Chapter 40 :

3 2 1
                                    


Mr. Troy Pov :

Alas Kwatro pa lang ng umaga umalis na ako sa bahay ng Dream twenties gusto kong maaga akong makarating sa pupuntahan ko sa mga magulang nila. Hindi nila alam na minamasdan lang namin sila noon pa man.

At kaya umaga palang umalis na ako para makabalik din ako agad. May iniwan naman akong sulat sa kanila sana naman makita nila yun.

***
Hapon na ng makauwi ako..pansin kong may nakatayo sa harap ng bahay.

"Hey...Young Man..why are stunding here? Do you want to come? "sabi ko sa kanya.

Kilala ko siya isa sa SV group.Mukang nagulat naman ito dahil sa pag sulpot ko.

"Ay! S-sir "nakangiti ko siyang tinignan.

"Actually sir..I'm here because I want to talk Roseanna "Paliwanag niya. Tumango naman ako inaya ko siyang pumasok sa loob.

Saan ba pumunta yung limang yun.Ang dilim wala naman akong naalala na may pupuntahan sila.
Syempre ako ang unang nakakaalam kung saan sila pupunta dahil ako ang Manager nila.

"Saan naman kaya pumunta ang mga batang yun..wala bang sinabi sayo kung may pupuntahan?"Nakakapagtaka naman buti na lang may sarili rin akong pinagawang susi kaya madali na lang akong maka pasok.

Kumamot ito sa batok niya.
"Actually sir..i have no idea where they go "
Tumango ako sa kanya. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.. Mag gagabi na pero wala pa sila.

Kinuha ko yung Cellphone ko. Tinatawagan ko si Roseanna pero hindi naman sinasagot.
Inisa-isa ko silang tinawagan pero ni isa sa kanila walang nag abalang sumagot.

"Call your girlfriend "Utos ko kay Jun tutal naman may relasyon sila kita ko naman na namula ito. Mga kabataan nga naman.. alam ko kung ano ang mga pinag gagawa ng mga batang yun.

"Damn...Answer your phone "dinig kong sabi niya.

Hindi na maganda ang pakiramdam ko.

"Let's go I need your friends.. Can you help me?"Tumango naman siya.
Dali-dali kaming lumabas..

I need to see Alex damn pag may nangyari sa Limang yun.. Pag nalaman kong may kinalaman yung matandang yun..

*******

Freann Pov :

Wala na akong ma isip na ibang paraan para makatakas kami. Yung mga sinabi ko kanina hindi yun totoo
hindi  ko kayang gawin yun.

Nandito ako ngayon sa loob ng music room..Malas naman oh.. Nakalimutan ko yung Cellphone ko sa kotse.

Tutal wala naman si Mr. Alex. Tinanggal ko lahat ng nakakabit na wire sa lahat ng instrumento. Napangisi naman ako.
Lumabas ako sa music room nakita kong may tatlong lalaking nakabantay kung nasan sina Allianna at Dalawa naman kung nasan ako.

"San ka naman pupunta! "Nagulat ako dahil sumigaw yung tauhan ni Mr. Alex.
"San ba ang C.R dito?"Tanong ko sa kanila.

Tinuro ng lalaki kung saan ito.Tumango naman ako pero nakasunod parin sila. Humarap ako sa kanila.
"Huwag niyo akong sundan.. Hindi naman ako tatakas "Naiirita ako sino naman ang hindi maiinis kung pati sa CR may nakasunod sayo.

Buti naman mag-isa kung tinungo kung san yung CR.
Ng makita ko na dalidali akong pumasok. Thank God may sirang bintana dito hindi naman kataasan pero kayang makalabas.

Tinanggal ko yung sirang harang madali lang itong maalis dahil kahoy itong rupok na.

Lumabas ako ng may ngisi sa labi.
Pumasok ulit ako sa Music room. Tapos lumabas naman.
"Yung mga wire ng instrumento sira pwede niyo bang ayusin "Sabi ko sa kanila nag taka naman ang mga ito.
"Bago pa lang yan... Baka linoloko mo lang kami. "Nakangising sabi nito.
"Bakit hindi niyo tingnan"Pumasok naman yung dalawa.
Naiwan ako dito sa labas. Tinahak ko naman yung papunta kong nasan sina Roseanna.

Palapit sa akin yung isang armadong lalaki.
"Where do you think your going?! "Nakakatakot ang mukha niya.

"Ah..kasi sira yung mga wire ng instruments kaya mag papatulong sana ako muka kasing hindi marunong yung dalawang yun "Sabay turo ko kung saan yung music room. Na kalalabas pa lang ng dalawang lalaki.

Lumapit ito sa akin tapos kinakaladkad niya ako... No! Hindi pa ako tapos.

"Wait! "Nag pumiglas ako.
Buti naman at tumigil ito.
"Pag ako hindi naka gawang kanta kayo ang sisihin ko! Gusto mo yatang si Mr. Alex ang tumapos sayo "Nakangising kong sabi.. Tama

Tumigil ito at binitawan ako..
"Mauna kana at sasabihan ko pa yung dalawang yun "Sabay turo ko doon sa dalawang kasamahan niya.

Nauna na ito.Hahaha nakakatuwa pala pag ganito feeling ko isa akong detective

Gaya ng na una sinabihan ko rin sila. Ayaw nila pero wala silang magawa dahil may pang blackmail ako sa kanila.

Kaya nakapasok ako.
Kita ko ang gulat sa kanila. Dali dali kong tinggalan ng tali si Roseanna.
"Anong ginagawa mo? "Takang tanong niya.
"E, ano pa ba kalagan mo na rin sila at para mabilis tayo... At isa pa kailangan mong makatakas dito dahil birthday na ni Jun bukas "

Kilagan ko na rin yung iba..pero mukang galit sila sa akin.
"Roseanna bilis! "
Takbo lang kaming takbo kaming lima. Buti naman hindi pa nakakalabas yung mga tauhan ni Mr.Alex .

Nakapasok kami sa loob ng CR.
"Mauna kana Roseanna "Sabi ni Camaen.

Mukang hindi sang-ayon si Roseanna pero tinulak na namin siya.
Kaya nakalabas na siya.
"Ikaw na Miraquel "Dinig na namin na nag kakagulo na sa Labas.

"Faster Miraquel"Nahirapan si Miraquel kasi medyo masikip yung dinaan niya.

"Humingi kayo ng tulong bilisan niyo "nakalabas na si Miraquel.

"Allianna ikaw na "Nasa kalagitnan na si Allianna ng sumigaw si Camaen.

"Go! "kita kong sinabunutan ng lalaki si Camaen.

Dammit!

Dream Twenties Where stories live. Discover now