Chapter 16

73 7 2
                                    

Chapter 16

Nath's  Pov

"Good Evening everyone..Thank You for being with us tonight~"

Kasalukuyang nasa harapan ng lahat ang Daddy at Mommy ni Annie upang pormal na ianunsyo ang dahilan ng party

Hindi parin mawala ang mga narinig ko kagabi?.

Bakit ba nangyayare ang ganito?

Talo na naman ako.

Talo na naman ba ako?

Ilalaban ko ba kung alam ko sa sarili kong, wala pa man ay, wala  na akong pagasa?

Ilang taon ko nang kinikimkim ang ang nararamdaman ko pero hanggang ngayon olats parin ako!.

Napapagod na ako pero ayaw sumuko ng puso ko.

Natatakot ako na baka sabihin ng mga tao na ang pangit ng sitwasyon kase kapatid yung turingan namin ni Annie, pero higit pa pala dun ang hinahangad ko.

Siguro kaylangan ko nang sabihin kay Annie ...

Kung di nya matanggap edi okay. Wala na akong magagawa dun.

Ang mahalaga masabi ko..

"Kuya okay ka lang? Kanina ka pa tulala" natigil ako sa pag iisip ng biglang magsalita si Annie sa tabi ko.

"Ahmm A-Annie. Alam kong hindi ito ang t-tamang panahon para sabihin to." nakita kong kumunot ang mga noo nya at mas sumeryosong tumingin sa akin

'fuck! Kinakabahan ako!'

"Annie pangit man pakinggan. Hindi mo man tanggapin, okay lang. P-Pero matagal ko na itong kinikimkin..."

Kung nakakunot na ang noo nya kanina ay mas lalo pang kumunot ngayon.

'Fuck! Fuck! Fuck'

"A-Annie I L~"

"Mr and Mrs. Montez  the owner of Montez Construction Company with their heir Lloydy Montez."

natigil ako sa sinasabi ko ng biglang lumingon si Annie sa unahan ng marinig ang ipangalan ni Lloydy, na para bang nawala sa isip nya na kinakausap ko sya..

'sa ganitong sitwasyon palang talo na ako, ano pang ilalaban ko?'.

Nasaktan man ay nagulat din akong tumingin sa harap.

Si Lloydy?

Pamilya nila?

Hindi ako makapaniwalang pag mamay-ari at tagapagmana si Lloydy ng pinaka sikat at successful na construction firm sa bansa.

Akala ko ay isa lamang ang mga ito sa mga business partner ng pamilya nina Annie ngunit hindi ko inasahan na ganto sila ka successful at ka espesyal.

'bakit pa pamilya ni Lloydy ang kinuha? Alam naman nina tita at tito na ito ang nanakit sa anak nila.'..

Malakas na palakpakan ang narinig ko mula sa ibang taong naririto.

Nagulat ko nilingon si Annie at base sa kanyang reaksyon, ay hindi rin nya ito alam..

Titig na titig sya sa pamilya na pakyat na ngayon sa isang maliit na entablado.

Hindi ko na maintindihan ang sinasabi sa harapan ko.. hindi na ako nag abala na itaas ang wine glass na hawak ko ng mag cheers ang lahat.

Painful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon