Chapter 29

8 3 0
                                    


Allianna Pov:

Nandito na kami sa maynila kakauwi palang namin.Nalalapit na rin pala ang Competition kaya mauubos ang oras namin sa pag practice. Ngayon lamang ito mang yayari dito sa University kaya kailangan pag handaan.

At sa lovelife ko naman.. Ayon pag palagi kong kasama si Triz mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Kahit alam ko naman na bawal yon. Pero hindi ko naman matuturuan itong aking puso dahil biktima lang ako ng pag ibig nayan!.

Ito nga si Camean namamaga ang mata dahil hindi pa siya nakaka move on. Parang sinasadya ni Serena na ipakita ang kalandian niya. Panay ang kapit kay Joshua si Joshua naman wala lang sa kanya ang ginagawa ni Serena. Ang laking problema nito.

Nalaman din namin na may kapatid si Joshua at si Ethan ito na siyang may gawa ng lahat ng to. Hindi namin alam kong ano ang gagawin ni Camean pero sa ngayon hahayayaan lang namin siya.

Makatulog na nga...
*Triz calling
Napabalikwas ako ng makita ko kung sino ang tumatawag. Alas 12:00 na at malapit na mag umaga.
Hindi niya naman malalaman kung gising pa ako diba?
Pano kung importante?
Hay bahala na!

Wala naman na may nagsasalita sa kabilang linya.

"Hello..Triz"buntong hininga lang ang naririnig ko.

"C-come h-ere.. I-im c-cold "paos ang boses niya. Hindi kaya pinag titripan ako nito. Mabait naman ako kaya sakyan ko muna ang trip niya hindi pa naman ako dinadalaw ng antok.

"Are you ok Triz? "siyempre nag aalala din ako kahit sapamamagitan nito maiparamdam ko naman sa kanya na gusto ko siya.

Hindi na siya sumagot yun pala naputol na yung tawag.
Pupuntahan ko ba siya..Pano kung kailangan niya talaga ako. Aishh!

Nandito na ako sa Village nila ang hirap makahanap ng sasakyan papunta sa kanila.

Wala man lang na ilaw sa kanila nakakatakot.. Doorbell ako ng doorbell pero walang nagbubukas.

No choice kaya pumasok na lang ako buti na lang pag bukas ko automatic nag bubukas yung ilaw.
Wala man lang na katulong.. Sabagay 1:00 am na.

Nakapunta na ako sa lahat ng kwartong makita ko dito sa baba ng bahay nila pero wala akong makita. Kaya napag desisyonan ko pumunta sa taas. May nakita akong kwartong may nakasulat na  don't touch the door knob!
Wala na akong pakialam ito na siguro yun.

Nakita ko siya na balot na balot ng kumot ang lakas kaya ng air-con niya.

"Triz "yinuyogyug ko siya.. Ang init niya. Ungol lang ang narinig ko sa kanya. Ang taas ng lagnat niya..

"Triz.. Ang taas ng lagnat mo uminom ka na ba ng gamot? "Nag aalalang tanong ko.

"W-water "
Dali dali ko naman na kinuha yung bottle na may laman na tubig.
Umupo siya kahit alam kong nahihirapan na siya. Dahan dahan niyang ininom yung tubig pero nakaalalay parin ako sa kanya.

Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko ng hawakan niya ang kamay ko.

"Y-you c-came "paos parin siya. Ang pungay ng mga mata niya. Ang sarap pag masdan ang mukha niya..

Tumango lang ako sa kanya.pinatay ko yung Aircone kasi ang lamig. Naghanap rin ako ng towel para punasan siya. Ang ganda ng kwarto niya ang laki. Pati yung CR niya ang linis.

Pinupunasan ko siya pero hindi ko maiwasan na mailang kasi nakatingin lang siya sa akin.

"Nasan na pala yung mga katulong mo pati sila Tita? Bakit hindi sila ang tinawag mo? "tanong ko sa kanya pero nakatuon parin ang pansin ko sa pag pupunas sa kanya.

Dream Twenties Where stories live. Discover now