Sa mga nakabasa nito sa TKMTB. Medyo iniba ko sya. Baka kasi malito kayo. Yon lang.
Enjoy :)
***
Nanginginig ang mga kamay ko ngayon. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga nalaman ko o dahil natatakot ako na baka sa pagkatok ko ulit ay iba na naman ang magbubukas nito. Ilang beses na akong pumupunta sa condo nya at palaging iba't-ibang babae ang bumubukas sa pintoan.Napalabi ako. Nasasaktan ako pero alam ko na mas nasasaktan sya sa ginawa ko. Hindi ko lang sya pinaasa, iniwan ko pa sya. Nakita ko lang si Walter ay nakalimutan ko na agad sya. Binalewala ko lang ang mga ginawa nya para sa akin.
Napatulala ako pero agad din napailing. Huminga ng malalim, sa paghinga kong yon ay doon ako kumukuha ng lakas para kumatok sa pinto. Inayos ko muna ang sarili ko bago tuloyang kumatok. Itinaas ang ulo ng unti-unting bumukas ang pinto. Inihanda ang sarili sa babaeng sasalubong sa akin.
Pero kahit ano palang handa ang gawin ko ay masasaktan parin ako. Napalunok ako ng naka-dress lang ang babae na halos makita na ang kaluluwa nito. Huminga ulit ng malalim para pigilan ang sarili na maiyak. Baka kasi biglang bumuhos. Hindi pa naman ako nandito para mag-drama. May kailangan akong sabihin sa kanya.
"Who're you?" Nakataas kilay nitong tanong. Halatang masungit. Akala mo naman matatakot ako sa kanya.
Itinaas ko ang ulo ko at kilay. Mas nilagpasan ko pa ang taas ng kilay nya. Hindi naman nya ako masisindak dahil hindi sya ang kahinaan ko.
"Your not the one I'm looking for." Ngumisi ako sa kanya. "Bitch."
"How dare you." Sasampalin na nya sana ako pero nahawakan ko ang kamay nya.
"Ni mommy ko hindi nga ako pinadadapuan ng lamok, ang marumi mo pa kayang kamay." Namula ito sa inis at sapilitang binawi ang kamay nya.
"Sino ba yan?" Naistatwa ako ng marinig ang boses nya mula sa loob. "Ang ingay-ingay." Bigla akong kinilabotan ng tiningnan nya ako ng blangkong mukha.
Hanggang ngayon ay hindi parin talaga ako sanay sa tingin nyang ganyan. Yong blangko, malamig. Mas sanay akong tinitignan nya ako ng may pagmamahal. Yong may spark sa mga mata. Hindi yong ganito.
"Get out." Ngumisi ang babae sa sinabi ni Sebastian.
Napayuko ako at mariin na napapikit para pigilan na tumulo ang mga luha ko. Hindi na ba nya talaga ako pakikinggan. May gusto akong sabihin sa kanya. Pero paano ko masasabi kung sa twing lalapit ako sa kanya ay sya namang layo nya. Sa twing may sasabihin ako ay agad naman nya akong pinaalis.
Magsasalita na sana ako ng bigla na naman syang magsalita.
"Why are you still standing there?" Mas napapikit ako dahil sa lamig ng boses nya. "I said get out."
Ayaw na nya talaga akong pakinggan. Ano bang pwede kong gawin para lang pakinggan nya ako? Napaangat ako ng tingin ng biglang magsalita ang babae.
"What?"
"Hindi ka ba talaga nakakaintindi o sadyang bobo ka lang talaga?" Napalunok ako sa sinabi ni Sebastian. Nainis ang babae sa sinabi nya.
"Arrg! I hate you!" Sinampal nito si Sebastian dahilan para magulat ako. Padabog na umalis ang babae at sumakay ng elevator.
Bahagya akong napasigaw ng bigla nya akong hinila papasok sa unit. Isinara ang pinto saka ako itinulak sa pader. Napalunok ako ng maramdaman ko ang init na nagmumula sa katawan nya. Hindi pa naman sya nakadamit pang-itaas.

BINABASA MO ANG
Chasing You
Ficção AdolescenteDid you experience chasing someone? Well, I experience that as an author, as a person. Lahat naman siguro ng taong nagmamahal ay naranasan ng maghabol. Hinabol dahil mahal mo kahit hindi ka na mahal. Hinabol dahil hindi mo kayang bitawan pero sya bu...