Chapter 10

73 3 1
                                    

Meadow's POV:


"Ang cute naman nito." Napatingin ako sa hawak ni Cresent.




Nandito kasi sya ngayon sa kwarto ko at nanggugulo. Hawak nya ang stuff toy na may hawak na tulip. 'Yon yong stuff toy na nakita ko sa shop na pinuntahan namin ni Sebastian. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras ng maalala si Sebastian.



"Wow. May kwentas pa sya. S?" Napatingin ako sa kanya ng kumunot ang noo nya. "Teka, mukhang nakita ko na ang kwentas na to somewhere ah." Nag-iisip ito at kalaunan ay nakangising tumingin sa leeg ko. "Kaya naman pala familiar."




Napailing ako sa ngisi nya saka napangiting hinawakan ang kwentas na may pendant na S.




***




Nagpunas ako ng luha pagkatapos ng drama namin ni Sebastian. His really a nice guy, dinamayan nya parin ako kahit na nalaman na nya ang nakaraan ko.



"That was the reason kung bakit hindi ko masagot ang tanong mo." sabi ko habang pinupunasan parin ang mga luha ko. "Hindi ko pa alam kung handa na ba ako."



"Yong totoo, ano bang nararamdaman mo para sa akin?" Seryoso nyang tanong. "Kung pakikiramdaman mo ang sarili mo. I mean, masaya ka ba kapag kasama ako?"



"Oo. Aaminin ko, masaya ako kapag kasama ka. Kaya naman sana hintayin mo ako. Kaya mo ba Sebastian?" Nag-aalinlangan kong tanong sa kanya.



Hinawakan nya ang kamay ko kaya naman mas napatitig ako sa kanya. Hinalikan nya ito saka nilagay sa pisngi nya.



"Oo naman. Hihintayin kita hanggang sa handa ka na at mahal mo na ako."



"Salamat Sebastian." Hindi ko aakalain na ang dating playboy ay kaya pala akong hintayin.



"No. I should be the one who's thanking you kasi binigyan mo ako ng pagkakataon na makapasok sa puso mo. Kuntento na ako sa sagot mo na masaya ka kapag kasama ako. Pasasaan ba't mamahalin mo rin ako." Tumawa ito ng malakas kaya naman napatawa na din ako.




Nakakahawa kasi ang tawa ni Sebastian. Tumigil na ito sa kakatawa saka may kinuha sa bulsa.



"Talikod ka muna." Hindi na ako nagtanong pa saka tumalikod. Maya-maya ay may naramdaman akong malamig sa bandang leeg ko at nakita ko ang kwentas na may pendant na S na nasa gitna ng heart. "Para maalala mo na may isang tao na mahal na mahal ka at handa kang hintayin."



Napangiti akong nakahawak sa kwentas. Tumingin ako sa kanya at may nakalahad na syang stuff toy. Yon yong stuff toy na hawak ko kanina sa shop pero ang ikinaiba lang nito ay may suot din itong kwentas na katulad ng akin pero maliit lang sya.



"Para naman kapag nakikita mo sya ay maalala mo din ako."



"Ang cute nya. Gusto ko syang bigyan ng pangalan." Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa stuff toy.



"Okay lang ba na ako ang magbigay ng pangalan?" Napakamot ito sa kilay kaya  naman napatawa ako dahil ang cute-cute nya.



"Bakit naman ikaw?" Tinaasan ko sya ng kilay.



"Para kapag tinatawag mo sya ay maaalala mo ulit ako." Natawa na ako sa lahat ng sinabi nya. Ang korni nya kasi.




"Gusto mo talaga lahat ng bagay na nakapaligid sa akin ay maalala kita?"



"Oo naman." Taas noo nitong sabi. "Para kapag ikaw lang mag-isa at nakita mo to ay mapapangiti ka at maaalala ako. Sa ganon ay mas hanap-hanapin mo ako." Napailing na ako ng tuloyan.



"Oh sige na, sige na. Ano bang ipapangalan mo dito?" Tanong ko saka pinakita ang stuff toy.




"MeaSeb."



"MeaSeb? Bakit MeaSeb?"



"Kaya MeaSeb, kasi pinagsama ng Sebastian at Meadow. Kaya MeaSeb."



"Ang korni mo talaga Sebastian." Natawa ako ng mapanguso sya. "Ikaw lang ang nakita mong playboy na ganyan ka korni."



"Alam mo Meadow, kahit gaano ka playboy o katapang ang isang tao, magiging korni ka talaga kapag tinamaan ka ng pag-ibig." Seryoso nitong sabi kaya napanguso ako.




"Ang seryoso mo naman, para binibiro lang kita eh."




***



Hindi ko tuloy maiwasan na mas mapangiti ng maalala na naman ang ka kornihan nya. Akalain nyo yon? Makakaisip din sya ng combination ng pangalan namin. Sa pagkakaalam ko kasi, mga babae ang mahilig sa combination ng mga names. Hahaha ang korni nya talaga.





"Ang ganda ng ngiti natin ah." Biglang nawala ang ngiti ko ng may maalala sa sinabi ni Cresent.



Ganyan din yong sinabi nya sa akin noon kapag nakakatanggap ako ng regalo mula kay Walter. Napailing ako saka inalis si Walter sa isip ko.




"Parang kay Walter lang non." Tuloyan na akong napa-poker face ng pinaalala pa ni Cresent sa akin. "Sabihin mo Mof, mahal mo na ba si Sebastian?"



"Mahal agad? Hindi ba pwedeng gusto muna?"



Nagkibit balikat sya saka tiningnan ang stuff toy. "Pwede naman. Pero pwede din namang mahal mo na sya hindi mo lang nahahalata dahil iniisip mo parin si Walter." Napabuntong hininga ako dahil sa kaprangkahan nya.




"Hindi ko alam Cresent, okay?" Napabuga ako ng hininga. Mangungulit na naman kasi ito at mamamrangka na naman. "Basta masaya ako kapag kasama ko sya, yon naman ang mahalaga sa ngayon di ba?" Nagkibit-balikat ito.




"Siguro. Basta masaya ako na masaya ka na ngayon sa piling ng iba. Konting push nalang makakalimotan mo na din sya."





Sana nga Cresent. Sana nga.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon