Announcement:
This happen when they are at America. So yeah, English-english. Pero dahil tamad ako mag-english (nakaka-drain ng brain mga dre!) at mas prefer ko ang tagalog kaya ita-tagalog ko lang ang storyang ito.
Kayo na bahala umintindi my dear Blazerz.
****
It was a fine, beautiful first day of school for Meadow at the iKON University. Huminga sya ng malalim. Isang buwan palang sya sa America kasama ang pamilya nya.
They moved there. They always moved. Dahil sa business ng family nya ay kahit saan sila napupunta. Umaabot sila ng ilang taon bago sila lumilipat ng ibang lugar.
Kaya sya naman ay lipat din ng lipat ng eskwelahan. It was a lonely journey for a only daughter. Buti nalang talaga dahil kasama nya ang forever best friend nyang si Cresent Collen.
Mag-best friend ang mga magulang nya slash mag-business partner kaya kung saan ang pamilya nya ay kasama din nito na lumilipat ang pamilya nina Cresent.
Buti nalang talaga at kasama nya ang kaibigan kung hindi baka naging loner na sya.
Kasama-sama nya ang kaibigan palagi pero ngayon ay hindi. Late na kasi itong nagising kaya nauna na sya. Napailing nalang sya saka pumasok sa campus.
"Grabe! Ang gwapo ng mga transferee no?."
"Oo. At ang ho-hot pa nila."
"Sinabi mo pa. Yiieh! May bago na namang hunk sa eskwelahan natin."
Napailing nalang sya sa mga naririnig. Seryoso? Yon talaga ang una-una nyang maririnig sa unang pasok ng klasi. Mga gwapo agad ang pinag-uusapan.
Nagpatuloy nalang sya sa paglalakad para hanapin ang room nya, nila ng kaibigan nya. Napahinto sya sa paglalakad ng makitang hindi sya makadaan dahil sa mga nagkukumpulang babae na may kasabay na tili na halos makakabasag ng tenga.
Dahil sa gusto na nyang pumasok at makahanap ng mauupoan nina ni Cresent ay naisipan nyang makisingit. Halos maipit sya dahil sa dami ng mga babaeng nakikisiksik. Napapikit sya sa kasikip at nang maramdaman ang kaluwagan ay napadilat sya.
Nang maramdaman na may naapakan ay napatingin sya dito at nang makitang paa ito ay magso-sorry na sana sya nang bigla syang itulak nito.
"How dare you step on me. Bitch!" Sabi nito sabay tulak.
Napapikit sya sa bilis ng pangyayari. Hinihintay ang pagbagsak ng kanyang katawan sa matigas na semento. Pero ang ikinabigla nya ay may mga bisig na sumalo sa kanya na agad nakapagpamulat sa kanya.
Parang huminto ang mundo nya ng makita ang dalawang asul na pares na mga mata na para syang hinihigop nito. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso nya, na kahit anong pigil nya ay hindi nya mapigilan ang pagbilis nito.
"Are you okay miss?" Tanong nito na nakapagbalik sa kanya sa reyalidad.
Doon nya lang napansin ang mga bulong-bulongan sa paligid nya.
BINABASA MO ANG
Chasing You
Teen FictionDid you experience chasing someone? Well, I experience that as an author, as a person. Lahat naman siguro ng taong nagmamahal ay naranasan ng maghabol. Hinabol dahil mahal mo kahit hindi ka na mahal. Hinabol dahil hindi mo kayang bitawan pero sya bu...