Chapter 2

179 9 0
                                    

MABILIS NA tumakbo si Meadow sa kung saan para lang hindi sya maabotan ng mga humahabol sa kanya. Napunta sya sa isang old abandon building ng university. Hinihingal na sumandal sa pader saka pinigilan ang hininga ng marinig ang mga yapak na papunta sa dereksyon kung saan sya nagtatago.

"Saan na 'yon?"

"Nandito lang 'yon." Napapikit sya ng magsimula itong maglakad ulit.

Hindi nya talaga akalain na may makakilala sa kanya. Ganito kasi ang nangyari.

***

MAG-ISA NA NAMAN sya habang papunta sa canteen para bumili ng tubig. Tapos na silang kumain nina Cresent saka bmumalik sa room nila pero bigla syang nauhaw kaya bumalik ulit sya sa canteen para bumili ng tubig.

Nang makabili ay agad syang lumabas ng canteen pero hindi pa sya tuloyang nakakalabas ng may humarang bigla sa dinaraanan nya.

"Excuse me." Imbis na padaanin sya ay mas humarang pa ito sa daraanan nya. "Bakit?"

"You look familiar." Sabi ng isang blonde na mukhang ito ang leader nila. May bumulong na isang babae dito saka ito tumango. "Kaya pala pamilyar ka sa akin."

Napakunot-noo sya. Hindi naman nya kilala ang mga ito. Ni wala pa nga syang nagiging kaibigan, kaaway pa kaya.

"Do you know me?" Umiiling sya. "Ako lang naman ang babaeng tinapakan mo nong nang-aakit ka ng mga gwapo."

Napa-tsk sya. 'Kung hindi mo ako tinulak, hindi sana ako mauumod sa lalaking 'yon at hindi sana ako mapapahiya. Bilib din sya sa memorya ng mga babaeng ito dahil naaalala pa sya.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon