Chapter 14

70 1 0
                                    

Meadow's POV:

"Ally." Hinihingal na bungad ni Seb kay Allison na may bahid ng gulat ang mukha ng makita na gising na ito.



Pinagpapawisan ito at halatang bagong gising. Nakapantulog at magulo ang buhok. Bahagya namang natigilan sa pag-uusap ng apat dahil sa pagdating nya.

"Sebby." Nakangiting tawag ni Ally pagkatapos nyang magulat.



"Mauna na kami love." Paalam ni Walter.


"See you at home babe." Masigla namang paalam ni Zachary.



"Pagaling ka princess." Hinalikan naman sya sa noo ni Xander at gumaya naman ang dalawa.



Tumungo naman silang tatlo sa pinto kung saan nakatayo si Sebastian.


"Mauna na kami dude." Paalam ng tatlo.


"Sige." Tumango naman si Sebastian.



Nagpaalam din sila bago tuluyang umalis. Lumapit naman si Sebastian kay Ally at niyakap ito. Nakaramdam ako ng konting kirot sa dibdib ko ng makita kung paano yakapin ni Sebastian si Allison.

Ngayon ko na nararamdamab ang sinasabi no Cresent na dapat hindi ko pagsisihan. Ako dapat kasi ang kayakap nya. Palihim kong pinunasan ang luha na tumulo sa mukha ko. I miss him. I really miss him.



"Miss me Sebby?" Biro ni Ally dahilan para bumaling ulit ang tingin ko sa kanila at masaktan naman muli. Napatigil naman ito sa pagngiti at lumungkot bigla tila parang may binubulong si Sebastian sa kanya. "I'm sorry." And with that niyakap nya ng mahigpit si Sebastian.


Kahit hindi ko narinig ang binulong ni Sebastian kay Allison ay alam ko na tungkol yon sa nangyari sa amin. Wala syang nilihim kay Allison tungkol sa panliligaw nya sa akin kaya naman palagi nalang akong tinutukso ni Allison sa twing may ginagawang sweet sa akin si Sebastian.



"Hindi ka ba magseselos dre?" Narinig kong tanong ni Darwin, kaya napabaling ako kay Blake.



"Hindi na. Kailangan nya yan eh." Nakangiting sagot ni King na nakatingin sa dalawa saka tumingin sa akin kaya napayuko nalang ako.

Hindi man nila pinaparamdam pero pakiramdam ko ay naiiba na ako sa kanila. Nahihiya ako dahil sa sinaktan ko ang kaibigan nila.




Ilang minuto din sila na nakayakap sa isa't-isa habang hinihimas ni Ally ang likod ni Sebastian. Hindi naman namin nakikita ang mukha ni Sebastian dahil nakatalikod sya sa amin. Napatingin sa akin si Cresent.



"Hoy!" Tawag nya sa akin para mapunta sa kanya ang atensyon ko. "Wag kang umiyak dyan. Kasalanan mo yan kaya magtiis ka."



"Alam ko." Naiinis kong sabi.

Minsan sarap din ihampas sa mesa itong kaibigan tong to eh. Pero masaya parin ako dahil kahit prangka sya ay alam ko naman na para sa akin din naman ang ginagawa nya. Pinapakita nya lang sa akin kung ano ang hindi ko nakikita.


Lumapit naman si Troy sa dalawa ng maghiwalay na ito sa pagkakayakap. Lumapit na din kami sa kanila. Gusto kong ako naman sana ang yumakap kay Sebastian pero nahihiya ako.


"Chansing kana kay Ally dre." Biro ni Troy.



"Inggit ka lang. Haha." Pang-aasar ni Sebastian dito. Napangiti ako ng makita ang pagtawa nya.

Ang tagal ko ding hindi sya nakita lalo na ang ngiti at tawa nya. Nami-miss ko na talaga sya. Kung paano nya ako tratuhin at alagaan. Kung paano nya ako lambingin.


Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon