Meadow's POV:
Maaga akong nagising para maghanda ng pagkain. Nalaman ko kahapon kay Zachary kung saan nakatira ngayon si Walter. Hindi ko talaga sya tinigilan hangga't hindi nya binibigay sa akin ang address ni Walter. Mas may makukuha akong impormasyon kay Zachary kaysa kay Xander. Dinaig pa kasi non ang bato. Kahit anong piga mo ay wala ka talagang makukuha.
Kinuha ko ang cake na binake ko saka inilagay ito sa lalagyan. Natuto akong mag-bake para sa kanya. Gusto ko kasi ang bigay ko sa kanyang cake ay sarili kong gawa para mas ramdam nya talaga ang pagmamahal ko para sa kanya.
Huminga ako ng malalim saka ngumiti.
"Sana magustohan nya ito."
Simula ng makita ko ulit sya noong isang araw ay napagdesisyonan kong angkinin sya ulit. Siguro naman kahit katiting ay may pagmamahal parin sya para sa akin at palalaguin ko yon. Imposible naman na agad na nawala ang pagmamahal nya sa akin. Ilang taon din kaming maging magkasintahan at sa bawat araw na magkasama kami ay masaya kami.
Ngumiti ako kay Cresent na nasa hamba ng pintuan dito sa kusina.
"Aalis muna ako Mof. Pupuntahan ko si Walter." Nakangiti kong sabi habang hinahanda ang mga dadalhin ko. "Dadalhan ko sya ng binake kong cake."
"Ganon ka ba ka martir?" Tanong nito dahilan para mapahinto ako sa ginagawa ko at mapatingin sa kanya.
"Ha?"
"Ganon ka ba ka tanga?"
"A-ano bang pinagsasabi mo dyan Mof?" Nakagiti ko pa ding sabi saka pinagpatuloy ang ginagawa ko. Hindi sya ngumiti.
"Ha!" Natatawa nitong kunwari. "Narinig ko ang sinabi ni Walter ng huli kayong magkausap. Hindi ka nya mahal at confirm na nga di ba? Na si Allison ang ipinagpalit nya noon sayo."
"Pero may asawa na si Allison at si Blake yon. Kaya..."
"Kaya ano?" Nagsimula ng tumaas ang boses ni Cresent.
"K-kaya may pag-asa na magkabalikan kami." Napalabi ako ng bumalatay sa mukha nya ang inis. "Wala ng hahadlang sa amin."
"Ang tanga mo naman Meadow." Sigaw nito. "Anong pag-asang pinagsasabi mo? Hindi mo ba narinig ang sinabi nya sayo non sa hospital o sadyang nagbingi-bingihan ka lang? Hindi ka na mahal nong tao."
"Mahal nya parin ako." Napayuko ako. "Nararamdaman ko."
"Hindi yon ang nararamdaman mo Meadow. Ilusyon na yon. That damn, stupid illusion of yours." Galit na nitong sabi. Hindi ko sya magawang tingnan dahil makikita ko lang ang galit nyang mukha. "Masyado kang tanga sa pag-ibig mong akala mo na meron pa. Bakit hindi ka nalang mag-let go?"
"Paano ako magle-let go ko kung sya lang ang mahal ko at nararamdaman ko hanggang ngayon ay mahal ko parin sya?" Tinitigan ko sya sa mga mata nya para ipakita at ipaintindi sa kanya na mahal ko talaga si Walter.
"Mahal mo parin sya? Ha!" Ngumisi ito ng nag-aasar. "Eh anong nararamdaman mo para kay Seb?"
Hindi agad ako nakasagot at natigilan ng marinig ang pangalan ni Sebastian. Simula din ng araw na yon ay hindi ko na sya nakakausap at nakikita. Kahit sa campus ay hindi ko sya makita. Napaiwad ako ng tingin sa kanya.
"Ang sabi ko naman sayo di ba, gusto ko sya pero hindi ibig sabihin non ay mahal ko na sya."
"Talaga lang ha." May halong sarkastikong sabi nito kaya napapikit ako. "Sana nga lang hindi ka magsisi sa ginagawa mo ngayon."
![](https://img.wattpad.com/cover/184535335-288-k439.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing You
Novela JuvenilDid you experience chasing someone? Well, I experience that as an author, as a person. Lahat naman siguro ng taong nagmamahal ay naranasan ng maghabol. Hinabol dahil mahal mo kahit hindi ka na mahal. Hinabol dahil hindi mo kayang bitawan pero sya bu...