Chapter Fifteen

4.1K 128 38
                                    


"Where are you, Stefania?" Groian called me. 

Halata ang pagod sa kanyang boses at ang pagkabigo.

I'm on my way to Batangas now. I needed a getaway. I needed to gather and collect my thoughts so I won't be impulsively making decisions in a snap of fingers. I don't want my anger or any of my feelings dictate what should I do now.

Naiintindihan ko si Groian. Alam kong busilak talaga ang puso niya at hindi magandang ideya ang paghihiganti sa kanya. Pero kailangan ba talaga tanggapin niya ang yakap na iyon?

"Basta." 

"Ania, mag-usap tayo."

Tumikhim ako. "Just give me some space."

"What? A-ano bang problema? Mag-usap tayo. Nasaan ka? I checked with Meg and Perch pero hindi nila alam kung nasaan ka."

Umirap ako at hindi umimik. Alam kong dapat kinakausap ko siya ngayon at pinapaigting ko ang komunikasyon namin kaya lang talagang hindi ko maiwasang kailanganin ng oras para sa sarili. At oras para hindi lalong lumala pa ang galit ko.

Pinatay ko ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Alas sais na ako ng gabi nakarating sa Punta Fuego, kita ko na ang pamilyar na mga puno at ang inaalagaan at pinagmamalaking landscape garden. Nag park ako sa parking lot at agad sinalubong ng iilang pamilyar na staff.

Tumikhim ako at bumaba ng kotse. Kumaway sila sa akin at agad na dumalo.

"Magandang gabi, Miss Stefania." Ngiti ng isang payatot na staff. Ang alam ko, bell boy ito rito.

"Good evening," Bati ko sa kanila at dumiretso sa lanai. Naroon si Pamela, ang manager ng Club Punta Fuego. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at kaagad na ngumiti.

"Good evening, Miss Stefania! What a pleasant surprise."

"Spare me the formalities, Pamela." I chuckled and handed her my card.

"I'll be staying for a few weeks. I also need a laptop and a new cellphone."

"Okay, Junnie will escort you-"

"Huwag na. I can go to my usual villa." I smiled and looked around. The resort is busy, especially at times like this.

Nilakad ko ang stone pathway papunta sa madalas kong villa. Dahil madilim na, nakabukas na ang bawat poste na madaraanan ko. Sa mga bushes ng halaman ay mayroon ring mga ilaw na naka decorate. Ang hangin ay malamlam na umiihip sa paligid. Pinanood ko ang iilang lumalangoy sa swimming pool bago tuluyang dumiretso sa villa ko.

The pleasant smell of vanilla, eucalyptus oil and parfum soothes my nose. The well cleaned, minimalist design bedroom will be my home for the next few weeks. I'll be working from here and I'll ask Meg to take over the café. I'll ask Perch the same thing for the company too.

I silently walked towards the lounge and opened my veranda. Mula rito ay tanaw ko ang iilang nagkakasiyahan sa resto bar. Maingay ang tugtugin at mayroon atang banda rito ngayon dahil may kinasal. Madilim sa paligid, idagdag pa na wala ang buwan at bituin sa langit dahil natatakpan ng mga ulap.

Maybe it will rain tonight.

Dumating ang laptop at bagong cellphone ko. Sinet-up ko ang cellphone at ang laptop habang naliligo. It's been a long day! Nagpakuha pa kami ni Groian ng dugo kanina. Mabuti nga at hindi na ako nahihilo.

Niyakap ko ang roba sa katawan at pinatuyo ang buhok. Maya maya lang ay may kumatok na sa aking pintuan. Ang bell boy ata iyon.

Binuksan ko siyan at namumula ang payatot sa harapan ko. Tinignan niya ang loob ng kwarto ko at napalunok. "Ah..."

Strings Attached (Good Kiss Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon