Meadow's POV:
"Meadow." Napatingin ako sa kaklasi ko ng tawagin nya ako. "May naghahanap sayo."
"Sino daw?" Ngumiti ito ng nakakakilig kaya napakunot noo ako.
"Tingnan mo nalang." Sabi nito saka umalis.
"Anong nagyari don? Parang maiihi eh." Sabi ni Cresent na katabi ko lang. "Sino naman kayang naghahanap sayo?" Nagkibit balikat ako.
Wala din kasi akong kaide-ideya kung sino ang maghahanap sa akin ng ganitong oras.
"Ewan. Titingnan ko lang." Tumayo na ako.
"Sandali, sasama ako." Pinigilan ko sya sa akmang pagtayo nya.
"Dyan ka lang."
"Eh gusto kong makita kung sinong nanghahanap sayo eh."
"Makikitsismis ka lang." Napanguso ito. "Taposin mo yang drawing mo."
Hindi ko na sya hinintay na makapagsalita pa saka ko sya iniwan. Makiki-tsismis lang kasi yon eh. Lumabas ako ng room para harapin ang naghahanap sa akin. Nang makalabas ako ay napatingin ako sa kaliwa pero wala akong kakilala na pwedeng maghanap sa akin, kaya napatingin ako sa kanan.
Isang malaking bouquet na tulip ang bumungad sa akin. Napakunot-noo ako saka napatingin sa may hawak nito. At laking gulat ng makita si Sebastian na may malaking ngiti sa labi.
"Sebastian?"
"Ako nga, wala ng iba pa." Inilahad nito sa akin ang hawak nyang bulaklak. "For you."
"Para sa akin?" Tumango ito bilang sagot. Tinanggap ko ito. "Salamat, pero bakit mo naman ako binigyan nito?"
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo nong isang araw?" Natawa ito. "Isang araw pa nga lang ang nakakaraan Meadow, nakalimutan mo na agad? Hindi mo talaga ako siniseryoso." Iiling-iling nitong sabi.
Naalala ko naman ang araw na yon. Ang araw na nagkita kaming muli sa club na pagmamay-ari nito.
***
"Ihahatid ko na kayo." Pagrerepresenta ni Sebastian ng makalabas sila sa club nito.
"No need. May sasakyan at driver kami." Sabi ko. Bigla itong na disappointed sa sinabi ko.
Gusto ko mang pumayag ay hindi naman pwede dahil nga sa may sasakyan at driver kami. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib ng makita ang disappointment at kaunting lungkot sa mukha nya.
"Ihatid mo nalang sya Seb." Nagulat ako sa sinabi ni Cresent pero mas nagulat ako ng bigla nya akong itulak ng malakas dahilan para mapaub-ob ako kay Sebastian. Naiinis akong tumingin sa kanya. "Ikaw na bahala dyan ah."
Bago pa ako makasagot ay tumakbo na ito papunta sa sasakyan saka mabilis na umandar ang sasakyan paalis. Napanganga ako sa bilis ng nangyari. Anak ng... Iniwan ako ng bruha.
Ilang minuto akong nakatingin sa daan na dinaanan ng sasakyan kasama si Cresent. Hindi din ako nagsalita at ganon na din si Sebastian. Pareho ata kaming nagulat sa ginawa ni Cresent.
"Oh Gray." Napabaling ulit ako kay Sebastian. Nakatingin ito kay Gray na kalalabas lang ng club, kaya napabaling naman ako kay Gray. "Bakit hindi mo ata hinatid si Cresent?"

BINABASA MO ANG
Chasing You
Teen FictionDid you experience chasing someone? Well, I experience that as an author, as a person. Lahat naman siguro ng taong nagmamahal ay naranasan ng maghabol. Hinabol dahil mahal mo kahit hindi ka na mahal. Hinabol dahil hindi mo kayang bitawan pero sya bu...