A/N: Baka malito kayo bakit magkaiba ang POV dito at sa TKMTB. Binago ko po sya kasi tinatamad na po ako sa pagbuklat ng mga chapter sa TKMTB. So, yeah. Ito na.
- Enjoy po :)
Meadow's POV:
"Bilisan mo Mof." Hila-hila sa akin ni Cresent.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Payapa lang akong nakaupo at nagbabasa sa bench ng basta-basta bigla nalang akong hinila nito.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Naiinis ko ng tanong dahil kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya pero hindi nya parin ako sinasagot. "Babatukan na talaga kita Cresent kapag hindi mo pa sinabi sa akin kung saan mo ako dadalhin."
Napahinto kami sandali ng makarating kami sa gym. Napakunot noo ako, nagtataka kung bakit madaming tao dito. Wala naman akong nababalita na may program na magaganap dito.
Hinila ulit ako ni Cresent papasok sa gym. Nagkipagsiksikan pa kami para lang makapasok. Halos puno na ang gym. Hinila nya ako sa may bakanteng upuan saka umupo.
"Aray!" Bigla nyang sigaw. "Bakit ka nambabatok dyan?" Naiinis nyang tanong.
"Gaga ka!" Asik ko sa kanya. "Sinabi ko na kanina sayo na kapag hindi mo ako sinagot babatukan na kita." Napanguso naman ito kaya napairap ako. "Bakit mo ba kasi ako dinala dito?"
"Hehe hindi ko din alam eh." Sinamaan ko sya ng tingin at ang gaga ay nag-peace sign lang. "Basta narinig ko kanina na may magaganap daw na confession dito."
"Napaka-chismosa mo talaga. Pati confession ng iba ay nakikisawsaw ka."
"Chismosa ka dyan. Kung chismosa ako, pano nalang sila?" Tinura nya ang mga tao na nasa loob ng gymnasium.
Blanko akong napatingin sa paligid. "Lahat sila chismosa, kagaya mo."
"Ang ampalaya mo."
Tumawa lang si Cresent kaya tumingin nalang ako sa harap ng stage. May malaki at makapal na kurtina na nakaharang sa stage kaya hindi ko makita kung anong meron don.
Confession? Tss. Bigla nalang umasim ang mukha ko. Naalala ko na naman tuloy ang ginawa nyang pag-confess sa aking sa harap ng maraming tao. Hindi man ganito karami pero sapat na para maraming makaalam.
"Walter." She mumbled his name.
Pinigilan ni Walter ay pagsampal sana sa kanya ni Cassandra. But why? Is he really her Knight and shining armor? Her prince charming that will save her every time she's in trouble?
"You better stop." Sabi ni Walter sabay malakas na bitaw nito sa kamay ni Cassandra.
"Why should I?" Sigaw nito. Napaatras ito ng tignan ito ni Walter ng masama.
"Because she's now my girl."
Napakurap-kurap sya sa sinabi nito. My girl? Kailan pa? Bakit hindi nya alam? Tulog ba sya ng sinagot nya ito o nakalimotan nya?
Napasinghap sya ng bigla sya nitong hawakan sa kamay saka pinagsiklop.
"No one can touch Meadow. She's my jowa."
BINABASA MO ANG
Chasing You
Ficção AdolescenteDid you experience chasing someone? Well, I experience that as an author, as a person. Lahat naman siguro ng taong nagmamahal ay naranasan ng maghabol. Hinabol dahil mahal mo kahit hindi ka na mahal. Hinabol dahil hindi mo kayang bitawan pero sya bu...