Chapter 23

21 4 2
                                    

(Song: 1.Sample 2.Pretty you by SV group
Patugtog po niyo para feel hanggang matapos itong chapter 23:)

Joshua Pov :

Tinitignan ko lang si Camaen habang kumakain.. She's so very beautiful.

Ang ganda niya pag ngumiti....
Sana mapatawad mo ako pag nalaman mo na ang totoong dahilan kung bakit ko to ginagawa sayo..

Kumikilos na siya alam ko kanina na pasimple niya kaming kinukuhanan ng litrato. Alam ko nakakalito...pero malalaman niya din ang totoo.

At yun ang parang ayaw kong mangyari... Ayaw kong mawalay na siya sa akin dahil napapalapit na rin siya sa puso ko. Ayaw ko na nadarating ang panahon na kamumuhian niya ako.

Pero habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Dahil mahal ko na siya.. Nakakatuwa nga ..parang ayaw ko ng gawin ang mga plano namin. At kung hindi ko lang nalaman ang totoo kung bakit namatay si Papa at ang mga dahilan hindi ko to gagawin.. Bakit ba sa kidami daming pamilya ay siya pa talaga at Papa niya pa ang dahilan.

Nakakalungkot isipin na ito na lang ang mag papaligaya sa akin.. Pero mawawala lang naman kaya susulitin ko na habang may oras pa.

Kung maaari na darating ang oras na kailangan ko siyang ipaglaban gagawin ko. Pero hindi ko kaya dahil mahina ako.. Wala akong lakas ng loob.

Lumapit sa table namin yung binayaran kong mag violin..

(Now:playing PRETTY YOU )

Natigilan siya sa pag subo at kita ko ang pag kislap ng mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Can I" sabay lahad ko ng kamay ...ngumiti naman siya. Sabay tayo.

"Sure"pumunta kami sa may space..medyo madilim na din kasi.

Linagay ko yung kamay ko sa bewang niya at siya naman sa balikat ko.. Hindi ako nakuntento sa ayos namin.. Hinigit ko siya para mas lalong mapalapit kami sa isat isa. Nabigla siya sa ginawa ko kaya naman susubukan niya sanang umalis kaso mas hinigpitan ko pa ang pag kakayakap sa kanya.
Buti hindi na siya umangal.

Hindi ko makakalimutan itong pinakamagandang ng yari sa buong buhay ko. Gusto kong umiyak sa mga oras na to pero hindi ko magawa dahil natatakot akong makita niya akong nag kakaganito.

Kahit ngayon lang maranasan ko lang na maging masaya kasama siya.. Ang taong mahal ko.

"Camaen,..can I asked you?"mahinahong sabi ko.

Kinakabahan ako kung ano ang magiging sagot niya. At nasaksaktan ako dahil part ito ng mga plano namin.

"Oo naman "sagot niya naman. Natatakot ako sa gagawin ko.

"Hmm.... Can I ...court ..you "Sapat na para marinig niya.

Kumalas siya sa pag kakayakap sa akin.. Natatakot ako...

Yumuko siya.. Naiintindihan ko naman siya.

"Sige, pag is------------"
"Oo n-naman"hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng mag salita siya. Para namang nabunutan ako ng tinik at parang ako na yata. Ang pinakasang tao dito.. Kahit alam kong plano lang to. Pero  para sa akin totoo to.at hindi ko to gagawin dahil parte to ng mga plano. Ayoko munang isipan kung ano ang dahilan kong bakit ko to ginagawa.

"Yess!!!!  Talaga "hindi ko mapigilan na maging masaya.
Nakangiti namang tumango siya at yinakap ko na siya ng mahigpit.

Gagawin ko ito hindi sa plano kundi para sa akin. Na maranasan ko na may nag mamahal sa akin..

Dream Twenties Where stories live. Discover now