Chapter Twenty

4.1K 107 18
                                    

Sa lahat ng nalaman ko, kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Maigi na lang at naglakas loob ako na harapin si Groian.

Ang hirap din kasi kapag kikimkimin ko nang matagal na panahon ito, ako lang ang mahihirapan sa huli at magdurusa.

However, when I told Tita Alla about it she was disgusted and disappointed. She thinks that no one is ever worthy of our forgiveness. She's still full of contempt and any remark from her is exceptionally scornful.

"Pagsisisihan mo rin 'yan, Stefania. Paano kung sinasabi niya lang ang lahat ng 'yan para makuha ang loob mo?" She spat, bitterness came out from her mouth like a ricochet.

I crossed my arms and sighed. "Tita, I know he's telling the truth-"

"Ay de puta! Dios mio, Stefania! May lie detector ba 'yang mata at puso mo?"

"Wala naman, Tita. But I can see it in his eyes. Eyes never lie, right?"

Umirap siya at tumikhim. Desidido pa rin na may masamang plano si Groian kaya binalaan akong maigi sa pagpapatakbo ng kompanya.

I am completely hands-on with the café. Sa kompanya naman, focus din ako pero malaking tulong din sa akin si Perch. Maingat ang analysis ko sa lahat ng bagay sa kompanya at magaling magtrabaho si Perch.

"Groian loves me for sure."

"George loves me so much too."

"Noon 'yon, Tita. It's over between you two." I said.

"I just don't want you to go through the pain I experienced..."

"Magkaiba si Tito George at si Groian."

"Galing sa itlog ni George si Groian-"

"Tita!" Awat ko.

"Sorry not sorry." Aniya at binuga ang usok ng kanyang Esse.

I understand her. Kagaya ng galit ko sa mag-inang Lumina at Lilia, alam ko kung gaano kalalim ang galit niya para sa mga Astallo.

What happened in the past created a rancor between our families but that won't stop me nor Groian from loving each other.

Isa pa, where not in the 16th century anymore. People are free to choose who and what to love.

September came.

Mayroong party na gaganapin sa bahay ni Chino para kay Lucas. Medyo umayos ang pakikitungo ko kay Marsha simula noong naging sila ni Lucas.

Maganda rin ang ideya niya tungkol sa regalo namin para kay Lucas. Effort ito. Hindi lang basta pinagkagastusan.

Nang matapos ang party ay dumiretso ako ng tulog sa guest room. Kasama ko si Aya at Marsha samantalang ang mga lalaki ay manonood pa ata ng boxing match.

Abala ako sa pag b-browse sa cellphone nang nagpakita ang profile ni Groian sa messenger. Tinatawagan niya ako.

Mabilis akong napangiti at saglit na pinagmasdan ang kanyang profile.

Sa profile niya ay nakatingin siyang maigi sa camera, nakasuot siya ng Hawaiian shirt at kita ang matipuno at morenong dibdib. Wala itong kabuhok-buhok. Sa likod niya ay ang mga yate na pagmamay-ari niya.

Damn! He looks so good. Pero walang hustiya dahil mas gwapo siya sa personal.

I accepted his call.

Kaagad kong nakita na nakahiga na siya sa kama. Magulo ang buhok, mapupungay ang mga mata at mamula-mula ang mga labi. He's also topless and from my view, I can see his upper chest and broad shoulders.

Strings Attached (Good Kiss Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon