Chapter 3

148 5 0
                                    

MALAKI ANG NGITI ni Meadow ng pagbukas nya sa locker ay bumungad agad sa kanya ang tatlong rosas. Kinuha nya ito saka inamoy. Iba ang amoy ng rosas. Amoy nito ang pabango na ginagamit ng binata. Kahit rosas ang inaamoy nya ay para na ding ang binata ang inaamoy nya.


Napatingin sya sa letter na nakasabit dito. Binuksan nya ito saka binasa.



'To my most beautiful girl. Happy 1st anniversary babe. I love you. See you later.'

Walter




Anniversary... Ngayon pala ang una nilang anibersaryo bilang magkasintahan. Hindi nya aakalain na tatagal sila. Nang magsimula kasi sila sa pagbuo ng relasyon nila ay marami ang nagsasabi na hindi sila magtatagal.



Marami man ang nagsasabi non ay hindi naman sya naniniwala. Para kasi sa kanya ay nasa dalawang taong magkarelasyon lang kung magtatagal sila o hindi. At para sa kanya ay magtatagal sila.



Para sa kanya ay sila na ang nakatadhana para sa isa't-isa. Ito ang lalaking unang nagpatibok ng puso nya. Kung hindi nangyari ang aksidente noon, ang pagsalo sa kanya nito ay hindi sana sila magkakakilala. Kaya naniniwala sya, dahil sa nangyari ay para talaga sila sa isa't-isa.



"Ang ganda ng ngiti natin ah." Panunukso sa kanya ng kararating na kaibigan.



Ipinakita nya ang mga rosas nang dahilan kung bakit masaya sya. Gaya ng inaasahan nya ay tumili ang kaibigan na agad naman nyang sinaway dahil nakukuha nila ang atensyon ng ibang estudyante.



Napatingin sya sa grupo ng babae na masamang nakatingin sa kanya saka sya inirapan bago umalis. Napabuntong-hininga nalang sya.



"Hayaan mo sila, nagseselos lang ang mga 'yon sayo." Malakas na tawa ni Crescent na nakapagpailing sa kanya.



Ang grupo ng mga babaeng 'yon ay ang grupo na humahabol sa kanya non.


***


"Sa wakas nakita din kita." Napahinto sya sa paglalakad ng makita na naman ang mga humahabol sa kanya noong isang linggo.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon