Freann Pov :
Tulala parin ako sa nangyari kanina.. Ako na ang Alone. Yung apat may kanya kanya ng date EH! . pano naman ako. Huhuhu
Humanda kayo mag kwento. Nakakaiyak naman masaya ako para sa kanila dahil alam ko naman na gusto nila ang isat isa. Una si Camaen tapos mga ilang minuto lang pinaalam naman ni Jun si Roseanna.. At ngayon yung dalawang yun. At kailan pa nag karoon si Allianna ng Fiance at si Triz pa. Hayyy!!
Nako!!Ako kaya kailan kaya ako magugustuhan ni Sand. Kaya yun ang pinili kong Kanta dahil lahat ng tao gusto non ang pag mamahal galing sa taong mahal nila ...
Pero para sa akin parang wala akong pag asa.
Hay! Kinuha ko na lang yung gitara ko. Sinabit ko sa likod ko. Ako na naman ang mag sasara nitong music room..Nag lalakad na ako papunta sa parking lot ng makita ko yung SV group at lalo na si Crush yehhh! Nasa unahan siya. Ang dami namang mga babae ang tudo tili. Ng malapit na sila kung nasan ang parking lot. Nag wave ako sa kanila. At ganon din sila.
"Hi Freann "bati sa akin ni Swanky
Tumango naman ako sa kanya. Nakakahiya hindi pa naman ako nakapag ayos..Nginitian ko sila. Ang babait nilang lahat wala kanang hahanapin pa.
"Oh! Bat mag isa ka lang ?"tanong naman sa akin ni Verizon .
"Wala eh may mga date "sagot ko naman sa kanya. At ngayon nasa harapan ko na sila at pumunta na sila sa kotse nila kanya kanya sila ..nasa kaharap din ng kotse ko. Pero hindi pa sila pumasok. Lalo na si Sand!!!!
Yung mga babae naman kanya kanyang tawag ng pangalan at maya maya umalis na rin.
Nakita ko naman si Mazze naalala ko tuloy yung pinag usapan namin ng Mama niya. Sinabi kaya ng Mama niya.
"Eh! Bat ikaw.. wala "tanong naman ni Sand... Siempre ikaw lang naman ang hinihintay ko.. Haha kung kaya ko lang sabihin sa kanya.
Nahiya ako.. Umiling naman ako sa kanya... Awkward. Nako! Buti nalang nakaisip ako ng paraan para hindi na sila tumanong kung saan pa makarating..
Lumapit ako kay Mazze na katabi lang ng Kotse ko nakasandal siya sa kotse niya.
"Hinihintay ko pa kasi siya"sabay turo ko kay Mazze na ngayon gulat na nakatingin sa akin.
"Wohhhhhhh"sabi nilang SV group
Hahahahaha epic fail sarap pag masdan ang mukha ni Mazze.. Alam ko naman na asar siya sa sinabi ko dahil namula siya.. Nako! Wag niyang sabihin na natamaan siya. Baka anong magawa ko hahah ..
"Shut up! "sigaw niya sa akin.
Napaatras naman ako ng kunti. Natakot ako ha!."Let's go guys hayaan na natin sila "sabi ni Sand na umiiling iling pa. Nalungkot naman ako. Bat naman siya aalis wala na tuloy akong inspirasyon.
At ayon nga nag sialisan na sila kami na lang na dalawa ang nandito.
"Yun tuloy nag sialisan na sila"medyo malungkot kong pag kakasabi.. Acting ko lang yun..
"Ano bang pakialam ko! Tabi! "biglang tulak niya sa akin buti na lang na kahawak ako sa kotse kong hindi subsub yung magandang mukha ko sa seminto. Wala talaga tong modo!
"Wag kang mag alala, hindi ko naman sila gagawin Boyfriend.. Dahil yun ang gusto mo diba! "Lumapit ako sa kanya. Ang tangkad niya. Hindi ko na sasabihin kong hanggang saan lang ako.. Iinom ako ng Gloxi mamaya bibili ako.
"Ok, marunong ka naman pala tumupad sa usapan"nakangisi niyang sabi.. Aba! Hindi ako mag papatalo sa binabaeng to!
"Oo naman! Dahil... Ikaw lang naman ang gusto ko"sabay ngiti ko hahahah ang sakit sa panga.
"At sa tingin mo Mag kakagusto ako sa isang tulad mo! "sabay duro niya sa akin. Ouch ang sakit talaga mag salita ng baklang toh!
"Oo naman dahil maganda naman ako at lalo na dahil ....
Mahal kita"seryoso kong sabi.. Para naman mag mukang totoo.
Tama nga ako natigilan siya na papasok na sana sa kotse niya at tumingin sa akin ng seryoso din.. Kinakabahan ako dahil unti unti na siyang lumapit sa akin at ako naka sandal na sa kotse niya...Sunod sunod na lumunok ako. Bakit ganito.. Ang bilis din ng tibok ng puto! Ko.... Puto!
Ang lapit na ng mukha niya sa akin at medyo naduduling na rin ako.Ramdam ko rin na ang init ng mag kabila kong tenga.
"Akala mo hindi ko na rinig ...kong ano ang pinag usapan ninyo ni Mama"Mahina niyang sabi sapat na para marinig ko..
Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko o sasabihin sa kanya..
"Ano?..hindi ka makapag salita dahil... Hindi mo na matutuloy ang plano mo ..dahil Alam ko kung ano ang totoo yun ba yun...Freann"Nakangisi niyang sabi ..first time kung marinig sa kanya ang pangalan ko.. Bat ang sarap pakinggan..
Nako! Freann gumising ka...
Ngumisi naman ako sa kanya akala niya natatakot ako..Dahil matangkad siya. At nakayuko ang mukha niya.. Ginawa ko yun para mag palit kaming pwesto...ngayon siya na ang nakasandal at ako nag corner sa kanya. Sinadal ko yung dalawang kamay ko sa kabilang gilid niya. Wala akong makitang bakas sa mukha niya.. Parang wala lang sa kanya ang ginawa ko. At mukang natutuwa pa. Tumingkad ako at mag katapat na kami ng Mukha ngayon. Mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya... Hahahah medyo namumula siya.
"Hindi ako natatakot.. Natutuwa pa nga ako dahil alam ko na ang gagawin mo.. Pero wag kang mag alala.. Hindi ko gagalawin ang mga Boyfriends mo.. Babaguhin lang kita kaya mag pasalamat ka ha.. "sabay dampi ng labi ko sa Noo niya...
Wahhhhhhh! Hindi ko alam kong bakit ko yun ginawa.. Tama inaasar ko lang siya.
Ngayon gulat na siya.
Nakita ko ang pag lunok niya.. Haha sabi ko na matatamaan Karin.Nag katinginan lang kami... Mga ilang sigundo pa medyo lumayo ako sa kanya at kumuha sa bulsa ko ng Favorite kong krim stick binigay ko yun sa kanya at ako na mismo ang nag lagay sa kamay niya tatlong piraso yun.
"Sayo nayan.. Tatlong piraso para.. I..LOVE.. YOU. ..ingat ka Mahal ko.. *Tsup"sabay kiss sa pisngi niya..
Ngayon hindi na siya makagalaw.. Dali dali akong sumakay sa kotse ko.
Wahhhhhh! Swerte niya dahil siya ang ka una unahang hinalikan ko... At ako pa talaga ang gumawa.. Wahhhhh! Anong mukha ang maihahahrap ko sa kanya..
Masyado ako nadala.. Yahhhhh.. Gwapo din siya.. At mas lalo pa nag padagdag ang katangakaran niya..
Nakaalis ako sa parking pero nakita ko siya na nakatayo parin at hawak yung pisngi niya. At nakatingin sa krim stick ..hmm.. mukang madali lang siyang gawing lalaki.
Assuming naman ako kaya ba siya.
.nag kaganyan dahil nagulat lang siya. O may gusto na sa siya sa akin ..hahahha(A/N:First kiss...download po kayo at patugtugin habang binabasa niyo yung part na to... At feel niyo itong chapter)
YOU ARE READING
Dream Twenties
Teen Fiction:) Kwento ng limang dalaga na masusubok ang kanilang pag kakaibigan kung hanggang saan sila mag -kakaisa.. At para mapatunayan nila sa kanilang pamilya na magaling sila na karapatdapat na ipagmalaki...sapamamagitan ng pag tugtug nila mapapa ibig ka...