Chapter 19

7 3 0
                                    

Freann Pov:

Kanina pa namin hinihintay si Allianna. Nag aalala na kami sa kanya. Hindi pa namin ma kontak.
9pm na wala pa naman siyang dalang kotse.

Si Roseanna nauna ng umakyat sa kwarto niya..tumatawag daw kasi si Jun sabi niya I want a privacy.
Kakaalis palang ni Jun kanina dahil hinatid niya si Roseanna. Tapos pag dating mag uusap na naman.. Grabi sobrang adik sa isat isa..

"Kinikilig ako kasi mukang may Closer na kami ni Joshua"kinikilig talagang sabi ni Camaen.

Nag taka naman kami.. Alam namin na madali lang mahulog si Camaen lalo na sa taong nakuha ang kanyang atensyon.

"Bakit naman? "tanong sa kanya ni Miraquel.. Nakinig na lang ako sa kanila.

"Kasi kanina habang gumagawa kami ng research panay ang kwento ni Serena kay Joshua... Di naman siya pinapansin nito.. At nagulat ako ng akbayan niya ako at tinulungan niya ako sa ginagawa ko!!"di niya na yata napigilan ang sarili sa sobrang kilig... Napangiti na lang kaming dalawa ni Miraquel.

"At hanggang matapos yung ginagawa namin hindi niya ako binitawan sa pag kaakbay niya sa akin.. At kami na ang nag kwentuhan na dalawa"napatango tango kami ni Miraquel at nag tawanan..

"Sayo Miraquel anong nangyari? "tanong ni Camaen kay Miraquel. Kung kanina masaya siya ngayon makikita mo sa kanya na malungkot siya..

"Mukang iniiwasan ako ni Deon Jin"may bahid na lungkot na pag kakasabi ni Miraquel.

"Ano susuko ka na lang ba?! "sabi ko sa kanya.

Yumuko naman siya at halatang umiiyak siya dahil naririnig namin ang kanyang hagulhol..

"No, pero anong gagawin ko?, palagi silang mag kasama ni Egan at muka naman masaya siyang kasama ito. "sagot ni Miraquel.

"Wag kang mag papatalo... Nandito kami dadamay sayo! ..at isa pa pamilya tayo.. Hindi tayo mag iiwanan.. Kung ano ang gusto mo gawin mo.. Susupurtahan kanamin.. "sabi ni Camaen.

Umangat ang ulo ni Miraquel at nag group hug kaming tatlo.

"Thank you... " sabi ni Miraquel.

"Sali ako! "sabi naman ni Allianna na kakapasok palang..

Mga ilang minuto bago kami mag hiwalay.. At napag kasunduan namin na matulog na.. At pagod na daw kasi si Allianna.

"Goodnight! "sigaw naming lima dahil naingayan yata si Roseanna at bumaba rin para makisali sa Group hug namin..

Buti na lang hindi na nila ako tinanong kong ano din ang nangyari sa pag punta ko sa Bahay ni Mazze. Aaminin niyang malaki ang bahay nito. At elegant.

Nakahiga na ako ngayon sa kama at umiisip ng magandang plano. At Pinag iisipan ko pa yung mga sinabi ng Magulang ni Mazze.

Flashback

Kasama ko si Sand,Verizon at Wendy..sa isang kotse Sinundo nila ako sa bahay namin. Nauna na yung apat sa akin kasi medyo malayo pa daw kasi yung bahay kung saan nila gagawin ang kanilang research.

Nakarating kami sa bahay nila Mazze na ang ingay ingay.. Kasi nag tapat si Wendy kay Sand at Verizon na gusto niya daw ito pero si Mazze talaga ang pinaka gusto niya. Wala naman pakialam yung dalawa at hindi pinapansin si Wendy..

Nakikinig lang ako.. Katabi ko kaya siya. Nasa backseat kami..Palihim na lang akong ngumingiti. Masyado siyang mayabang.. Aaminin kong may itsura din siya.

Halos nandito na ang mga kasamahan namin. Habang ginagawa namin yung research hindi ko mapigilan na asarin si Mazze kasi nakatingin lang ito saamin at hindi naman tumutulong.. At isa pa paraan ko yun para mapansin ako ni Sand katabi niya kasi ito. Kahit si Mazze ang inaasar ko pero si Sand ang nasaisip ko..

Dream Twenties Where stories live. Discover now