Allianna Pov :Naguguluhan parin ako sa mga sinabi sa akin ni Triz. Anong akala niya sa akin easy to get... At ngayon kinakabahan ako kanina pa namin natapos na yung research...at nakauwi na rin ang mga kasamahan namin. Ako na lang ang nandito at yung mama at papa ni Triz. Katabi ko si Triz sa Sofa.
Hindi ako sang ayon sa kanya... Matatakasan ko rin to.. Ano naman pakialam ko sa kanya. Sana iba na lang naging group ko. Wala panaman yung apat dito.
"Are you alright ija?" hinawakan ng Mama ni Triz yung kamay ko.. Medyo na nginginig kasi ako sa sobrang kaba. Mukha kasi silang mga ginto, ang yayaman nila...
Awkward naman akong ngumiti..
"Hehe, ok lang po Mam... P-pwede na po ba akong umuwi? "nahihiyang sabi ko.. Muka naman silang mabait...lahat kasi ng kanilang atensyon nasa akin. Lalo na si Triz
"Call me Mommy Yan, Hatid kana lang ni Triz mamaya... And I would like to meet your parents...na mag papakasal na kayo ni Triz as soon as possible "nagulat siya sa mga sinabi nito sa kanya... No! Im only 18 tapos ipapakasal niya na kami ni Triz.
"Mom! " Suway sa kanya ni Triz.. Lalong na dagdagan ang tensyon na nararamdaman ko ngayon.
"Why Son ?...kailangan na may mag handle ng Company natin.. Alam mo naman na ikaw lang ang nag iisa naming anak.. And you know that I have a Cancer that's why you need to handle our Company. "paliwanag ng Papa ni Triz.. So kaya pala pero ang hindi ko maintindihan kung bakit pa kailangan may asawa pa.
"Kung ganon pala bakit kailangan pang may kasalan na magaganap... I can handle that without a woman. "
Sabi ni Triz pero bakit nasaktan ako sa sinabi niya.Di ko alam kung anong mangyayari.. Kinuha ko yung Juice at uminom habang pinapakinggan sila.
"No,that's not a Reason.. We need your Mom is..... A Grandchild "naibuga ko yung iniinom kong Juice buti na lang at medyo malayo yung Mama ni Triz kung hindi sa kanya ko yun na ibuga..Dali dali naman kinuha ni Triz yung panyo niya at patapon na binigay sakin.
"Im sorry"nakakahiya yung ginawa ko...
"It's okay Ija "nakangiting sabi ni Mommy Yan sabi niya yan itawag ko sa kanya.
"Tsk..We need to go"sabay hila sa akin ni Triz nakakailang hakbang palang kami ng nag salita ulit ang Papa ni Triz. Na nag patigil samin.
"By the way! Allianna your staying in Triz Condo. Pag nasabi namin sa magulang mo na ikakasal kana kay Triz..You can go! "nakangiti parin na sabi ng Papa ni Triz..nanadya yata sila. Porket nasa teritoryo nila ako.
Nauna na akong nag lakad palabas.. Nakakainis bakit ganito pa kinakabahan ako kung ano ang sasabihin nila Mama sana hindi sila pumayag..
Ayaw kong sumakay jan sa kotse ni Triz mag co-comute na lang ako.
"Hey! Allianna get inside in my Car. I'll drive you home.. "kalmadong sabi ni Triz.. Gusto ko nang umiyak bakit napasok pa ako sa ganitong sitwasyon... Hindi ko inaasahan to.
Siya ang may kasalanan nito.. Hindi ko siya pinansin at nag patuloy sa pag lalakad palabas ng Subdivision nila medyo malayo rin ang lalakarin ko nito.
Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko at kinakalad kad ako.
"Ano ba bitawan mo nga ako! "naiinis na sabi ko.. Pero hindi niya ako pina kinggan at dahil malakas siya walang kahirap hirap niya akong naipasok sa kotse niya.
Dali -dali din siyang sumakay sa kotse niya. Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse niya pero hindi ko mabuksan dahil naka lock na ito.
"Buksan mo to!"sigaw ko sa kanya.
Hindi siya nakinig at ini-start na yung engine ng kotse niya.Walang may nag sasalita saamin. Hindi ko na napigilan ang kanina ko pa pinipigilan na pag kainis.
"Kung sa tingin mo.. Susunod ako kung ano ang gusto mo!at ng magulang mo..nag kakamali ka dahil mali ka ng piniling babae na pag lalaruan mo! "sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kalsada malayo layo pa ang Bahay naming Lima..
Muntik na akong masubsob ng biglang preno niya sa sasakyan.
Hindi pala ako naka pag seatbelt..Natakot naman ako sa itsura niya ng bigla siyang humarap sa akin. At galit ang mukha niyang tumingin sa akin.
"You don't even know me! Hindi mo alam kong ano ang pwede kong gawin sayo, sa mga kaibigan mo, at lalo na sa magulang mo"Aaminin kong natakot ako sa mga sinabi niya.. Alam ko naman na wala akong laban sa kanya lalo na sa pamilya niya..dahil simple lang kami at sila parang tinitingila dahil sobrang yaman nila.. Sa bahay palang nila alam mo ng galing sa mayamang pamilya.
"At akala mo natatakot ako sayo! sige gawin mo ang gusto mong gawin.. Pero hindi parin mag babago ang disesyon ko! "hindi ko alam kong saan pa ako kumukuha ng lakas ng loob para sabihin ko yun sa kanya. Hindi ko kayang makita na may mangyaring masama sa mga mahal ko sa buhay.. Sa kadahilanan na hindi ko sinunod kung ano ang gusto nila... At ano gusto nilang Mag ka Apo bakit hindi sila kumuha sa ampunan o kaya humanap sila na willing bigyan sila ng apo.. Dahil wala silang mapapala sa akin..
He smirked at me.. OMG I'm in trouble.. Hindi parin niya inaalis sa akin ang tingin.. Nakakatakot siya.. Tama siya hindi ko pa siya lubusang kilala at hindi ko alam kong ano ang kaya niyang gawin.
"Fine!yan ba ang gusto mo na makita silang nahihirapan dahil sayo.. Pwes pag bibigyan kita.. Hanggan sa tuluyan kanang pumayag sa gusto ko"at pinaadar niya ulit yung sasakyan. Ibang iba siya sa Triz na nakikiusap sa akin sa likod ng kanilang bahay at Triz na tumulong sa akin na muntik na akong matalisod.. Napaka mistreyoso niya...
Allianna isip ng paraan..kung inaakala niya ay kaya niya akong pag laruan.. Then kaya ko din siya.. Alang alang sa mga mahal ko sa buhay.. I have a plan.
"Sige payag na ako"sapat na para marinig niya.. Hininto niya ulit yung kotse niya..
Tumingin ako sa kanya. Nag liwanag ang mukha niya.. Ibang iba kanina na sobrang nakakatakot ngayon.. Parang ang inosente niya..
Nakangiti siya sa akin.. Pilit din akong ngumiti sa kanya. Bakit kanina sobrang sama ng loob ko sa kanya tapos ngiti niya lang napapawi na agad... Ano ba ang gulo gulo mo Allianna. At bakit sobrang gwapo niya!! Bakit ako kinikilig kanina lang kung ano ano na ang iniisip ko.
"That's good! ........thank-you "gulat akong tumingin sa kanya.. First time ko yata siyang marinig mag thank you lalo na sa akin.
Hindi ko din mapigilan na mangiti pero may pa ngamba parin akong nararamdaman tama ba ang disesyon ko... Hindi naman yata ako masasaktan..
Bigla kong naalala yung Deal niya..
Don't fall to each other.
YOU ARE READING
Dream Twenties
Teen Fiction:) Kwento ng limang dalaga na masusubok ang kanilang pag kakaibigan kung hanggang saan sila mag -kakaisa.. At para mapatunayan nila sa kanilang pamilya na magaling sila na karapatdapat na ipagmalaki...sapamamagitan ng pag tugtug nila mapapa ibig ka...