Chapter 4

130 5 0
                                    

Meadow's POV:


Naglalakad ako papunta sa canteen ng makita ko si Cresent na hinihintay ako sa isang table. Lumapit ako sa pwesto nya saka umupo sa kaharap nyang upuan. Inilapag ang mga dala kong libro.



"Ang dami naman ata nyan Mof." Ani nito na nakatingin pa sa mga librong dala nya.



"Wala naman kasi akong gagawin nitong weekends kaya naman dinamihan ko na ang librong hiniram ko sa library para madami-dami din ang mababasa ko."



"Ang boring mo."



"Yeah." Walang ganang sagot ko.



Hindi na ako tumayo para mag-order dahil hindi paman ako dumadating ay nakahanda na ang pagkain ko dahil binilhan na ako kanina pa ni Cresent. Maswerte talaga ako sa kaibigan kong 'to. Hindi na mabait, maalaga pa.



Sobrang swerte ko talaga sa kanya dahil sa mga panahon na naging madilim ang mundo ko ay hindi nya ako iniwan. Kahit na ilang beses ko pa syang ipagtulakan ay hindi parin nya ako sinukuan.



"Bakit hindi tayo mag-bar bukas." Magkasalubong ang mga kilay ko na napatingin sa kanya. "Come on Meadow. Hindi naman pwede na habang buhay eh magmumokmok ka nalang. Magbabasa ng libro. Ang boring non Mof, alam mo ba 'yon?"



Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy nalang sa pagkain.



"I'll take that as a yes." sabi nito sabay turo sa akin ng hawak nyang tinidor. "Magba-bar tayo tapos maghahanap tayo ng lalaki."



Mas kumunot ang noo ko na napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya pero hindi nya iyon pinansin.



"Ano?" Nilakihan nya ako ng mga mata. "Tigilan mo ako sa mga ganyang tingin mo Blackwood. Oras na din naman siguro para makahanap ka ng bagong pag-ibig."



"Hindi ako nagmamadali." Pagputol ko sa iba pa nyang sasabihin.



"Sabihin na nating hindi ka nga nagmamadali pero, gosh Meadow it's been years." Singhal nito na tila ba napapagod na. "Wala naman sigurong masama na mag-move on, di ba?" Sarkastiko nitong tanong.



Hindi ako nakapagsalita saka nagpatuloy nalang sa pagkain habang ang kaharap ko ay patuloy lang sa pagsasalita.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon