Chapter 12

58 3 0
                                    

Meadow's POV:




Umalis na ang doctor at gulat na gulat naman ang mga kasama ko, lalo na si King dahil sa ginagawa ni Walter kay Ally, hinaplos-haplos nya kasi ito sa mukha at buhok habang nakaupo sa tabi nito at nag-aalalang tinignan ito. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na si Allison ang babaeng dahilan kung bakit nya ako hiniwalayan at iniwan. Napatigil naman ito sa ginagawa nya ng magsalita si Zachary.




"Oy! Musta Crest? Long time no see ah." Siniko naman sya ni Xander at napatingin sa amin si Walter na parang wala lang.


Si Cresent ang tinutukoy nyang Crest, yon kasi ang tawag nya kay Mof. Napatingin ako kay Walter na parang wala lang kung tingnan kami. Ganon lang yon? Para wala lang nya kami kung tignan.




"H-Haha Oo nga eh. Ito okay lang. He he he." Tumawa naman ng mahina si Cresent pero halatang napipilitan.



"Hey." pormal na bati ni Xander.




"Yow!" balik bati ni Cresent sa kanya. Kasundong kasundo ni Cresent ang dalawang yan kaya ganyan kung magbatian.



""Mead." Tangong bati nya sa akin na ikinagulat ko pero agad naman akong ngumiti sa kanya.




"Xand." Tumango naman ako.




"Oy! Nandyan ka pala Mead. Hehe hindi kita napansin, si Crest lang nakita ko eh." Biro nya.



Alam ko naman na napansin nya ako, hindi nya lang talaga feel ang atmosphere sa loob ng silid na ito.





"Yeah right." Pagsu-sungit ko sa kanya.




"Ay! Masungit na." Bulong nya pero narinig ko naman kaya tiningnan ko sya ng masama, nag-peace sign naman sya (^__^)V tsk!





Binalik naman ni Walter ang tingin kay Ally. Nakatitig lang ako sa kanya. Tanga ka ba? May asawa na yan! Habol ka pa rin ng habol! Nandito ang asawa oh! Nandito! Ang sarap isigaw yan sa mismong mukha nya para itigil nya ang ginagawa nya. Bitter lang? Watever!





Ewan ko sa mga kasama ko kung napaos o napepe ba at ayaw magsalita. Parang kaming apat lang ang magkakasama. Napatingin naman ako kay King na hanggang ngayon ay nagugulat parin sa ginawa ni Walter. Sapakin mo nga yan King ng matauhan.




"Magkakilala kayo?" Tanong ni Gray, at last may nagsalita na din. Kasi ilang sandali nalang at hindi pa sila nagsalita, talagang mapapanis na ang mga laway nila. Eww!




"Ah Oo. K-Kaibigan namin." Sagot ni Cresent. "Sya nga pala guys, si Gray, boyfriend ko."




"Ano!? May boyfriend ka na? Bakit hindi mo ako hinintay Crest? Ang duga mo naman eh." Pagmamaktol ni Zachary.




May gusto kasi sya kay Crest pero hindi namin alam kung totoo ba yon o biro kasi parati nyang binibiro si Cresent, pero kaibigan lang ang turing ni Sent sa kanya.




Nakita ko naman na hinawakan ni Gray si Cresent sa bewang. Ayaw maagaw ha?



"Haha baliw." Natatawang sabi nya kaya napanguso naman si Zachary. "Sya naman si Faith, si Darwin boyfriend nya. Ito naman si Fayre at si Troy boyfriend nya." Isa isa nyang tinuro ang mga kaibigan namin at nakipag-shakehands sa kanila. "Si S-Seb, m-manliligaw ni M-Meadow." Pakilala ni Mof kay Sebastian na parang nagdadalawang isip pa.




"Hello dude." Bati ng dalawa sa kanya sabay shakehands.




"Hello." Balik bati naman ni Sebastian. Napatingin naman ako kay Walter na hindi parin kami nililingon at nakatingin lang kay Ally.



Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon