sherane at ang mga kaibigan niya. She's bored samantalang todo cheer naman si Jiriana at Selma kay Kier, Kiro at Ash.

Tumayo siya at kinuha ang sling bag niya.

"San ka?" tanong nila.

"Aalis. Babalik naman ako. And please stop following me." sabi niya at naglakad na palabas. Inintindi nalang ng dalawa ang kaibigan nila dahil wala naman talaga itong trip.

---

Nasa cafeteria siya at bumili ng drinks, binilhan niya rin ang dalawa.

"Thank you for coming mam."

"Yah." she answered at umalis na.

Naglakad siya pabalik sa gym.

"Blair?"

Natigilan siya sa paglalakad at hinanap ito.

"Enzo?" kumunot ang noo niya sa nakita.

"Ikaw nga!" Enzo hugged her. It's her childhood friend. Blair is Sherane's second name.

"I thought nasa Russia ka." -Sherane

"Yah. Actually umuwi lang ako dito, Dad needs me." sabi nito.

"Kamusta na si Tito at Tita?" tanong niya kay Enzo, umupo naman sila sa isang bench.

"They're doing fine. Di mo ba ako kakamustahin?"

Sherane laugh.

"Okay ka naman tignan eh." sabi nito at uminom.

"Gosh Sherane! Nandito ka lang pala!"
Dali-daling lumapit sina Jiriana at Selma sakanya.

"Sino to? Lumandi ka na naman?" Selma suddenly asked. Umirap nalang si Sherane at tumayo.

"Selma, Jiriana this is Enzo my childhood friend from Russia. Enzo this is Selma and Jiriana my friends."

"May naka tiis pa pala sayo Blair." Enzo laughed.

"Blair?!" sabay na sigaw ni Jiriana at Selma.

"Oh kalma. My second name is Blair." sabi ni Sherane.

"Blair? Sino si Blair?"

Napasapo nalang si Sherane sa noo niya ng sabay-sabay na nag tanong ang bagong dating na si Kier, Kiro at Ash.

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon