CHAPTER 17
Annie's Pov
"Annie! Pinabibigay nung pinsan ni Lloydy".
Kasalukuyan kong tinatapos ang activity sa last subject namin ngayong umaga ng ibigay sa akin ni Angela ang isang paper bag na may lamang lunch box.
Panigurado na galing na naman ito kay Lloydy.
Pag kauwi namin ng Davao ay lagi na akong sinasamahan ni Lloydy. Sinusundo nya ako sa room tuwing lunch break tapos sasabay sya sa aming kumain .
Pero minsan ay busy sya at hindi nagkakasabay ang schedule namin dahil siya ay nasa senior high na . Pero kahit ganon hindi nya ako pinapabayaan.
Pinapadalhan nya ako ng lunch sa pinsan nya na nasa lower year na kasabay ko ang schedule.
Madalas nya din akong ihatid at sunduin..
Hindi ko alam kung ganito lang ba talaga sya maging kaibigan, o ano.
Sa tuwing tinatanong ngaa ako nina Angela kung ano ba daw talaga ang status namin ay hindi sila maniwalang mag kaibigan lang kami.
Kahit ako ay naguguluhan na din. Wala naman syang sinasabi tungkol sa aming dalawa. Hindi ko rin magawang magtanong kase natatakot ako.. baka mapahiya lamang ako..
Napaka hirap kumilos.
'Ano ba talagang tingin nya sa akin?'.
Ayaw kong mag assume pero dahil sa ginagawa nya napakahirap na hindi mag isip ng iba ........
Nang buksan ko ang lunch box ay kumpleto iyon. May kanin, syempre ulam, may fruits at vegetables din.
May nakahiwalay na isang maliit na container para sa dessert
Napangiti ako ng makitang may C2 at tubig din sa loob ng paper bag.
Alam nya na talaga ang mga paborito ko..
Mas nakikilala na namin ang isa't isa. Lagi kaming nag kwekwentuhan tungkol sa mga naging buhay namin, kasama na dun ang gusto at inaayawan namin.
'ngunit may isang bagay pa syang hindi alam sa akin, at ayaw ko yun sabihin.'
'Hindi na namam nya siguro kaylangan malaman.. tsk.'
Natigilan ako ng bukod sa mga pagkain at inumin ay may nakita akong card na kasama sa loob ng paper bag.
Ng tingnan ko yun ay mas lalo akong napangiti.
Sa unahan ay naron ang pangalan ko na sobrang ganda ng pagkakasulat.
'para sa akin ay ang sulat nya ang pinakamaganda... Talagang nag aral syang magsulat ng maganda para daw sa pangarap nyang maging engineer.'
Nang buksan ko ang card ay sumalubong ang napaka bangong halimuyak sa akin. Galing iyon sa papel na aking hawak ngayon.
Annie,
Hi!
Sorry hindi na ako nakasabay sayo mag lunch, may tatapusin kasi akong project para sa week na to.
By the way, I hope you enjoy the food! Pinaluto ko pa talaga yan kay Mommy para sayo, Alam mo namang wala akong talent sa pagluluto.
Hindi na rin pala kita maiihatid sa inyo mamaya.. Sorry talaga,
Pero bilang pagbawi, Later! 7:00 susunduin kita sa inyo!.
Don't worry, naipagpaalam na kita sa parents mo!.
BINABASA MO ANG
Painful Love
RomanceThey said love is the most powerful but It can also destroy you. Being in a relationship can make you feel so happy and alive but what If you are the only one who is happy? There have many types of love and ONE-SIDED-LOVE is the most painful of all...