CHAPTER 6
LLOYDY MONTEZ POV
Kaba. Kaba ang naramdaman ko ng tumunghay sya. Kilala ko sya at hindi ako pwedeng magkamali pero bakit? Bakit pa sya bumalik.
Gulat. Gulat na Gulat ako ng makita ang sakit at galit sa mga mata nya..
'Pasensya na Annie. Di ko agad naisip na masyado kang nasaktan. Patawad.'
Hindi agad ako nakagalaw ng makita ang mukha nya.
Sya ba? Sya ba yung babaeng kasama ni Nath at pinakilala nyang girlfriend?
Tama nga si JB. Kamukha nya nga si Annie... Pero Anak ng tinola, hindi nya kamukha, sya talaga. Si Annie talaga sya.
Ang laki ng pinag bago nya. Ang ganda nya naa. SOBRA
How come na ang dating tinatawag at nilalait ko na taba ay ang sexy na at ang ganda na ng hubog ng katawan?
Anak ng Tinola . Hindi ako manyakk. Kitang kita lang kasi....... hindi pa sya naka uniform. Tapos naka suot sya ng medyo fited shirt na parang pa crop top ang style at high waist na maong pants. Sigurado ako na pag tinaas nya ang kamay nya ay makikita na ang tyan nya.
Damn!
Pero bakit? Ang alam ko ay nasa canada ka na at dun mag aaral? Akala ko ay hindi ka muna babalik dito sa pinas?
"I'm Annie Denia., How are you MASTER?"
Nang marinig ko ang boses nya lalo akong namangha. Ang laki ng pinagbago nya. Di lang pisikal.
May diin Sa bawat pagbigkas nya ng mga salita. Mahahalata mong may galit sya. Lalo na sa salitang Master.
'Salita mo palang halatang kaya mong lumaban.. Nag bago ka nga. Di ka na tulad ng dati na sinasaktan ka na binabale wala mo pa. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo. Pasensya na. '
Yan ang mga salitang gusto kong sabihin, ngunit parang biglang nawala ang lakas ko. Biglang nangatog ang tuhod ko.
Anong nangyayari sakin? Di naman ako ganto dati tuwing nakikita ko sya. Ako panga ang nangaaway sa kanya at sya ang natatakot sakin.
Bat parang biglang nagbaliktad. Bat parang nagbago ang ikot ng mundo?
Shit.
"A-aahh Welcome B-back Miss D-Denia."
Shit talaga.
Bat nautal Lloyd ha? Bat nautal?
LINTEK NAMAN OHHH
Hindi ko alam ang sasabihin. Halata ang pag ka kaba sa boses ko kita ko na rin ang pagbubulungan ng mga scouts sa paligid namin.
Siguro ay dahil alam na ako ang bully at sya ang target ko..DATI
"So anong parusa ang matatanggap ko ha? MASTER."
Halos malaglag ang panga ko sa sobrang gulat..
Halos mawalan na ng galang ang pagkakasabi nya...
BINABASA MO ANG
Painful Love
RomanceThey said love is the most powerful but It can also destroy you. Being in a relationship can make you feel so happy and alive but what If you are the only one who is happy? There have many types of love and ONE-SIDED-LOVE is the most painful of all...