Meadow's POV:
"Wag ka sana magalit." Sumeryoso ang mukha nya kaya medyo kinabahan ako. "Naalala mo nong una tayong magkakilala?"
"Yeah. Nong sinalo mo ako nago pa ako bumagsak sa semento. Kaya nga nahulog ang loob ko sayo dahil iniligtas mo ako hindi lang mula sa kahihiyan kundi pati na din sa sakit na mararamdaman ko sana."
Ang mga asul nyang mga mata ang palatandaan ko kaya kahit hindi ko nakita ang buong mukha noon ni Walter ay naalala ko naman ang mga mata nya na parang hinihigop ako. Nakatitig lang sa akin si Walter kaya naman nagtaka ako.
"Bakit?" Umiling ito.
"Una tayong nagkita nong hinahabol ka nila Cassandra sa abandonadong building. Doon tayo nagkakilala." Nagkasalubong ang kilay ko.
"Oo nga. Doon tayo una nagkilala pero hindi tayo don unang nagkita."
"Mali. Doon tayo unang nagkilala at nagkita." Bigla ay nagulohan ako sa mga pinagsasabi nya.
"Ano bang pinagsasabi mo Walter? Doon tayo sa hallway una nagkita. Nong muntik na akong matumaba. Sinalo mo ako..."
"Hindi ako yon." Bigla akong natigilan sa sinabi nya. "I'm sorry Meadow kung nagsinungaling ako sayo. Hindi ako ang lalaking nagligtas sayo."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Nandon ako pero hindi ako ang nagligtas sayo..."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit ngayon mo lang to sinabi sa akin?" Bigla ay nakaramdam ako ng galit sa kanya na ngayon ko lang naramdaman.
BINABASA MO ANG
Chasing You
Teen FictionDid you experience chasing someone? Well, I experience that as an author, as a person. Lahat naman siguro ng taong nagmamahal ay naranasan ng maghabol. Hinabol dahil mahal mo kahit hindi ka na mahal. Hinabol dahil hindi mo kayang bitawan pero sya bu...