Pinanood ko ang marahang paglipas ng oras sa aking harapan. Malalim na ang gabi. Tahimik ang paligid at nakakarinig din ako ng mga kuliglig mula sa aking bakuran.
Inayos ko ang upo sa aking teresa at tinignan ang mga halaman ko. Ilang taon na rin na nakikinig sila sa mga hinaing ko sa buhay.
Buong gabi akong nakahiga at nakatunganga sa pag-iisip. Hindi ko namalayan na madaling araw na at dilat na dilat pa rin ako.
Pinag-iisipan kong maigi ang mga dapat gawin. I know that I don't want to meddle with Groian's life anymore but we need closure. I need closure.
Tama. Closure lang talaga. Dahil ang umasang magkakabalikan kami ay malabo na. Siguro kapag nagkaroon kami ng closure, magiging maayos na ako at makakausad?
Sa kakaisip ko, nakatulog din ako. Tinanghali nga lang ako ng gising. Mag a-alas dos na ng hapon ako nagising. Ramdam ko na ang gutom at sigurado akong walang breakfast na nakahanda. Sa labas na lang siguro ako kakain.
"Perch, papunta na ako sa opisina. What's my schedule for today?"
"Good afternoon, Miss Ania! Just your usual rounds around the departments. Alas sais ay may meeting ka with the Marketing department regarding sa Sales Administration."
"We also have to attend the event in Makati."
"Okay, papunta na ako."
"Miss Ania, may mga bagong proposals din mula sa Production department. Kapapasok lang din ng proposals ng Marketing, Engineering and IT department."
"Okay. Paki-ayos lahat. Titignan ko mamaya." I ended the call and immediately drove off to my company.
Wearing an emerald green slinky ruched dress with a one shoulder style, black white Jimmy Choo, gold accessories from Dior and a Louis Vuitton hand bag, I strutted the big hallway of my company.
As usual, everyone greeted with respect. Nakasalubong ko pa ang iilang department head na may meeting ata ngayon. I was informed the other day but I told them I will not join the meeting. Kinailangan ko kasing mag approve ng mga proposals ngayon. Plus, I need to attend an event that we will host. Sa Makati iyon at mamayang alas otso pa naman ng gabi. Ang sabi ni Perch may meeting ako ng ala sais sa Marketing dept. sila lang ang matutunghayan ko ng atensyon ngayon.
"Good Morning, Miss Stefania." Malaking ngiti ang ginawad sa akin ni Perch.
Umupo ako sa aking swivel chair at nginitian rin siya pabalik.
She gave me a knowing look and giggled. "Si Sir Groian ba talaga ang bago nating investor?"
"Oo, Perch." Sagot ko.
Inabala ko ang sarili sa pagtingin ng mga emails at iilang papel na nasa lamesa ko.
"Ay, wala pa diyan ang proposals. Pinapahanda ko pa kina Ms. Montes, Miss. Pinacheck ko rin kasi sa kanila. Like the usual."
"Sige. Ito munang email ang aasikasuhin ko."
"So, Miss...Paano na ang investment ni Sir Groian?" She asked. This time, she sat down on the chair in front of me.
"Naririnig ko sa Finance Department na inutusan mo silang mag-open ng panibagong account?" She continued.
I sighed. "Perch, I need the proposals. Now."
Tumango-tango siya at mabilis na tumayo. "Kukunin ko lang ang mga proposals, Miss." She bowed and left.
I was actually relieved that she left. Ayokong kinukulit niya ako tungkol sa naging investment ni Groian sa kompanya. Ayokong isipin ng mga tao na mayroon na naman kaming higit na ugnayan. As much as possible, I don't want to stir up unwanted attention from anyone when it comes to Groian.
BINABASA MO ANG
Strings Attached (Good Kiss Series #2)
Storie d'amoreStefania Go's life is ruined by her father's illicit affairs and her mother's tragic death. Nasaktan siya at mayroong kailangang magbayad. Maniningil siya. Mahal. She doesn't care if she has to play around Groian Astallo and pull some strings to mak...