Chapter 28

12.8K 264 2
                                    

Fire Alexandra POV

*blaaaggg! *

Pinilit kong imulat ang mata ko kahit gusto ko nang pumikit. Napatingin ako sa taong pumasok.

Nakita ko si Triev na pumasok habang nakatutok ang baril nito sa lalakeng nais akong gahasain. Nanlalabo na ang tingin ko kaya pumikit na lamang ako.

"Die you asshole! " malamig na sabi ni Triev at narinig ko na lamang ang sunod sunod na putok ng baril. Tumagal ito ng mga limang minuto. 

Naramdaman ko na lamang ang pagluwag ng pagkakatali sa mga kamay at paa ko. Naamoy ko rin ang pamilyar na amoy ng taong iyon. Triev.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko kahit na nanghihina na ako. Napasandal ako sakanya at naramdaman ko ang isang kamay nito sa bewang ko.  Nahihilo na ako at pakiramdam ko mawawalan na ako ng ulirat.

"Hold on wife.. " mahinang sambit ni Triev.  Tinanguan ko na lamang siya.  Tinanggal niya ang tshirt niya at pinasuot ito sa akin.  Muntik na akong matumba kung hindi lang ako hinawakan ni Triev sa bewang. 

Naramdaman kong umangat ako sa ere at doon na ako kusang bumigay.  Hinayaan ko ang sarili kong lamunin na ng dilim. Hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko lamang ay ligtas ako.  Niligtas ako ng taong mahal ko.

Joshua POV

Natapos namin ng matiwasay ang aming plano. Napatay namin ang mga tauhan ng CariZona at ang leader nilang si David Gonzales.

Madali lamang namin silang natapos dahil hindi nila pinag handaan agad ang pag atake namin. Ayos na iyon kaysa naman lumala pa ang sitwasyon. Nililinis na ng mga tauhan namin ang kalat samantalang kaming lima namana ay chini check ang paligid kung okna ba o hindi pa.

Nakaalis naang pinsan kong si Trievbitbit ang asawa nitong walang malay.  Nakita ko ito kung paano ito mag alala sa asawa. Mahal na mahal nga talaga niya ang asawa niya.  Napa iling na lamang ako at nag focus na sa ginagawa ko.

Naramdaman ko bigla ang pag vibrate ng phone ko. Agad kong tinignan kung sino iyon at nakita ko si ang message ng taong mahal ko.

Triev Thunder POV

naka confine na ngayon si Fire dito sa hospital. Medyo natrauma ito dahil sa nangyari at nagkaroon siya ng mga pasa. Niresitahan ako ng doctor kung anong cream ang binilhin ko para sa ipapahid sa mga pasa ni Fire para mabilisan lamang itong maghilom.

Nakaupo ako ngayon dito sa tabi ng asawa ko at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito.  Mahimbing na ang tulog nito at pansin ko rin ang panlalalim ng ilalim ng mata nito.

Pinagmasdan ko ang mukha niya at di ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyare sakanya. May pasa ito sa gilid ng labi at may sugat sa magkabilang pisnge nito. Napahigpit lalo ang hawak ko sa kamay ni Fire ng maalala ko kung paano nila ito muntik ng babuyin.

I'm sorry wife. Sorry kung napag daanan mo ang ganitong sitwasyon. You don't deserve this. Hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin. Ikaw na lang ang babaeng tanggap ako at handang manatili sa tabi ko.

Hinalikan ko siya sa noo pababa sa ilong hanggang sa labi. Pagkatapos nun ay sinubsob ko ang mukha ko sa gilid nito at dahan dahang pumikit.  Hindi ko na namalayan na unti unti na akong tinangay ng antok dahil sa sobrang pagod.



°°°After 8 Hours°°°

Nagising na lamang ako ng makarinig ako ng mga tawanan. Minulat ko ang aking mga mata at inangat ang ulo ko.  Unang bumungad sa akin ang tumatawang mukha ng asawa ko.  Bigla akong napaayos ng upo at bigla naman silang tumahimik.

My Cold Hearted Husband {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon