CHAPTER 2

149 13 0
                                    

CHAPTER 2

NATH'S POV

Hi! Yes! I'm Nath.....
NATHANIEL FRANCIS Ferrer   to be exact

At oo kapatid-kapatidan ko si Annie.

-June 13-

Araw na dumating si Annie galing Canada, halos dalawang taon ko syang hindi na kita..

Hindi ko na nasundo si Annie sa airport, birthday kasi ng tito ko at nagkainuman kami...

Nalaman ko na magsisimula na pala ulit syang mag- aral sa Mondrell
Sa 21 at na excite ako dahil makakasama ko na ulit sya...

Madalas kaming magkasama ni Annie.. Simula nung naging kuya nya ako lagi na akong nakatambay sa bahay nila. Kilala na nga din ako ng perents nya at ni ate Leah. Hindi nila ako tinuturing na iba, pamilya din ang tungin nila sa akin kaya pag may family gathering sila sinasama din nila ako. Nung nagpa family picture nga sila kasama na din ako. Taon taon sila nagpapa family picture at nilalagay nila yun sa family room nila.May sarili narin akong kwarto at mga gamit sa bahay nila. Dati kasi sa guest room lang ako natutulog pero sabi ni tito (papa ni ANNIE) ay dun na daw ako matulog sa isang bakante kwarto at gawin ko nang akin. Mas malaki ang kwartong yun kesa guest room.

Mag-isa nalang ako sa buhay. Namatay ang Mommy ko at si Daddy naman ay may ibang pamilya na. Ang mga kapatid ko ay nasa ama ko. Pinatira nya ako sa bahay nya kasama ang pamilya nya pero di ko masikmura na turimira dun para sakin kasi ang ama ko at ang bago nyang asawa ang dahilan kaya namatay si mommy.. Dati kasi nahuli ni mommy na sobrang laki ng kita ng kompanya pero wala pa sa kalahati nito ang pumapasok sa amin kaya pinaimbistigahan ni Mommy si Daddy at dun namin nalaman na bago pa pala ikasal si Mommy at Daddy ay may iba nang babae si Daddy..

Lampas kalahati ng kinikita ng kompanya ang binibigay sa kanila ni Daddy at ang tira ay sa amin. Kaya mas malaki ang nakukuha nila kasa sa amin.

Nalaman din namin na hindi pala ako ang pinakamatanda o ang panganay na anak ni Daddy dahil may anak sya sa babae nya na mas matanda sa akin.. May ate pala ako......

Itinigil ni Mommy ang pagiimbistiga sa Daddy ko at sa isa pa nyang pamilya dahil di nya na kinaya pa. Pero hindi ako nakuntento kaya ipinagpatuloy ko ng hindi nya alam.

Sa pagiimbistigasyon ko, nalaman ko na nauna pala yung babae nya kesa kay mommy pero hindi sila kasal dahil mas pinili ni Daddy na pakasalan si Mommy kesa sa babae nya.

Namatay si Mommy dahil di nya kinaya. Halos di na sya kumakain. Hindi sya lumalabas ng kwarto. Hanggang nagkasakit sya, nanghina, at namatay....

Ilang taon na ang nakakaraan simula ng mamatay sya pero di ko parin mapatawad si daddy.

Pinatira nya ako sa bahay nila ng bago nyang asawa at kinulong nila ako sa kwarto ko.

Pag nasa school ako lagi akong nangbubully at nagbubulakbol..

Ginagawa ko yun para mapuno sakin si daddy at palayasin nya ako sa bahay nila. At hindi naman ako nag kamali napuno sya sakin at pinalayas ako..

Kung tutuusin madali lang tumakas kay Daddy pero lagi kasing may nakabantay sakin na body guards..

Simula ng palayasin ako ni daddy.. Don na ako tumutuloy sa bahay nina Annie..

Painful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon