Chapter Sixteen

4.4K 130 52
                                    

"Happy birthday, Lucas." Niyakap ko ang kaibigan at bahagyang ginulo ang buhok niya. Humalakhak sina Aya sa likod at dinumog din kami ng yakap.

"Masikip," I uttered but it was swallowed by their voices.

"Kumpleto na ulit tayo!" Tawa ni Philip.

"Si Ania kasi, nasa Batangas lang pala all along! I should have known." Ani Aya at sinipat ako. Ang kulot niyang buhok ay inayos niya sa pagkakatali at kiniliti naman siya ni Chino, dahilan para magsimula na naman ang maingay nilang harutan.

Ngayon lang ako bumalik ng Maynila. Sinakto ko na sa birthday ni Lucas. Ako naman ang sagot sa cake kaya mabilis nilang pinalagpas na hindi ako sumama sa pag prepare ng surprise party.

Groian left Batangas last week but he came back this morning because he knew that I'm going back in Manila. He checked on me and he left with me.

At kanina lang, hinatid niya nga ako rito.

Kami lang ata ang mag ex na magkaibigan pa rin.

"Ang importante, bumalik siya." Ani Polo. Saglit kaming nagkatitigan at tumikhim ako.

"Oh! Tara, inom na." Sabi ni Lucas at tinignan ang mga nakahandang shot sa lamesa.

Tumango ako para hindi na masyadong tuksuhin nina Aya which I doubt she will because she's busy flirting with Chino.

"Tama na 'yan," Tikhim ni Yerz.

Natatawa akong tumabi sa kanya at tumulong kay Philip na ihanda ang Jose Cuervo.

"Let the party started!" Sigaw ni Aya at binuhay na ang musika sa buong silid. Tumawa ako at dinamayan siyang sumayaw sa tugtugin.

Kumuha ako ng shots at binigay 'yon kay Lucas at sinayawan siya. Sumayaw siya pabalik sa akin at kalaunan ay sobrang gulo na ng buong silid.

Sigaw nang sigaw si Aya, nakaaalalay naman sa kanya si Chino at Yerz. Tumili ako nang matapos ang iilang shots sa aking dibdib.

"Here," Inabot ni Polo ang panyo niya. Umiling ako at tatangi na sana nang kinuha niya ang kamay ko at nilagay iyon. Wala akong nagawa kundi punasan ang alak na natapon sa aking dibdib.

After drinking wildly and not responsibly, I ended up vomiting. Parang ginawa kasi naming tubig ang alak. Ang ending, mura nang mura si Yerz pero nagtawag ng maglilinis sa loob.

I passed out after that and dreamt of Groian.

Nagising ako nang madaling araw na wala na ang tama ko pero may bago namang tumama sa aking puso at isipan. Lungkot at sakit.

Hindi ko namalayang, umiiyak na rin ako.

I understand Groian but I just can't really bring myself to forgive anyone who have hurt me. At least not now. How many times will I emphasize it?

My heart hurts as I scroll through my cellphone, trying to find Groian's name. My vision is blurry and my head is quite spinning but I can manage to contact him.

Nakailang ring bago niya sinagot iyon. He must be sleeping now?

"Hello," His bedroom voice is like a music to my ears.

"Stefania..." He called out again.

"Call me baby..." I pouted as I tried to stop myself from sobbing. I wiped my tears away and tried to breathe normally.

"Baby..."

I chuckled and let out a sigh. "That's it. Thank you."

"Wait-"

Strings Attached (Good Kiss Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon