Chapter 15

84 1 0
                                    

"S-salamat." Kinuha ko ito saka pinunasan ang luha ko gamit ang panyo na binigay nya. Tinanggap ko ang kamay nyang inilahad para tulongan ako sa pagtayo. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"


Nagulat ako ng mahina itong natawa. Ngayon ko lang sya ulit nakitang tumawa ng ganito. Nito kasing mga nakaraan ay parating magkasalubong ang kilay nya.


"Gusto mo talaga na dito tayo sa elevator magkwentohan?"


Napatingin naman ako sa paligid at doon ko lang na realize na nasa loob parin pala kami ng elevator. Nahiya naman ako saka natawa na din.


"Sorry. Hindi ko namalayan."


Napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko pero nakangiti lang sya. Nagugulat ako sa mga kinikilos nya ngayon. Noong mga nakaraan kasi ay pinagtatabuyan nya ako at parati kung naiinis nya akong pagsalitaan pero ngayon.


"Tara. May cake shop malapit lang dito. Alam ko paborito mo ang cake."


Hindi na ako nakapalag ng hilain nya ako palabas ng hospital. Habang hila-hila nya ako ay napatingin ako sa kamay kong hawak nya saka ako napatingin sa likod nya.


Napangiti ako sa sarili ko ng hindi ko maramdaman ang nararamdaman ko noon sa kanya. Hindi na mabilis kong tumibok ang puso ko kapag hinahawakan nya ang kamay ko o kung malapit sya. Hindi na ako kinikilig kapag nakikita sya. Napangiti ako. Tuloyan na talagang si Sebastian ang tinitibok ng puso ko.


Pero bigla akong nalungkot ng maisip na naman ang napag-usapan namin kanina ni Sebastian. Napabuntong-hininga ako. Imposible namang mawala agad ang pagmamahal nya sa agad ng ganon kadali di ba?


"Hey." Napakurap-kurap ako ng kumaway si Walter sa mismong mukha ko. "Tulala ka na naman."


"S-sorry." Napayuko ako pero agad din napaangat ng tingin sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko.


"You always say sorry, isa yan sa mga katangian mo na nagustohan ko."


Nalito ako sa sinabi nya. Hindi ko kasi maintindihan ang point nya kung bakit nya sinasabi ito o baka naman nag-a-assume lang ako. Tumawa ako.



"Hindi ka ba natatakot na baka habulin na naman kita dahil sa pinapakita mo sa akin ngayon?" Biro ko.


"Bakit? Hindi mo na ba ako hahabulin ulit? Am I to late." Natameme ako sa sinabi nya.



Yes. It's too late. Dahil sa mga ginawa nyang pagtataboy sa akin noon baka hindi ko na realize na yong taong bagong nagpapasaya na pala sa akin ang mahal ko. Napangiti naman ako ng biglang pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha no Sebastian.



"I miss those smile of yours." Biglang nawala ang ngiti ko at napatitig sa kanya. "It just sad that I'm not the reason anymore why you smile." Ngumiti sya ng may kasamang pait. Napabuntong hininga ito.


"Ano bang gusto mong sabihin sa akin?" Diretso kong tanong.


Napapatanong na kasi ako sa mga kinikilos nya at pinagsasabi. Sa mga mata nya ay nakikita ko na din ang lungkot na ngayon ko lang nakita ng magkita ulit kami.



Sasagot na sana sya ng biglang dumating ang order namin. Hinintay nya munang makaalis amg waiter bago ito magsalita.



Napabuntong-hininga ulit ito saka napasandal sa upuan.


"I still love you."


"What?"


"I still love you." Seryoso nyang sabi. Napatitig ako sa mga mata nya pero agad din natawa.


Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon