"Magandang gabi po, Miss Stefania,""Maupo ka, Denver." Imik ko habang binabasa ang ilang financial reports ng kompanya.
Abala ako sa kompanya pagkauwi namin galing Ecuador, bumisita na rin kami ni Groian sa factory at tinitignan ko na rin ang iilang proposals ng mga magsasaka sa Laguna para kunin silang tagapag-alaga ng mga baka sa farm. Kinausap ko na rin ang DA head para makakuha ang Dairy Pleasures ng kalabaw mula sa mga kilalaa't mapagkakatiwalaan at siyempre iyong subok na.
Ayon kasi sa Research team namin, maaari kaming makagawa ng iba't-ibang variety at sari-saring mga produkto mula sa gatas ng kalabaw at mas in demand ngayon. Nasa trial stage ang mga produkto ngayon at kailangan pa rin paaprubahan para mailagay na sa market.
Nagkaroon din ng malaking pagbabago sa accounting namin dahil nag retire na ang head ng accounting. May kapalit naman kaagad kaya hindi masyadong nahirapan ang mga empleyado.
At ngayon, gusto ko man lang makareceive ng iba pang good news mula kay Denver.
"Noong nasa Ecuador ka,Miss Ania... Madalas silang pumunta at bumisita kay Sir Stephen. Si Lilia naman, nakapasok sa isang community college sa Taguig."
Nanliit ang mga mata ko at nag-angat ng tingin sa kanya. Tumuwid lalo siya ng pagkakaupo at tumango. "Hindi na siya nag momodelo dahil wala nang tumatanggap sa kanya."
"There's also some accounts trying to stain her name."
"What kind of accounts?" I asked, a bit curious and glad.
Biruin mo nga naman, may kampon din pala ako ng kadiliman sa internet.
"Kahit saang social media platform." Sagot naman ni Denver.
"Good. We won't take that down." I said briefly.
"At si Lumina?" Tanong ko.
"Nasa Parañaque pa rin."
"Hindi ba talaga magagawan ng paraan ang lintik na bahay sa Parañaque?"
Umiling si Denver. "Ang pagkakaalam ko, kamag-anak pala nila ang mga nakatira roon kaya nahirapan din kaming bilhin kahit triple pa ang alok namin."
Nanliit lalo ang mga chinita kong mata. "Alamin mo ang lahat tungkol sa kamag-anak nila. I want you to trace all of their relatives and make sure that they won't get any help from anyone."
"Okay, Miss Ania. Iyon lang po ba?"
"Prepare my car. I'll personally visit Lilia." I smirked. Mabilis na tumango si Denver at tumayo. Inalalayan niya ako palabas ng opisina at dumiretso kami sa basement.
Hindi ko na inupdate si Groian sa gagawin kong ito.
Alam ko rin naman na busy ang isa na 'yon dahil mayroon siyang meeting ngayon para sa bagong launching ng mga bagong sasakyan ang Quarters. Locally-made at disenyo ng mga Filipino engineers.
Isa pa, I know his stand on this. Ayaw kong mag-away kami dahil dito. Sabihin man niya na naiintindihan niya ang dahilan at mga ginagawa ko, alam ko sa sarili ko na kahit papaano, hindi niya gustong tuluyan akong malunod sa galit.
He's a kind-hearted man.
Sometimes, I think that I don't deserve him.
Magkaibang-magkaiba kami. Pero para sa kanya, ang pagkakaiba namin ay mas nagpapatibay pa sa amin.
"Let's stop over Starbucks too. I want a pumpkin spice latte." Sabi ko kay Denver pagpasok ng SUV.
Tumango siya. Bumaling naman ako sa bag ko at kinuha ang aking Chanel aviators at humalukipkip.

BINABASA MO ANG
Strings Attached (Good Kiss Series #2)
RomanceStefania Go's life is ruined by her father's illicit affairs and her mother's tragic death. Nasaktan siya at mayroong kailangang magbayad. Maniningil siya. Mahal. She doesn't care if she has to play around Groian Astallo and pull some strings to mak...