Lloydy's Pov.
Maaga pa ang gabi pero nakahiga na ako sa aking kama..
Nagiisip habang nakatulala sa kisame..
Pinapakiramdaman ang sarili..
Pinapakiramdaman kung naiiyak ba ako.
Kung nasasaktan ba ako.
Nanghihinayang ba ako.
Naguguluhan ako.. iba ang sinasabi ng isip at utak ko.
Oo alam kong nasasaktan ako pero bakit kinakaya ko? Samatalang dati konting tampuhan lang namin ni Liyanne hindi na ako makatulog..
Akala ko sa sarili ko na pagnagkahiwalay kami mababaliw ako..
Pero bakit hanggang ngayon ay nasa tamang pagiisip parin ako?..
Anong nagbago?
Habang nasa bus kami kanina dinaramdam ko ang pakikipaghiwalay sa akin ni Liyanne.
Pero natigil iyon ng pakantahin ako ni JB..Ayaw ko sanang tanggapin, hindi dahil sa hindi ako marunong kumanta pero dahil wala ako sa tamang wisyo...
Pero lumapit sa akin si JB at sinabing ilabas ang lahat sa pag kanta.. ipakita ko daw ang tunay kong nararamdaman ng gumaan ang aking loob..
Siguro tama nga si JB...
Matapos ang isang awit ay gumaan nga ang aking loob pero ang sakit ay nanatili sa aking puso..
Hindi ko masyadong natutukan ang pagkanta nina Annie at Nath sa unahan.. basta ang alam ko ang ganda ng boses nya..
Ang galing nyang kumanta..
Hanggang sa makarating kami sa school ay tulala parin ako..
Hindi ko na nga namalayan ang sarili nakarating na pala sa bahay..
Hindi ko namalayan na nagmaneho pala ako..
Buti nalamang at nakarating ako ng ligtas at maayos..
Paikot ikot na ako ngayon sa aking kama ngunit hindi parin ako makatulog.
nang sulyapan ko ang orasan ay alas otso trenta palamang..
"Hello"
bungad na sagot sa akin ni JB ng tawagan ko siya..
"Pre? Tulog ka na? Ang aga palang ahh"
tanong ko..mababasa kasi sa kanya boses ang pagkagambala sa kanyang pagtulog
"Oo pre ehh.. pagod ako sa byahe natin eh bakit ba?"
"Wala yayain sana kita. Isang bote lang. Pampatulog"
"Nako pasensya na Lloyd nandito sina Ermats.. di ako papayagan.. umiwi din kasi sina tita.. nandito mga pinsan ko." Nagpapaumanhin na sambit nya sa akin.
"Ahh ganun ba? Sige okay lang"
Binaba ko na ang tawag at pilit na pinikit ang aking mga mata..
Naghihintay dalawin ng antok.
Pero kahit anong gawin ko. Di talaga ako makatulog..
Ilang beses ko nang nabilang ang mga tupa pero .. anak ng tupa.. wala man lang akong nararamdaman na kahit na anong bahid ng antok..
Kaya hindi na ako nag dalawang isip pa na tumayo at magbihis..
Bumaba na ako sa bahay at tahimik na pinaandar ang aking kotse papunta sa pinakamalapit na 7/11 ..
BINABASA MO ANG
Painful Love
RomanceThey said love is the most powerful but It can also destroy you. Being in a relationship can make you feel so happy and alive but what If you are the only one who is happy? There have many types of love and ONE-SIDED-LOVE is the most painful of all...