CHAPTER 21

62 3 5
                                    

ANNIE'S POV

"CONGRATULATIONS BABE!" sinalubong ko agad sya ng mahigpit na yakap pagkatapos ng ceremony nila.

today is a very special day because finally gradute na sya ng senior high, five years nalang makakamit nya na ang dream nya.

'Engineer Lloydy Montez'

ansarap banggitin at pakinggan.

"thank you Babe"

"I'm so proud of you"

"Babe tyaka ka na maging proud sa akin pag Engineer na ako" natatawa pang sabi nya habang nakayakap parin ako sa kanya.

"Thank you for coming" bati ni Lloyd sa tabi ko pag katapos ng graduation party na hinanda ng mama nya para sa kanya.


Ang daming taong dumating, ang iba ay kabarkada din ni Lloyd, ka business partner ng nga magulang nya sa kumpanya at mga family friends nila.

'Ganto din kaya kadami ang tao sa party ni kuya?'

Nag pagpahanda din kase ng party sina mommy para kay kuya, hindi na ako nakapunta kase may party din si Lloyd. Di ko alam kung sino o ano ang uunahin ko.

Tuwang tuwa kase si Mommy ngayong graduation ni kuya, ewan ko kung bakit . Wala namang nagiging problema si kuya sa school kaya alam kong gra graduate sya.

"Tara sa taas babe" sambit nya sa akin pagkatapos kamustahin ang kanyang mga bisita.

"Ha? Anong gagawin natin dun?" Pag pro protesta ko pa pero wala na akong nagawa nung hilahin ni lloyd ang kamay ko.

"Where's my gift?" He asked when we entered his room.

Kanina ko pa binibigay sa kanya ang gift ko pero hindi nya tinanggap kase ang daming bisita, gusto nya daw moment lang namin pag binigay ko, so lame.

"Hindi ko alam kung magugustuhan mo?" Alanganing sabi ko pa habang nilalabas ang maliit na box.

Kinakabahan ako ng dahan dahan nyang tanggalin ang red ribbon sa unahan ng box, it's just simple watch AGAIN, but sa halip na mga numbers ay math symbols at equations ang nakalay, naka engraved din ang "Engineer Montez" sa gitna. Litaw na litaw ang kanyang profession at pangalan dahil gold ang pag kakaukit niyon. Pina personalized ko pa iyon.

"Wow I thought I already have the most beautiful watch but I am wrong. Ang ganda nito babe. Sobra"

Hindi nita inalis sa paningin ang relo. Kahit wala pa sa kalahati ang presyo niyon sa pinaka mahal na relong meron sya ay kita ko ang saya at pag hanga doon.

Niyapos ko sya, wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na makita ko syang masaya.

" I want you to treasure that, Gusto kong yan ang relong susuotin mo pag natupad mo na ang pangarap mo. Gusto kong yan ang suot mong relo pag tinatawag ka na ng lahat ng engineer. Gusto ko suot mo parin yan kahit wala ako sa tabi mo."

"I will babe. I promise, Thank you so much for supporting me and my dream as always." And he kissed me in my forehead.

Umalis ako sa pag kakayakap at hinarap sya nang nakahingiti..

"Promise?"

Instead of answering he sealed his promise with a kiss.

A long passionate kiss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Painful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon