"Oh my gosh! What happened?" I saw the horror in their faces as they opened the door and saw Arie lying on the floor, unconscious and bleeding.
Mrs. De Leon immediately called for an ambulance. The maids behind her and some bodyguards looked at me carefully. They were all in shock too and they started panicking. I saw the disgust looks in their faces as they look at me.
Nanginginig ako sa sulok at hindi mapalagay. Tila ako binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko na ininda ang lahat ng sugat at sakit na natamo. Tila rin kasi ako namanhid sa lahat ng ito at wala akong ibang naririnig kundi ang masasakit na salita ng nanay ni Arie.
Napatingin ako sa pinto nang makitang sumunod na pumasok si Marius at si Groian. They are shocked too while whimpers can be heard all over the room. Groian quickly glanced at Arie and searched for me. When he found me, he immediately went to me and hugged me.
"Anong nangyari?" Tila kulog na tanong ni Marius at sinipat din ako.
Yumuko ako habang abala si Groian sa pagtingin sa sugat ko at pilit na pinigilan ang pagdurugo nito.
Pagdating ng ambulansya ay mabilis na kinuha si Arie. Kasabay noon ang pagdating ng mga pulis. Inangat ako ni Groian at kaagad kong naramdaman ang hilo at ang hapdi. My vision is blurry, probably because I lost a lot of blood too.
"Aba! Patatakasin mo pa ata ang kriminal na 'yan!" Galit na utas ng nanay ni Arie.
Masungit na lumingon si Groian sa kanila, tila ba wala nang sinasanto at walang makakapigil sa kanya ba umalis kami rito.
Hot tears filled my eyes, I am at fault! I am to blame for what happened to her. I am a cruel, vain woman!
"She's hurt too. I need to send her to the hospital." Ani Groian sa malamig na boses. Sa sobrang lamig nito, singhap lang ang naisagot ng mag-asawa at hindi na nangahas na kwestyunin si Groian.
Patuloy pa ring dumadaloy ang dugo mula sa aking braso. Tinitigan ko ito at wala akong maramdaman na sakit bukod sa sakit na nararamdaman sa aking dibdib.
"Sige, Mr. Astallo." Tumango ang head. Bumaling siya sa mga kasamahan at mas striktong tignan kaysa sa pagharap kay Groian kanina.
"Make sure to get her statements once the treatment is done." The head of the police said and gave me his smile.
"Let's go," Matigas ang boses ni Groian at tumikhim. Binuhat niya ako patungo sa kanyang sasakyan at kumapit lamang ako sa kanya. Binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib, hindi kinakaya ang lahat ng sakit na nararamdaman.
If only I could turn back time.
When we got to the hospital, I was immediately assisted to the emergency room and they did their usual routines. Kinuhanan ako ng vital signs at may tinurok na kung ano.
In a swift moment, all I could ever see is black and I passed out.
I woke up to the sound of people chattering inside the room. Marahan kong inunat ang braso at ngayon ko lang naramdaman ang hapdi at kirot.
I winced with the pain.
"Ania," may tumawag sa akin kung saan.
Pinikit-pikit ko muli ang aking mata dahil sa panlalabo nito. Tanging putting pader, ilaw at kisame lamang ang nakikita ko at malabo pa ito.
Ngumiwi ako at pinilit na kumilos. Pinikit ko ang mga mata, ang ilaw ay marahas na tumatama sa akin at mas sumasakit ang mga mata ko. Ilang segundo akong nakiramdam at marahang inangat ang kamay ko.
"Ania... How are you?" Pagmulat ko ay nakita ko ang mukha ni Tita Alla.
"Tita..."
Where's Groian? I scanned the room. Naroon si Denver at mga bodyguards ni Tita. May mga kasama rin siyang mga housemaids at nakita ko ang isang malaking bagahe sa tabi ng sofa.
![](https://img.wattpad.com/cover/184270637-288-k462911.jpg)
BINABASA MO ANG
Strings Attached (Good Kiss Series #2)
RomanceStefania Go's life is ruined by her father's illicit affairs and her mother's tragic death. Nasaktan siya at mayroong kailangang magbayad. Maniningil siya. Mahal. She doesn't care if she has to play around Groian Astallo and pull some strings to mak...