All my life, I have only ever loved Polo. It's always Paulito Gomez and Stefania Buenavidez Go. We are the perfect couple in the eyes of everybody around us. We have always been together. We have memorized each other so much and we loved each other so much. Or so I thought.He cheated on me and I was furious. I was mad. I can't tolerate cheating.
I admit, I still somehow feel that we could have work this out. I admit that I was being indecisive when I broke up with him. And that I was wrong when I chose to cheat behind his back in hopes to have my revenge.
Kadalasan, ang babae ang nahihirapang sumuko sa isang relasyon. Madalas, ang mga babae ang gumagawa ng paraan para mapanatili ang relasyon na mayroon sila. Pero iba ako, isang beses ko lang kayang subukan. Isang beses ko lang kayang lumaban at ilaban ito. I am not a martyr. If you hurt me, I won't hesitate to leave you.
Yakap yakap ko ang aking sarili. Sa aking tabi ay si Groian na mahimbing na mahimbing ang tulog. Ang isang hita niya ay nakapatong sa akin.
Nangi-ngiti ko siyang pinagmasdan. His hair is disheveled. Ang mga mata ay mas nadedepina ng katamtamang kapal ng kilay at ang mahabang pilikmata. I lifted my hand to traced his perfectly pointed nose down to his lips. Then I traced his sharp jaw, his five o' clock shadow looks fine. It suits him really well.
When I met him years ago, I never thought I'll be able to acquire this kind of connection with him. I never felt that I will like him this way. I never really thought that I would share a part of me with him. It is not in my plan and I'm sure he never planned any of this either.
Kinabukasan ay mas naunang nagising si Groian. Pagbaba ko ay agad niya akong sinalubong. Naghahanda siya ng almusal. Lumapit ako sa kanya at bahagyang ngumiti.
"Good morning,"
Tumango siya at ngumiti. "Good morning."
"Kumain muna tayo ng almusal bago tayo mag swimming sa dagat." Dagdag niya. Inaayos ang mga tinapay.
"Hindi pa ba tayo uuwi? I have problems in Manila that I need to solve, Groian." I said. Umupo ako sa hapagkainan. Ganoon rin ang ginawa niya at ngumiti sa akin.
"Baby, problems are just problems when you think about it. Pag hindi mo inisip, hindi siya problema. Simple." He shrugged.
Sinandukan niya ako ng pagkain at pinagsalin ng tubig. Pinanood ko siya habang ginagawa iyon.
"Let's just stay here please. Kahit isang araw na lang..."
I sighed. "Sige. Isang araw na lang ha." I said.
Iyon nga ang nangyari, matapos kumain ay naligo kami sa dagat. Nagrenta rin siya ng cottage para roon na kami nagpaluto ng lunch.
As usual, pinagpipiyestahan na naman siya ng tingin ng iba't-ibang tao roon. May it be foreigners, locals and even fishermen!
Naiiling kong nilagpasan ang grupo ng mga kabataan na hayagang nagpapahayag ng interes kay Groian. Our cottage is near them so it's easy for them to get a sight of Groian.
Sinipat ko ang malawak na karagatan. Ang mga alon ay marahang niyayakap ang dalampasigan na tila ba mawawalay ito sa kanya pero ang totoo, siya naman talaga ang lumilisan.
Minsan, kung sino pa ang takot na maiwan sila pa ang lumilisan.
Lost with my thoughts, I hugged myself. It was nice to indulge the picturesque horizon and the wide coastal area. I feel free and safe.
Lumapit si Groian sa akin.
Nakadisplay ang abs niya. Ang morenong balat ay masyadong nakalahad sa masa kaya pinagpipiyestahan siya ng mga tao. Magulo ang buhok niya at ang mga mata ay mas lalong napapatingkad ng araw. Napasulyap ako sa paligid, talagang hindi magsasawa ang mga taong ito na tignan siya kung ganito siya kasarap!

BINABASA MO ANG
Strings Attached (Good Kiss Series #2)
RomanceStefania Go's life is ruined by her father's illicit affairs and her mother's tragic death. Nasaktan siya at mayroong kailangang magbayad. Maniningil siya. Mahal. She doesn't care if she has to play around Groian Astallo and pull some strings to mak...