Chapter 5

105 6 0
                                    

Meadow's POV:



"Alam mo babe, pangarap ko talaga ang magkapamilya." Biglang sabi ni Walter para mamula ang mukha ko.



Hindi ko alam kung saan nanggaling ang topic na 'yon. Pakiramdam ko kasi ay pinapahiwatig na nya na gusto na nyang magpakasal kami.



Nandito kami sa isang park sa America, magkahawak ang kamay habang naglalakad. Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin kong napahinto sya. May tinitingnan sya, kaya naman napatingin na din ako kung saan sya nakatingin.



Nakatingiin sya sa isang masayang pamilya na nabo-bonding kasama ang dalawa nitong mga anak. Napatingin ulit ako kay Walter na may bahid ng pangungulila.



"Gusto ko, kapag nagkapamilya ako, kapag nagkaroon ako ng anak ay hindi nya maranasan ang naranasan ko. Hinding-hindi ko ipaparamdam sa kanya ang pangungulila sa isang magulang."



Sa nakikita ko sa mga mata nya ang tingin ng desidedo at talagang sisiguradohin nito na matutupad ang mga sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may mga bagay sya na hindi sinasabi sa akin.



Sa pagiging mag-nobyo namin ay ni hindi ko pa nakikilala ang mga magulang nya o ni sino man sa pamilya nya. Gusto kong magtanong. Gustong-gusto ko, pero gusto ko din na sya mismo ang kusang magsabi.



Kaya nga sa tinagal na din ng relasyon namin, ni minsan hindi ako nagtanong kung kailan nya ako ipapakilala sa pamilya nya. Habang sya ay napakilala ko na at masaya ako dahil tanggap sya ng pamilya ko.



"Gusto mong mag-mall?" Tanong nya ng ibalik nya sa akin ang tingin nya.



Umiling ako, sa nakikita ko sa mga mata nya ay parang mas gusto nyang makita ang mga batang masayang naglalaro dito sa park kaysa tingnan ang mga tindahan sa mall.



"Dito nalang tayo. Don tayo maupo." Sabi ko sabay turo sa isang bench na walang nakaupo.



Nang makaupo ay tahimik lang kami. Walang nagsasalita. Gustong kong magsalita pero nakikita ko sa mga mata nya na naaaliw sya sa mga batang naglalaro sa park.



Napatingala ako sa kanya ng bigla syang tumayo, hindi ko pa sya natatanong ay agad syang umalis kaya napatayo na din ako. Pero hindi pa ako nakakalad ng mapatigil ako, nagulat nang lapitan nya ang isang bata na nadapa.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon