Chapter 3

18.9K 396 3
                                    

Fire Alexandra POV

Paggising ko kina umagahan ay agad akong nag ayos. Naligo na ako at nag palit ng uniporme. Nakasuot ako ng black fitted skirt na above the knee at white long sleve na blouse. Hindi na ako nag lagay ng blazer at nagsuot na ako ng 4 inches black heels. Naglagay rin ako ng light make up at minessy bun ko ang aking buhok.

Nga pala..nagtra trabaho ako sa Hontiveros company which is the main company of my husband. Hindi alam ng mga empleyado doon na may asawa si Triev dahil sekreto lamang ang kasal namin. At kung nagtataka kayo kung ano ang gamit kong apelyedo ay hindi Honteveros kundi Villegas. Pero sa iba ko pang card at ID ay Honteveros ang naka lagay.. Hayy... hindi ko naman masisisi si Triev kung bakit gusto niyang tago ang tungkol samin. Nasasaktan man ako sa nangyayari pero wala akong magagawa.

Nang matapos na akong mag handa ay bumaba na ako at dumeretso sa kusina para kumain. Nakita ko si Manang Linda na nag hahanda na ng almusal.

"Magandang umaga po Manang" masiglang bati ko sakanya...

"Oh! iha..andiyan ka na pala.. magandang umaga rin sa iyo at halika na...umupo ka na jan para maka kain ka na at baka ikaw ay mahuli sa trabaho" nakangiti niyang sabi sa akin. Tumango naman ako sakanya at umupo na. Nilagyan niya ng kanin ang at ulam ang plato ko at ipinagtimpla niya ako ng gatas. Hindi kasi ako mahilig sa kape.

"Salamat po manang" nakangiti kong sabi.

"walang anuman iha..sige na at kumain ka na" tugon niya. Bigla ko namang na isip si Triev kaya tinanong ko ulit si manang.

"Ahmm..manang nga po pala...saan po si Triev?" humarap siya sa akin at sinabing...

"nauna na siya iha, kanina pa siya naka alis. Hindi na nga rin siya kumain ng agahan at nag paalam lang na may importante siyang gagawin" napatango naman ako kay manang at hindi na siya tinanong. Inaya ko na lamang siya na samahan ako sa pagkain pero tumanggi siya at sinabing mamaya pa daw sila kakain.
Wala na akong nagawa kundi ang ipagpatuloy na lng ng mag isa ang kumain. Maya maya ay bigla ulit siyang nagsalita.

"Iha, alam kong masamang mange alam pero..hindi ka pa rin ba pinapansin ni Triev?" sabi niya. Napatingin naman ako sakanya at inilingan siya. Ngumiti na lamang ako ng malungkot at ipinagpatuloy na muli ang pag kain.

"Pasensya na iha kung tinanong ko pa, pero iha...pag sobrang nasasaktan ka na ay bumitaw ka na...ayokong nakikita kitang malungkot at nahihirapan." malungkot na sabi ni manang. Tinignan ko siya at nginitian niya lamang ako ng malungkot.

"salamat manang ha...kasi andiyan ka para gabayan at samahan ako" nakangiti kong sabi.

" oh siya kumain ka na at baka ma late ka..babalikan ko lang ang ginagawa ko sa likod ng bahay" sabi niya. Tumango na lamang ako sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain.

Oo alam ni manang ang nararamdaman ko kay Triev. Sakanya ako laging lumalapit tuwing umiiyak ako dahil kay Triev. Siya rin ang nagbibigay ng payo sa akin at tinuturing ko na rin siyang ina.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay manang at sinabing aalis na ako. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na ito. 30 minutes ang biyahe papunta sa companya kaya medyo binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Pagkarating ko ay pinark ko na ang kotse ko sa parking lot at pagkatapos ay pumasok na ako sa loob.

Nginingitian ko ang mga empleyadong bumabati sa akin. Agad akong pumasok sa elevator at pinindot ang 16th floor. Ang 19th floor ay ang Conference Room. Samantalang ang 18th floor naman ay ang office ng CEO which is si Triev. Sa 17th floor naman ay ang opisina ng iba pang nasa matataas na posisyon. Ang 16th floor naman ay ang palapag kung saan ang mga Manager na tulad ko ay doon naka pwesto.

*Ting*

Pagkabukas ng elevator ay lumabas na ako at pumasok sa loob ng opisina namin. Agad naman akong binati ng mga ito. Actually lima lamang kaming Manager from different departments. Tatlo kaming babae at dalawa lang ang lalake.

"hi Alex!" masiglang sabi ni James Anderson. Isa sa mga kaibigan ko. Mabait, masipag at matalino siya.

"hello!" ngiti kong sabi.

"hi beshy!" sabi naman ni Loisa Jiminez. Madaldal, mabait,matalino at masipag siya. Actually mag fiance sila ni James.

"hello! blooming natin ngayon ah" nakangiti kong sabi sakanya.

"hahaha...ofcorze" sabi niya. Napa iling na lamang ako.

"Ang ganda mo talaga besh! as always" bati naman ni Kiara Lim. Half korean siya at masipag, matalino at mabait din siya.

" heh! ke aga aga eh nambobola ka diyan" natatawang sabi ko.

" Hi Alex" nakangiting sabi ni Gabriel Alonzo. Gab for short. Mabait, masipag, seryoso at matalino rin siya. Alam kong may gusto siya sa akin. paano ko nalaman....nagtapat siya sa akin 1 year ago.

"hi"casual at nakangiti kong sabi.

"yiee...kayong dalawa ah...pero besh kailan mo ba papayagan si Gab na ligawan ka?" biglang tanong ni Kiara..

~Akward Silence~

Hindi ko agad nasagot yung tanong ni Kiara at napabuntong hininga na lamang ako saka nginitian sila ng malungkot.

~~~~~~~~~~~~~~

Hi readers! hope your enjoying this story and pls do vote and support my story😊 Thank u so much😂😁


My Cold Hearted Husband {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon